Chapter 21

183 4 2
                                    

MACEYLIN

Isang linggo na ang nakakalipas pero ganun parin si Ck.

Aalis siya nang tulog ako at Uuwi siya nang tulog na ulit ako.

Galing na ang paa ko at nagbibihis ako para puntahan siya ngayon sa kumpanya.

Bitbit ko ang pagkain na nakalagay sa tupper ware alas onse na kasi at naisip kona saba'y kaming kumain sa office niya. Susurpresahin ko siya.

Nakangiti akong lumabas sa bahay tsaka naglakad papunta sa kumpanya.

...

"Goodmorning mam." Nagtataka kong tinignan ang mga empleyado dahil sa pagbati nila sakin.

Naglalakad na ako papunta sa elevator nang marinig ko ang sigaw ni lara.

"SIS WAIT" Rinig ko sigaw niya. Napahinto ako at tinignan siya.

"Oh bakit?" taka kong tanong nang makalapit siya sakin.

"Haba nang hair mo gaga" Nang aasar na sabi niya.

"Ha bakit?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Noong nasa hospital ka, aba ang sir Ck sinabi sa lahat na asawa ka niya tsaka tinanggal sa trabaho ang bruhang si rochelle" Nakangiti niyang sabi.

Napaisip naman ako, Noong umalis siya sa hospital? ang sabi niya tinanggal niya sa trabaho si rochelle.

"Ang sabi sakin tinanggal niya lang raw sa trabaho si rochelle." Taka kong sabi sa kanya.

"Eh loka, diba ayaw mong sabihin niya yon kaya siguro hindi sinabe sayo. Hay nako! ang sarap mong sabunutan." Asar niyang sabi sakin.

Napangiti ako kasaba'y nang pagbilis nang tibok nang puso ko.

"Osige, bigyan rin kita nang buhok ko" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Nako, kalbuhin kita jan e" Natatawa rin niyang sabi

"Osige na sige na, hintayin mo ako rito ha. Medyo saglit lang ako sa taas" Nakangiti kong sabi, nang makita ko ang pagtango niya ay sumakay na ako sa elevator at kumaway sa kanya.

Hindi ko alam pero parang ayaw nang matigil nang mabilis na pagtibok nang puso ko. kanina kilig ang nararamdaman ko pero ngayon? Iba na kinakabahan na ako e, pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari ngayon.

Nang bumukas ang pinto nang elevator ay huminga muna ako nang malalim tsaka lumabas.

Nilalabanan ko ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

Walang mangyayaring masama.

Pagkukumbinsi ko sa sarili ko tsaka naglakad na papunta sa office ni Ck.

Nang nasa harap na ako nang pinto at akmang bubuksan ito nang marinig ko ang pamilyar na boses nang babae. Ang boses ni rochelle.

"Hiwalayan mona lang si maceylin Ck, sumama ka nalang sakin. Mahal naman din kita at magaling ako Ck, Mapapaligaya kita nang higit pa sa ginagawa niya." Rinig ko ang malanding boses ni Rochelle.

Agad nangatog ang binti ko at mas kinabahan pa ako habang naghihintay nang sagot kay Ck.

"Yeah sure, Oo sige" Rinig kong sagot ni Ck dahilan para bumagsak ang maiinit na likido na nagmumula sa mata ko.

Ito ba ang importanteng ginagawa ni Ck na sinasabi ni nay ophel?

Para akong pinagbagsakan nang langit at lupa sa bigat nang nararamdaman ko ngayon.

Nabitawan ko ang pagkain na dala ko tsaka napahawak sa bibig ko.

Safe in His armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon