Kabanata 12

476 18 15
                                    

Falling

Nandito ako sa kwarto ko, gulong gulo na kaming lahat dahil madaling-madali kami! Maaga silang pumunta dito para makapag-ayos na ako pero ang mga boba ay hindi man lang ako ginising! Aba syempre! Stress ako at kabado para sa araw na ito kaya hindi ako nakatulog kaagad kagabi! Ayan tuloy! Malalate na kami!

It's 8:30 in the morning and dapat 9:00 am ay nandun na kami. Kakaligo ko lang at basang-basa pa ang buhok ko. Ang buhok ko muna ang aayusin nila para wala ng hassle dito pagkarating dun. 10:00 mag uumpisa ang pagpasok ng mga bisita, judges at iba pa. Bababa rin ang buong 4th year high school students and teachers from their rooms. So expected na 11:00 ang umpisa ng patimpalak.

Binloblower ni Krishna ang buhok ko habang si Christine naman ang nag aayos ng mga gagamitin kong damit. Si Kathryn ay nakasandal lang sa pintuan ng kwarto ko at nakahalukipkip. Aniya'y wala naman daw siyang maitutulong at baka makagulo pa samin. Si Angel naman ang nag aayos ng mga make up na dadalhin. Dahil ang mga bruha, dinala halos lahat ng make up nila! Nakabili na kami kahapon ng make up pero mas pinili nila na magdala pa rin ng make up para daw sigurado at maraming pagpipilian sa mga looks na gagawin.

Nang mangalahati na ang tuyo sa buhok ko ay agad kaming dinaluhan ni Angel at agad niyang kinulot ang buhok ko. Madaling madali na kami at tarantang taranta na. Kaya matapos na makulot ang buhok ko ay agad na kaming kumaripas ng takbo patungo sa sasakyan nila. Muntikan ko pang hindi maisarado ang pintuan ng bahay sa kakamadali ko.

8:53 na ng makapasok kami sa sasakyan kaya halos paliparin na ni Kathryn ang kotse para lang makaabot kami. Medyo nagusot din ang mga damit ko dahil dun. Pero sa kasamaang palad ay umabot kami sa parking ng 9:10 kaya halos talunin nalang namin simula sa parking hanggang sa loob ng school.

Tinakbo nalang namin hanggang sa makaabot kami sa gate. Pagkapasok namin ay kitang kita mo na ang mga upuang nakahanda para sa mga guro at estudyante. Nandun na rin ang upuan para sa mga bisita at judges. Makikita rin doon ang runway na ginawa nila pati na rin ang malawak at magarbong stage.

Nagmadali kaming pumunta sa backstage para lang salubungin ang sigaw at bulyaw samin ng isang professor na inassign sa backstage. Kesyo late daw kami, 'di daw porke highest section kami ay paimportante daw kami. Lahat ng tao sa backstage ay nakatingin samin, napairap na lang kami matapos niya kami sigawan.

Nilibot ng mga mata ko ang buong backstage, nakita ko si Mish na nakangiti sa akin at halatang kabado, katulad ko. Nilabi niya ng mga salitang "Fighting" at nagthumbs up sa akin. Sinuklian ko rin siya ng ngiti at dumiretso na sa naassign na pwesto ko.

Matapos nila akong make up-an at ayusin muli ang buhok ko ay pumunta na kami sa dressing room. May nakaassign na dressing room sa bawat contestants kaya 'di kami nahirapan. Pabalik na kami sa backstage ng marinig ko ang pagpasok ng mga bisita at judges base sa pagpapakilala sa kanila ng emcee.

Narinig ko rin na pababa na ang mga guro at libo libong mga estudyante. Malawak naman ang ground kaya kasya lahat ng manonood sa patimpalak.

Kabado ako ng makarating sa backstage. Panglabing dalawa ako na papasok sa labing limang contestants na babae kaya may panahon pa para pakalmahin ang sarili ko. Habang nasa backstage ay sinabi samin ang magiging daloy ng pagrampa namin.

Una ay hihinto kami sa gitna ng stage at pipicturan kami tapos ay rarampa sa runway at babalik sa backstage, pagkatapos ay rarampa ulit kasama ang partner. In speaking of partner, hindi ko pa nakikita si Dame at hindi ko pa alam ang suot niya. Sinabi ko lang ang kulay at ang ibang detalye sa suot ko para makahanap siya ng ipapartner dito.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon