Chapter 13

84 2 0
                                    

YANA (SAME TIME HABANG NAGKE-KWENTO SI MIGS)

Naglalayag ang isip ko at nakatulala lang ako habang nagkkwento si miguel.

Hindi maawat ang luha ko.

Naaalala ko ang mga sinasabi niya, napapanaginipan kopa.

"Yana is got missing this afternoon and turned out that she's been kidnap. Now move your ass-" Rinig kong kwento ni migs na nagpawala ng pagkafocus ko bigla sa kanya.

Kumikirot ng kaunti ang ulo ko kaya pumikit ako ng mariin.

"Hay, nasan kaya si migs? miss kona siya." Sabi ng batang babae habang naglalakad papunta sa may puno sa labas ng Bahay nila.

"Dito nanga lang muna ako, Baka busy siya. kasi kung hindi naman pupuntahan agad ako non."

Umupo ang babae sa lapag at pumikit, Dinadama ang lamig ng hangin at kapayapaan ng paligid. It was afternoon by the way, hindi na kainitan.

May narinig siyang tunog ng sasakyan na nagpadilat ng mata niya.

Maya maya ay may nakita siyamg dalawang lalaki na sobrang lapit na sa kanya. Nagtaka siya at napatayo mula sa pagkakaupo.

Mabilis na nakalapit ang dalawang lalaki at hinawakan siya sa kamay.

"Who are you? What are you doing?" Takot na tanong niya sa mga ito.

"Manahimik ka nalang dyan bata, at sumama ka samin." Nakakatakot na sabi ng lalaki.

Bigla nalang may nagtakip ng ilong niya at kaagad din siyang nakaramdam ng hilo at panghihina hanggang sa magdilim na ang paningin niya.

...

Nagising siya ng maramdamang may sumampal sa kanya. Tinignan niya ang kung saan siya nakapwesto at nakitang nakahiga siya sa kama habang nakatali ang mga kamay.

"Hoy bata, Napapahimbing ata ang tulog mo ha. Gumising kana dyan, Kailangan kana namin." Sabi ng lalaki na iba naman sa kumidnap sa kanya.

Tinignan niya ang paligid ng silid kung saan nasaan siya.

Madaming mga estante na mukhang matagal ng nakaimbak dito, Marumi din ang paligid at halata na abandonado na ang lugar na ito, Merong dalawang pinto na babasagin.

Nang makita niya ang mga counter na luma ay naisip na niya na dinala siya sa isang abandonadong supermarket. Hindi nga lang niya alam saang lugar ito.

Naluluhang napatingin siya sa limang lalaki, ang tag dalawa ay nasa magkabilang gilid niya at ang isa ay ang lumapit sa kanya.

"W-what do you n-need?" Garalgal ang boses na tanong niya.

Natatakot na siya, hindi niya alam ang gagawin niya. She was just 12 yrs old for pete's sake.

"Malalaman mo rin bata, Hintayin lang natin si boss." Tatawa tawang sabi ng lalaki tsaka umalis sa harap niya at umupo.

Maya maya lang ay may lalaking pumasok, medyo may katandaan na at halata naman sa galaw niya.

Agad nagsiayos ang limang lalaki at humarap sa matanda

"Boss, nandyan na pala kayo. Nakuha na ho namin ang anak ng mag asawang Chandria. ayan na ho siya" Magalang na sabi ng lalaki na sumampal sa kanya.

"Magaling, mamaya rin ay makukuha niyo na ang sahod niyo gaya ng napag usapan." Sabi ng matanda tsaka humarap sa kanya.

"Yana Chandria, Kawawang bata. Paano kana ngayon? Wala ang magulang mo dito. Pinundi niyong mga Chandria ang pasensya na meron ako." Sabi ng matanda tsaka hinawakan ang pisnge niya.

Safe in His armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon