Chapter 3

189 16 0
                                    

MIGUEL

7:40 palang pero nandito nako sa may office, hindi ako bumili nag almusal dahil natatakam ako sa luto ni Yana ang sarap kasi, sa totoo lang nagaalangan ako kainin dahil kahapon lang ako nakakita nun pero naamoy ko ang bango at mukhang masarap ang pagkakaluto kaya tinry ko pero diko akalain na magugustuhan ko pala ang luto ni Yana hmm buti pumayag sya na tawagin ko siyang Yanny nagisip talaga ako nang pwedeng itawag sa kanya na pwedeng makatulong sa kanya.

Muling bumalik ako sa reyalidad nang bumukas ang pinto at pumasok si Yana. Nakasuot sya nang black jeans at blue na Off shoulder na damit habang nakasuot sya nang shoulder bag tinignan ko ang paa nya at nakitang sapatos na puti ang suot nya, ang simple palang nang suot nya pero sobrang ganda nya na.

para siyang magmomodel ng isang sikat na brand nang damit bumagay sa kanya ang off shoulder na suot dahil sa maputi niyang balikat at magandang collar bone tinignan ko naman ang mukha nya, nakalugay ang may kahabaan niyang buhok wala siyang make up na nakalagay sa mukha nya hindi rin siya nakalipstick dahil natural na mapula talaga ang labi nya, ang pilikmata naman niya ay mahaba na dumagdag sa ganda nang mukha nya.

perpekto ang hugis nang mukha nya. Kung titignan mong maige isa lang ang masasabi mo ang ganda nya at meron siyang mala-anghel na itsura naglakad sya papunta sakin nang nakayuko habang may hawak na lalagyan. tingin ko yun ang pagkain ko.

"Goodmorning Sir Miguel, Ito napo ang almusal nyo, sandali lang po yung kape nyo po ititimpla kopa" Magalang na bati ni Yanny habang nakayuko. Ni hindi manlang nyako tinapunan nang tingin nang akma siyang aalis na tinawag ko sya.

"Ms. Chandria" seryoso na tawag ko sa kanya. nanatili lang siyang nakayuko.

"Yes Sir Miguel?" sagot nya sa tawag ko pero nakayuko parin sya.

"Is that the proper way to answer your Boss Ms. Chandria? Look at me  before I stand up and Force you to look at me." Mas seryosong kausap ko sa kanya. Hindi ko gusto ang mood nya ngayon. bakit hindi nya magawang tumingin sakin? galit ba siya? o kahit ano pa.

"I'n sorry Sir." mahinang sabi nya tsaka dahan dahan na umangat ang tingin sakin.

"What the Fuck happened to you?" Malamig na tanong ko ng mapansin ang namumugto niyang mga mata.

"Nothing Sir, I'm fine." nakangiting kumbinsi nya sakin. Tumango nalang ako para matapos na nagpaalam naman sya na lalabas para gawin ang coffee ko pinayagan kona dahil mukhang wala siyang balak sabihin ang dahilan nang pag iyak nya. pero alam kong may malalim na dahilan iyon. umupo akong muli sa upuan ko at napatitig sa kawalan. Anong problema Yanny? bakit magang maga ang mata mo, ano bang problema mo? gusto kong tanungin lahat nang tanong sa isip ko. dahil kung ako ang sasagot nito e nadadagdagan lang din ito nang isa pang tanong.

"Sir ito napo yung coffee nyo" Biglang napatingin ko sa seryosong mukha ni Yanny lalo na sa namumugto niyang mata.

"Sige salamat"sabi ko habang nakatitig nang diretso sa mga mata nya. tumango lang sya at tumalikod na palabas

"Uh Yanny" tawag ko sa kanya. humarap naman siya

"Yes sir?" walang gana niyang sagot.

"This is your First day as my secretary. I hope that you left your problems in your house. Don't let your personal problems affects your Work." Seryosong sabi ko. I just somehow wants her to forget her problems that I probably knew.

"Yes Sir, I am professional enough to not bring my Problems in my Work Sir. I'll go outside now Sir." mabilis siyang tumalikod at walang ano ano'y lumabas nang office ko. Tinignan ko ang nilabasan niyang pinto before I call someone.

...

"Hello this is Vasquez Clothing Company. Mr, Vasquez Secretary Speaking. How may I help you?" magalang na pagkausap ko sa kabilang linya.

"Yes hello, this is Robert Carpio. Can you set me an Appoitment to Mr. Vasquez tomorrow morning  9:00 am" sagot nang nasa kabilang linya.

"Okay sir thankyou" magalang na sagot ko muli pagkatapos narinig kona ang pagkaputol nang linya.

Kinuha ko naman ang ballpen at sinulat ito sa Schedule ni Sir para bukas.

Pumasok ako sa Office ni Sir bitbit ang inorder kong pagkain sa Cafeteria sa 3rd floor.

"Sir, Here's is your Lunch. Eat your food, Eatwell!" Magalang na sabi ko. Tumango siya ng hindi na tumingin sakin dahil busy sa mga pinipirmahan niyang papel.

Yumuko nalang ako ng bahagya at lumabas na.

...

Masyado akong busy kaya hindi ko napansin na 6:30 pm na pala at 30 minutes nalang Uuwi nako. pakiramdam ko ang baho nang hininga ko dahil sa ilang oras na nakasarado lang ito. Nilunod ko ang sarili ko sa trabaho dito sa company at tumalab naman iyon para makalimutan ang problema ko. Inayos kona ang mga gamit ko, Niligpit ko ang mga papers ni Sir para ipagpatuloy na bukas. Isinusukbit kona ang bag ko nang may magsalita sa likod ko.

"Yana come on! ihahatid na kita." sabi ni sir sakin, at dahil mukhang determinado siya hindi nako nakipag sagutan pa gusto kona lang magpahinga ngayon.

"Sige sir" Hinintay nya ko na masukbit nang ayos sa balikat ko ang bag ko tsaka siya sumunod sa kanya na nasa elevator na.

"Are you okay now?" Tanong niya habang naka tingin sa pinto ng elevator at nilipat ang tingin sakin ng mapansin na nakatingin ako sa kanya.

"Yes Sir, I already told you na hindi ko dinadala sa Trabaho ang problema ko." Nakangiti kong sagot at inalis ang tingin sa kanya dahil nakita kong tumango.

...

NANDITO na kami sa may parking lot at naglalakad papunta sa kotse ni Miguel. Nang nasa harap na kami nun pinagbuksan niya ako nang pinto at pinapasok ako, dali dali naman akong pumasok dahil baka may makakita samin at magisip pa nang kung ano ano. Nang makapasok nako tumakbo naman sya papasok sa may driver seat. Pag pasok ay dali dali niyang binuhay ang sasakyan. Hinilig ko ang ulo ko sa may sandalan at pumikit. Nakakapagod talaga lunurin masyado ang sarili sa trabaho haay.

"Tired yanny?" Mukhang nakita nya sa itsura ko ang sobrang pagod. Bahagya kong hinilot ang Batok ko dahil sumakit ito, maghapon ba naman akong nakayuko e

"Yes but that's okay Miguel" sabi ko habang hilot parin ang batok ko. ngunit natigilan ako pag dilat ko nang makitang hindi halos pamilyar ang mga nadadaanan namin. halos nagkalat ang fast food stores. Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Miguel ngunit seryoso lang siyang nakatingin sa may daanan.

"Where are We going miguel? Hindi ito ang daan papunta sa bahay ko." Nagtatakang tanong ko. Habang nakatingin sa kanya.

"Wag kang mag alala, Drive thru lang tayo. Order lang then hatid na kita. Gusto kolang masigurado na kakain ka ngayong gabi." Sabi niya tsaka inalis ang tingin sakin at tumingin sa daan.

Ngumiti naman ako bago nagsalita.

"Salamat, Babawi ako pag Sahod." Ani ko sa kanya. Naweweird-an talaga ako kasi bakit parang kilala na ako ni Sir at bakit hindi ako naiilang sa kanya? para bang ang tagal na naming magkakilala pero hindi naman.

Nagkibit balikat nalang ako at sinandal ang ulo sa bintana.

...

"SALAMAT sa foods Miguel ha. Babawi talaga ako sayo pag di na ako gipit" Natatawa at nahihiyang sabi ko

"Okay lang yon yanny babaunin nalang kita muna sa utang. Tsaka na kita sisingilin pag handa kana."Maka hulugan niyang sabi, naguluhan naman ako pero nyumiti nalang sa kanya.

"Sige na pumasok kana. I know you're tired. Goodbye sleepwell." huling sabi nya at pumunta na sa Kotse niya sa may Driver seat at binuhay ito. Bumusina muma siya bago umalis. Pumasok naman na ako pagka alis ni Miguel medyo nasasana'y na akong tawagin siyang Miguel dahil ewan ko ba parang sana'y ang dila ko na tawagin siyang ganon. parang pamilyar pero alam ko naman na ito lang ang unang beses na nakilala ko si Sir.

Humiga na kaagad ako sa kutson pagkapasok ko ng Kwarto.

"Salamat sayo Miguel this is the first time that I felt safe and comfortable to a man." bulong ko sa isip habang nakatingin sa kisame nang kwarto ko at napatingin sa ilaw. Hindi ako natutulog nang patay ang ilaw. Actually hindi ako makatulog nang walang ilaw. Hindi kona naisip na hindi pako naglilinis nang katawan dahil sa pagod. Hahayaan kona muna ang sarili kona magpahinga.

Safe in His armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon