Chapter 18

87 3 0
                                    

MACEYLIN

"Babe tara, doon tayo" Masaya kong aya kay Ck sa may ferris wheel.

Nandito kami ngayon sa may amusement park. Sabi kasi ni Ck babawi raw siya sakin kaya hindi na muna kami pumasok nang kumpanya.

"A-ah sige baby..." Alangan na ngiti niya sakin.

Nagtaka ako ngunit hindi ko pinansin iyon.

Pumunta kami don at pinakita ang tatak namin sa kamay na Ride all you can.

Agad nila kaming pinapasok at isinakay.

"Omg babe. I'm so excited." Nakangiti kong sabi tsaka siya tinignan.

Nakangiti siya sakin pero pawisan ang Noo niya.

"Hey, bakit ka pinagpapawisan?" Nag aalala kong tanong sa kanya.

"Ah w-wala to. M-mainit lang kasi, hehe" Ngingiti-ngiti niyang sabi sakin.

Kinuha ko naman ang panyo sa bag ko at pinunasan ang Noo niya.

Naramdaman kong gumalaw na ang sinasakyan namin kaya napangiti naman ako.

"Yees. Aandar naaa" Masayang sigaw ko tsaka tumingin sa bintana at kumapit sa bakal sa harapan ko.

Nagsimula ito sa mabagal na takbo hanggang sa Unti unting bumibilis na ikinakatuwa ko naman.

Alam ko para akong bata pero ngayon lang kasi ako nakapunta dito sa amusement park. Halos puro mall kasi o park tsaka party ang madalas namin puntahan ni Ck.

"Wuhoooo." Sigaw ko nang mabilis na ang pag ikot nito.

Masaya ako hanggang matapos ang ride at makababa kami ni Ck.

"Baby wait lang" Rinig kong sabi ni Ck at nang tignan ko siya at tumakbo siya sa may basurahan tsaka sumuka.

Mabilis na nilapitan ko siya at hinawakan siya sa likod.

Nang tumayo siya ay inabot ko agad ang panyo ko atsaka umalis para bumili nang mineral water.

Kaagad kong inabot sa kanya iyon at ininom niya naman.

"Bakit ka nagsuka?" Alala kong tanong nang mahimasmasan na siya.

Umiwas naman siya nang tingin sakin.

"Look at me Ck. Anong problema?" seryoso kong tanong sa kanya.

Ipinilig niya ang ulo paharap sakin.

"Sorry. Dati kasi muntik na ako mahulog sa ferris wheel e." Mahinang sabi niya sakin.

Napatango naman ako at hinila na ulit siya sa kung ano anong rides.

...

CK

"Grabe. ang saya nun babe" masayang sabi sakin ni macey habang hawak ang kamay ko palabas nang amusement park.

"Nag enjoy kaba?" Tanong ko sa kanya tsaka mas pinalapit at hinigpitan ang hawak sa kamay.

Nakangiti siyang humarap sakin at maraming beses na tumango.

"Oo naman babe. sobrang enjoy" Natutuwa niyang sabi. Napangiti naman ako habang tinitignan ang masaya niyang mukha.

Ito. ito ang gusto ko na makita lang sa mukha niya. ang masaya at nakangiti niyang mga labi.

Pinagbuksan ko siya nang pinto sa harapan at kaagad naman siyang sumakay ron, sumunod naman kaagad ako.

Pasado alas syete na kasi kaya kailangan nang umuwi. sigurado naman akong pagod na si macey dahil pagkasakay ko ay nakasandal na ang ulo niya sa may bintana habang nakapikit.

Safe in His armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon