Kabanata 17

428 15 6
                                    

I'm inlove with him




I hurriedly ran after him. Urgh! Nakakainis!



Nang mapagod ako sa kakatakbo ay huminto ako. Tsk! Bahala siya dyan!



Bumalik ako sa hotel at pumasok sa kwarto ko. I'm mad like crazy. I don't wanna chase after him anymore.


Seconds passed and I got bored so nagbasa na lang ako.



I used to read books tungkol sa Math and Science. But siguro napuno na rin ako sa kakaaral at ngayon ay naaadik ako sa mga love novels. More on pocketbooks. Actually kakabili ko lang ng books ni jonaxx. Yung Until Trilogy? Nabasa niyo na ba yon? Ang ganda nya! Nagcocollect na rin ako ng mga books from Wattpad!



Naaadik din ako sa Kpop. Ang ganda kasi ng mga kanta nila. Even if you don't understand them, mamahalin mo pa rin sila.



Nagbasa ako at nag-earphones. Dahil sa mga kinaaadikan ko ay nakakapagmulti task na ako. Wow! That's nice of me!





Nakikinig pa ako ng isang kanta, habang nagbabasa ng UHWG nang pumasok sa kwarto ko si Adam.




'Di na ako nagulat kasi alam ko namang may susi siya ng kwartong ito. Duh! Siya kaya ang nag aasikaso ng lahat.



"Where have you been? Kanina pa ako naghahanap sayo!" He said. 'Di ko siya pinansin. Bahala siya dyan. Kainis!



"I've got worried! Tapos nandito ka lang pala! I almost search the whole resort just to find you!" I don't care, you idiot! Kasalanan mo yan!




'Di ko alam kung bakit naiinis ako sa kaniya ng todo. Siguro dahil sa kiss niya ito, but bakit parang ang OA ko?



Bumuntong hininga siya. Siguro naisip niyang 'di ko siya kakausapin.






"Please talk to me. I know it's my fault pero sana naman kausapin mo ako, Sam... Please..." Nakatingin lang ako sa libro, totally ignoring his presence.



He sighed, again. "I'm sorry. Ganito mo ba kaayaw sa halik ko at hindi mo ko kinakausap? Is my lips disgusting?" Napatingin ako sa kaniya. Tumingin siya sa akin gamit ang mga bigong mata. I don't know why.





'Di ko alam pero parang natunaw yung galit ko sa kaniya. Naiiyak ako sa 'di malamang dahilan. His lips isn't disgusting. OA lang talaga ako. Kasalanan ko!



"No, I..." Napatingala ako. "I'm sorry. It's okay. Just forget about it." Sabi ko at nag iwas ng tingin. We used to fight into different little things simula dati. Palagi siyang nagsosorry sa pagkakamali niya at ganun din ako. Palagi siyang nauunang magsorry kahit na madalas ako ang may mas kasalanan.




"Okay. I'll just take a shower and I'll come back. So we can bond together. Okay lang ba?" He asked. Of course it's okay.




"Yeah." Lumabas siya at wala akong ginawa kundi hintayin siya. Naisip ko din kung anong pwedeng gawin namin. Ang init sa labas at ayoko sanang lumabas but if gusto niya, then we'll go.




Pagkabalik niya ay nakawhite sleeve less lang siya at simpleng beach short. I think he wants to swim or what.





"Anong gagawin natin?" Tanong ko, di makatingin sa kaniya. He's just too handsome na simpleng pagtitig mo sakanya ay parang kasalanan!




"You want to go for a swim?" Tanong niya.



Napatingin ako sa labas. "Medyo mainit pa sa labas kaya pwede bang mamaya na lang?" I said.





"Okay." Tumango siya at naglakad papunta sa kama ko. Umupo siya dun habang ako'y nakahiga at nagbabasa ng libro.





Biglang tumunog ang ringtone kong 'Spring Day' ang tunog. Someone texted!



"What's that? Monggo what?" Tanong niya, tinutukoy ang lyrics ng kanta.





"Bogoshipda yon!" Sabi ko at binato siya ng unan.




"Okay..." He chuckled. "Who texted?" Tanong niya habang binabasa ko yong text.






Unknown Number:

Where are you? Nandito ako sa Heaven Paradise Resort. Gusto sana kitang puntahan. It's Leo.




Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko yon. Si Leo? Nandito? Why? At gusto niya akong puntahan? Oh My God!




"Who's that?" Tanong ng iritadong si Adam. Sinubukan niyang kunin ang cellphone ko ngunit nilayo ko yun sa kaniya.




"It's Leo, Dame! He wants to see me! He's here! Finally! A chance with him!" Sabi ko at nagtitili.




Nakita kong nagbago ang mood niya. From irritated to angry. Kumunot ang noo ko.




"What's with the reaction?" Tanong ko.





"Nothing. Magkikita kayo?" Nagbago na naman ang ekspresyon niya. From angry to none. Blanko lang ang ekspresyon niya nang tumingin sya sakin.




"I think. Ano kayang gusto nyang pag usapan? Or what? Anong magandang suotin?" Tanong ko.



"Wear whatever you want. Just don't wear undies." Pumula ang pisngi ko. Don't wear undies?!




Nakita niya ang ekspresyon ko at agad siyang nagpanic.


"I mean, don't wear just undies." He said emphasizing the worst just.



"Okay." Umalis siya sa kwarto ko, siguro naisip niya ring magbibihis ako. Nagreply naman ako kay Leo.




Ako:

Magkita nalang tayo sa lobby. If it's okay with you. :)





Agad naman siyang nagreply.




Leo:

Of course. :)



Agad akong nagbihis. Nakalight pink dress ako at simpleng white flat shoes. Ito lang kasi ang medyo matino tino sa mga damit ko dito.





Nang makababa ako sa lobby ay agad ko siyang nakita. He's wearing a black tee shirt and a maong pants. Ano kayang pinunta niya dito?



Ngumiti siya sa akin.



"Can we talk?" Tanong niya nang makalapit ako sa kaniya.




"Okay." I said at naglakad kami palabas ng hotel.




We walked 'til we reached the end of the resort, I think.




Binalot kami ng katahimikan. Walang nagsasalita sa amin. Ni hindi ko nga alam kung bakit kami nandito.





"I'm sorry." Panimula niya. Nakikinig lang ako sa kaniya, walang masabing salita.




"Sorry sa lahat ng nagawa ko noon sayo. I underestimate you. I didn't appreciate your attraction with me. Alam ko, alam ko noon pa, na may gusto ka sakin pero di kita pinansin..." Napasinghap siya pagkatapos ay napalunok.




"Because I know na marami kayo. Na nagkakandarapa sa akin. I got attracted on you but I ignore it. Kasi akala ko nararamdaman ko lang yun dahil iba ka... dahil ikaw lang yung nerd na nagkakagusto sa akin. 'Coz bawat nerd ay matalino, at 'di sila mahuhumaling sa akin. Dahil matalino sila at alam nilang playboy ako." Nakita ko ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.



"Pero ikaw, nagustuhan mo ako. At ngayong hindi ka na nerd, I think I'll lose you. Kasi marami nang magkakagusto sayo. Marami na kami. Kaya bago pa mangyari yun, I want to confess to you." Kumalabog ang puso ko. What now?



"I've got a crush on you. No, I don't think it's just crush. I think I'm inlove with you." Sabi niya na nagpatulo sa luha ko. Ito yung matagal ko nang hinihintay ko. Ito yung pinapangarap ko.



Oo, crush ko siya. But sa tagal ng pagiging crush ko sa kaniya, I think I'm inlove with him, too.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon