Kabanata 22

406 13 3
                                    

Inggit



Kumakain ako ng almusal na pinadala ni Adam. Nasa kwarto niya kasi siya at naliligo. Gusto ko sanang sabay kami kumain kaso nagugutom na ako, kaya nauna na 'ko.

Nasa gitna ako ng pag-iisip ng kung ano-ano nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang napakagwapong lalaking nasa harapan ko.

Naka-blue plain t-shirt siya at white khaki short habang nagpupunas ng medyo basa pa niyang buhok.

Umupo siya banda sa harapan ko at nagsimulang kumain. Tahimik lang kaming dalawa ng ilang minuto. Pero naputol yun nang magsalita siya.

"Samantha, saan mo gusto pumunta mamaya?" Tanong niya, patuloy pa rin sa pagkain.

Napatingin ako sa kaniya. Napaisip naman ako dun. Saan ba pwede?

"Siguro sa dagat na lang? Swimming tayo." Saad ko ng nakangiti. Naalala ko kasi yung sinabi ni Adam sa akin nung nakaraang birthday niya.


Gusto niya daw akong makasama sa dagat o kahit swimming pool man lang kaso wala naman kaming panahon para doon.

"Sige. Mamayang hapon tayo sa dagat para 'di masakit sa balat. Nakakaawa naman kasi yang kutis mo, baka masunog." Ngumisi siya na 'di kalaunang naging ngiti. Tinignan ko siya ng masama. Akala niya ba conscious ako sa balat ko? Hindi no'! Well... siguro. Kaunti lang naman!

Nang matapos kaming kumain nakipag-facetime kami kila Christine. Buti daw at break nila ngayon kaya nagkaroon sila ng oras makipagtawagan.

Nagkwentuhan at nagtawanan kami. Inasar pa nga nila kami na baka daw may iba na kaming ginagawa dito. Tumawa lang ako. Mga baliw talaga.

Pero hindi nagtagal ang tawag na yon. Pagkaraan kasi ng ilang minuto ay binaba na nila ang tawag, malapit na daw kasi matapos ang break pero 'di pa sila nakakakain dahil nga sa tawag. Masaya kaming nagpaalam ni Adam at sinabing sa susunod na araw ay makakauwi na kami. Natuwa naman sila doon at sinabing magpapaparty daw sila para sa amin.

Nanonood lang ako sa cellphone ko ng videos ng paborito kong kpop group. Habang si Adam naman ay may kinakalikot sa cellphone niya. We were just sitting in the bed, peacefully.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tanda na may mensahe para sa akin.

It was from Leo. A voice record.

I tap the play button and started listening to what is it.

May narinig akong mga kaluskos ng dahon. Nakarinig din ako ng pito sa malayo. It's like he's in the field or something.

"I..." He said. Ang lalim ng boses niya. Pakiramdam ko binubulong niya lang sa akin ito ngayon.

"I miss you..." At biglang naputol ang voice message. A smile come up to my face. Sa 'di ko maipaliwanag na dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagtipa ako ng sagot.

Ako:

I miss you, too. :)

Muli na naman akong napangiti. Pakiramdam ko dahil lang sa simpleng mensaheng ito, mas lumalalim ang pagtingin namin sa isa't-isa.

Napatingin ako kay Adam, nang mapansin kong nakatitig siya sa akin.

"Are you happy with him?" Tanong niya. Madalim ang mata niya.

"Syempre. Dame, ito na yung matagal ko ng hinihintay. Finally, a chance with him." Napangiti ako. Ngunit napansin kong 'di siya nakangiti. Mas lalo lang nagdilim ang pagtingin niya sa akin at parang may madilim na aura'ng nakapalibot sa kaniya ngayon. Nawala ang ngiti ko.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon