Chapter 6

127 7 0
                                    

YANA

Alas singko na ngayon nang umaga at kagigising kolang, Tinignan ko si Miguel sa kabilang sofa at nakitang natutulog pa sya. Halatang puyat at pagod sya dahil nakakarinig ako nang mahinang hilik galing sa kanya. Habang nakatingin ako kay Sir ay biglang tumunog ang tiyan ko na ang ibig sabihin ay nagugutom na ako. Wala pa naman akong pera kaya naisip kona Umutang nalang muna kila Nica nang ma-aalmusal namin ni Sir.

"Ito na ang itlog at bigas mo Anay" sabi ni Nica habang inaabot sakin ang inutang ko. Kinuha kona man ito.

"Salamat anik, Babayaran nalang kita pag may pera na ako." nakangiting sabi ko kay Nica

"Naku okay lang Yana, nga pala Yana? ayos kalang ba? nagbrown out kagabi ah, kamusta ka naman? Sunod na sunod na tanong nya habang nag aalala na nakatingin sakin.

"Ah oo ayos lang ako Nica" Nakangiti at tumatango kong sabi.

"Talaga ha? Kung ganun sige na umuwi kana nang makakain kana" nakangiti rin niyang sabi.

"Sige Nica, Salamat" pagkatapos nun ay tumalikod nako at naglakad pauwi.

...

"Miguel? Miguel? Gumising kana, Mag-almusal na tayo. Nagluto ako nang makakain" mahinang pag gising ko kay Miguel, dahan dahan naman niyang minulat ang mata nya at tumingin sakin. Napatitig ako sa kayumanggi niyang mga mata. Kahit pala bagong gising pogi parin talaga. tumingin sya sa bintana saglit at muling binalik ang tingin sa akin.

"Goodmorning Yanny!" Nakangiti niyang bati. kaya napangiti rin ako.

"Goodmorning rin Miguel, Tara na Mag-almusal na tayo" Yaya ko sa kanya at naglakad na papuntang kusina at kumuha nang plato at kutsara. sunod na nilagay ito sa mesa katabi nang tinimpla kona kape naming dalawa. Umupo naman si Miguel sa katapat kong upuan

"Hmm, ang bango talaga nang luto mo Yanny. Nagutom ako bigla." Ngingiti ngiti niyang sabi.

"Thankyou Miguel. tara na kumain na tayo" Sabi ko sa kanya tumango naman sya at nagsimula nang kumain. ganun din ang ginawa ko

...

"SIGE na Miguel, papasok narin ako mamaya, susunod nako. maliligo parin kasi ako." sabi ko habang kausap sa Cellphone si Sir Miguel
7:30 na kasi pero nandito parin ako sa bahay. Pagkatapos kasi namin na mag almusal ay nagpaalam rin kaagad si Miguel na Uuwi na raw sya.

Pumunta na ako nang Cr matapos kong makakuha nang damit. Hinubad ko ang suot ko at Agad na binuksan ang gripo tsaka sumalok nang tubig sa timba gamit ang tabo. Binilisan kona ang pagligo dahil baka kagalitan ako ni Sir Miguel. Nang matapos kong Mag conditioner nang buhok, magsabon nang buong katawan at magtoothbrush ay kinuha kona ang tuwalya ko para magpunas nang katawan. Hindi naman kasi ako ang klase nang babae na may ginagamit na kung ano ano mukha dahil maputi at makinis na ang mukha ko. Gayun din naman Buong katawan ko. Kinuha kona ang mga isusuot ko tsaka isa-isa itong Sinuot sa Cr, pagkatapos ay nilagay ang tuwalya sa ulo ko tsaka lumabas.
Pumunta ako nang Sala dahil nandun na ang bag ko. Umupo ako sa isang Sofa tsaka inalis ang tuwalya sa ulo ko at pinunasan ito nang ayos. Pagkatapos ay kinuha ko ang suklay sa Bag ko tsaka nagsuklay nang buhok. Binilisan kona rin ang pagsusuklay. Matapos nun ay Tumayo nako at kinuha ang bag ko tsaka sinukbit sa balikat ko at lumabas.

...

"Goodmorning Sir. Miguel. sorry! I'm late." magalang na sabi ko kay Sir. Miguel, Pagkarating ko kasi dito sa company ay agad na pumunta ako sa Office dahil late nako.

"Ayos lang yon, magtrabaho kana. Pumunta kana sa table mo" Sabi nya habang nakatitig sakin. Agad bumilis ang tibok ang puso ko nang makita ang ibang klase niyang titig nya sakin.

Safe in His armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon