Cookies
"Teka, papasa ko lang ito doon kay Ms. De Guzman," Rinig kong sabi ni Kathryn.
I stared at the papers in my folders. Naka-organize na ang lahat ng ito sa iba't-ibang professor na pagpapasahan. Actually, I submitted most of them, dalawang folders na lang ang nasa mga kamay.
Nilingon ko ang mga school mates na halatang natataranta na. Today is the deadline of all our requirements. Naasikaso ko na ito lahat a month before deadline kaso nga lang, nawalan ng time para i-submit. Well, I was in the hospital after all. Kinailangan din ng pahinga for two weeks.
Dahil nga galing kami sa iba't-ibang department, halos magkahiwalay na kami lahat. Ang aya nila ay mamaya na lang daw magkita sa parking after we submits these papers.
Naglakad ako papunta sa office ni Mr. Ramos, I quickly put my folder in his table. Wala naman siyang sinabi nang pinasa ko iyon at tumango lang sa akin.
I bowed my head before heading out. Last folder will be for Mrs. Sotto, my accounting professor.
Unlike, Mr. Ramos ay maganda ang ngiti sa akin ni Mrs. Sotto. Ngumiti ako bago pumasok sa office niya.
"Hello ma'am! Ito na po yung requirements ko." I grinned at her. We have this super weird bond actually. Hindi ko nga lang alam kung dahil mahilig ako sa Mathematics or she just likes me as her student.
She nodded before accepting the folder I gave her. "Huy, nasa hospital ka daw nung nakaraan?"
Napakamot ako sa ulo doon. I awkwardly laughed, "Ah, opo. Car accident." Iyon ang madalas kong sabihin sa mga nagtatanong. Bukod sa totoo naman iyon, alangan namang sabihin ko pang nagparty kami before ako mabangga 'di ba?
Kumunot ang noo niya at tinignan ang buong katawan ko. "Okay ka na ba ngayon?" She looked worried.
Tumango ako, "Oo naman, ma'am. Ako pa ba!" I joked. Tumawa siya doon at hinampas ng mahina ang balikat ko.
"Ikaw talaga! Sige, salamat sa files. Naku, kailan kaya ulit kita makikita?" Aniya bago bumalik sa pagkakaupo sa kaniyang upuan.
"Hindi ko din sure, ma'am. Pero bibisitahin kita dito, don't worry. Pasalubungan ko pa si
Zeus, ma'am." I laughed before bidding my goodbyes to her.
Nilabas ko ang cellphone para tignan kung may message na ba sila Christine.
Ximmies
Christine: Hoy, hindi pa ako tapos magpasa! Hintayin niyo 'ko ha.
Kathryn: Sino ba nagsabi na tapos na kami?
Krishna: Teka hindi ko mahanap si Sir Manolo.
Angel: Nakita niyo ba yung folder kong white?
Kathryn: Lahat ng folder mo white ang kulay, Angel.
Krishna: Hawak mo kanina lahat ah?
Christine: May tatlo pa akong subjects na i-susubmit.
Angel: Meet na lang tayo after an hour! Parang matatagalan ata ako.
Krishna: Sige.
Those were also seen by me, Kathryn and Christine. So, I guess I'm the only one done then?
Nilingon ko ang mga bleachers sa may field. May mangilan-ngilang tao ang nandoon. I shrugged, kung maghihintay ako ng isang oras ay mabuti pa ngang umupo na lang ako doon.
Gusto ko sanang bumili ng pagkain man lang sa cafeteria kaso nakakatamad naman pumunta doon. Malayo kasi ang field mula doon.
I'm glad I wore a comfortable outfit this time. I'm wearing a black tank top, grey skinny jeans and sneakers. Naalala ko tuloy ang suot ng mga kasama ko. Christine was with her usual short dress and her stilletos. Those heels are pain in the ass to be honest. Kung hindi nga lang maganda tignan ang mga iyon sa damit ay hindi na ako magsusuot noon.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend (COMPLETED)
JugendliteraturSamantha Isabella is just one of those nerd girls turned into a beauty. Ginawa niya ang lahat para sa kaniya, but I guess she fell out of love. Nakakalito, nakakaloko at hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya. Why the hell is she falling f...
