Moving out
"Alcantara, Samantha Isabella Lee. Summa Cum Laude." I started walking towards the stairs. Sa tabi ko ay si papa.
Rinig ko ang palakpakan ng mga tao. I can also see my friends in their designated seats. They were smiling ear to ear, halos mapunit ang mga labi. I smiled back, almost chuckling at their faces.
Matapos sabitan ng medalya at ang pakikipagkamayan ay bumalik na kami sa aming upuan. Sinulyapan ko si papa na papalayo. He's smiling too. I can see that he's proud of me, of what I have achieved. Natutuwa rin naman ako doon. Pero mas importante sa akin ang naasam ko sa totoong buhay kaysa sa akademiya.
Hindi pa doon natapos ang program. There were so many people and guests who gace their speech and greetings to us. Ang ilan doon ay dito rin nag-aral kaya naman nagpahayag din sila ng kanilang mga karanasan.
Matapos ang lahat ng iyon ay hinila ako ni Christine palapit sa grupo nila. Krishna, Kathryn and Angel were already smiling at the camera kaya ngumiti na rin ako doon.
Hindi pa nakuntento si Krishna at sumigaw naman ng, "Wacky! Isa pa! Isa pa!" They posed funny faces. Tumatawa akong nakisama sa kanila.
Inabot ata kaming tatlumpong minuto kaka-picture doon. Lumapit si Angel sa photographer para tignan ang mga pictures namin. Kumunot ang noo ko nang makitang ang driver niya iyon. Kiefer...?
"Ano ba 'yan! Ang pangit ko diyan, Kiefer! Burahin mo, uulitin namin!" She whined habang hawak nilang dalawa ang camera. Ang kamay ni Kiefer ay nakapatong sa kamay ni Angel.
He tsked. "Angel, this is enough. You looked pretty already," Umismid ito pero umiling si Angel.
"My highlights cannot be seen, oh! See!" Tinuro niya ang picture na nasa camera. Pero sinimangutan lang siya ni Kiefer. Mukhang ayaw talaga nitong ulitin ang mga kuhang picture.
"I'll edit this and put a ton of highlighters to make you stop whining," Magkasalubong ang kilay niya. Sa huli ay sumimangot na lamang si Angel.
Lumapit si Kiefer sa akin nang makita niyang nakatingin ako. Kumunit ang noo ko doon. Hinubad niya sa leeg ang camera at pinahawak sa akin iyon. I looked at him with confused eyes.
"Can you please take a picture of us?" Sa mababang boses niya iyon sinabi. I shrugged, okay?
Sinabit ko sa leeg ko ang camera niya at itinapat ang mata para makita sila sa camera. I twisted my lips as I hear them having a little fight.
"Come on, it's just a picture!" Si Kiefer. Ang kamay niya ay nasa bewang ng kaibigan ko na naglilikot na ngayon sa hawak niya.
"Eh, why are you touching my waist? I don't like this ha!" She whined again but in the end, she still smiled for the camera. Kaya naman ni-click ko yon ng ilang beses. They looked so sweet. Kung hindi ko lang alam na nag-aaway sila sa behind the scenes noon.
Mayroon pa doong pose na nakangiwi si Angel dahil pinisil ni Kiefer ang pisngi niya. I smiled, I think Angel finally found someone huh?
Matapos ang ilang minuto ay binalik ko na kay Kiefer ang camera niya. Nilingon ko naman sila Kathryn at Krishna na kasama ang family nila, Christine already left dahil may pupuntahan pa daw.
"I'll talk to you guys later! We got to go na," Kathryn waved at me. Ganoon din ang ginawa ni Krishna at Angel.
Nakita ko pang magkahawak ang kamay ni Angel at Kiefer. What happened to "he's just my driver"? Bakit naging photographer na rin ata niya ito? At boyfriend? I chuckled.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend (COMPLETED)
Teen FictionSamantha Isabella is just one of those nerd girls turned into a beauty. Ginawa niya ang lahat para sa kaniya, but I guess she fell out of love. Nakakalito, nakakaloko at hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya. Why the hell is she falling f...
