Chapter 5

158 11 0
                                    

YANA

Tahimik akong nakaupo dito sa Sofa habang tinitignan ang kape sa center table. Umalis kasi si miguel at may bibilhin lang daw sya, ang pinakamalapit pa naman ma tindahan dito samin ay ang tindahan nila Nica malamang nandun ngayon ngayon si Miguel kinuha ko ang bag ko at kinuha don ang bigay na Cellphone niya at hinawakan lang ito hanggang ngayon ay natutuwa parin ako, ang dami ko nang utang kay Miguel, napangiti ako nang maisip ang kabaitan niya sakin kasaba'y nang pag ngiti ko ay ang pag bilis nang tibok nang puso ko. Nawala kay Miguel ang isip ko nang marinig na mas lumalakas ang ulan at mas lumalamig na dito sa bahay. bakit ba ang tagal ni Miguel bumalik, kinuha kona lang ang kape sa mesa at akmang iinumin to nang biglang dumilim ang paligid wala na akong maaninag na liwanag. Bigla akong kinabahan, at halos matulis ako sa kinauupuan ko. Natatakot ako. Hindi ako sana'y nang walang ilaw. Mahigpit ang hawak ko sa ilaw habang mabigat ang paghinga ko. Nagsisimula nang manginig ang katawan ko hindi dahil sa lamig kundi dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko,Nanginginig narin ang mga kamay ko at tinignan ang paligid, tumulo ang luha ko nang walang maaninag na liwanag... natatakot ako, napatingin ako sa kamay ko at nakita ang cellphone dito agad akong nabuhayan nang loob nang maalala si Miguel, binuksan ko ito at umilaw pinindot ko ang pangalan ni Miguel at tinawagan ito at nagring naman kaagad. tahimik lang akong umiiyak habang tinapat sa tenga ko ang cellphone at pumikit.

"Miguel,sagutin mo please...tulungan moko... Miguel natatakot ako"Iyak kong sabi sa isip ko.

matapos ang ilang ring ay narinig kona si Miguel.

"Yanny?Hello? wait for me. pabalik na---" hindi nya na natapos ang sasabihin nang magsalita kaagad ako.

"Miguel, Please Come back... I-I'm afraid in Darkness" Mahinang sabi ko kay Miguel. Natatakot ako nilulukob na ang buo kong pagkatao ng takot naiiyak ako pero timatapangan ko parin dahil ayokong mag panic mawawala ako sa hulog.  Maya maya ay narinig ko ang pagputol nang linya.

Nakapikit lang ako habang pinipigilan amg iyak ko, pinapakiramdaman ko ang paligid. Pakiramdam ko tanging ang naririnig ko ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ang malakas na ulan. Dumilat ako at tinignan muli ang apartment, hanggang sa nagbabalik na naman ang ala ala ko sa nakaraan ko na tangi kong naaalala at ayoko ng maalala pa. pinipilit ko naman itong  kalimutan.

"Wag ka nang lumayo bata, hindi kana naman makakatakas e. wala nang ibang tao dito maliban sayo at samin, hindi mo rin kakayanin ang makatakas dahil malayo tayo sa syudad" tsaka sila nagtawanan nang pagkalakas lakas.
Hindi, kailangan ko makatakas dito uuwi ako samin.
Kahit nanginginig at takot na takot ay tumakbo ako dito sa lumang luma na lugar nato. isa itong abandonadong supermarket.
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa mabangga ako sa isang matigas na dibdib, umiiyak na tinignan ko ito. ngunit bigla nya nalang akong hinawakan sa kamay at inangat tsaka sinampay sa balikat nya.
Umiiyak na nagwawala ako
"Maawa kayo sakin pakawalan nyo na ako pakiusap. Bitawan moko, pakawalan niyo na ako" ngunit masyado silang malakas kumpara sa Dose anyos na babaeng tulad ko kaya napagod nalang ako sa pagwawala at pagsisigaw kaya hinayaan kona lang ang lalaki na dalhin ako at hinayaan ang sarili na umiyak

Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ako sa sofa at Niyakap ko ang tuhod ko at sinubsob ang mukha dito habang tahimik na umiyak.

...

NANDITO nako sa pinto nang marinig ko na may bumagsak, kaya dali dali akong pumasok. pagka pasok ay nakita ko agad si Yanny na nakayuko at yakap yakap ang tuhod niya. Naawa ako sa itsura niya. I thought She's okay. I thought She finally healed. But I am wrong. Bulong ko sa isip ko.

"Yanny... This is Miguel, Lift your face please. I am here now." mahinahon kona sabi kay Yanny at Pinatong ang cellphone ko sa Center Table niya para maalalayan ko siya. Nakatapat naman samin ang flashligh. Lumapit ako sa kanya at pinakinggan ang binubulong niya.

Safe in His armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon