Kabanata 18

415 15 2
                                    

Ang takaw mo




Nang makita niya ang pagtulo ng luha ko ay agad siyang nataranta at nagbigay ng panyo.

Tumawa ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Totoo ba 'to? Or you're just playing with me?" I said. 'Di para kasi ako makapaniwala na nangyayari 'to.

"Yes. It's true. And..." Tumingin siya sa mga mata ko. "Gusto ko sanang humingi ng pabor sayo." He smiled. I love his smile ever since. Palagi. Bihira siyang ngumiti pero pag ngumiti siya, parang abot langit ang saya ko. It's like my heaven. Gustong gusto ko kapag ngumingiti siya. Parang mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.

"Ano naman yon?" I smiled.

"I want us to start together. Yung strangers pa tayo sa isa't-isa. I want to correct all mistakes I did to you. Gusto kong mapatunayan ang sarili ko sayo."

"Of course. Hi Mr. Stranger! I'm Samantha and you are?" I chuckled. Naglahad ako ng kamay at tinanggap niya ito ng natatawa.

"I'm Leo Micael, Ms. Beautiful." Nagtawanan kami. Ang sarap pala sa pakiramdam na nagtatawanan kayo nung mahal mo. Yung mas malapit na kayo sa isa't-isa.

Naglakad lakad kami sa seashore. Nagkwentuhan at nagtawanan. 'Di ko namalayan na maggagabi na pala. It's cheesy but kapag kasama ko siya feeling ko sa isang araw naming magkasama, parang isang minuto lang.

"Oh! Maggagabi na pala. Dinner?" Tanong niya. Tumango na lang ako. I'm kinda tired na kasi. Nakakapagod pa lang maglakad lakad!

Pumasok kami sa isang restaurant dito sa resort. Parang Thai cuisine ang siniserve nila dito. Nakita ko kasi base sa pictures sa wall.

Umupo kami sa table na pangdalawahan. I ordered some salad and soup. 'Di naman kasi ako gutom. I'm just tired.

Nang dumating ang order namin ay tahimik kaming kumain.

"Want some?" Tanong ni Leo. Ino-offer-an nya ako nung parang sisig pero may dressing sa gilid. Anong pagkain kaya yun?

Tumango nalang ako at kinuha ang binigay niyang isang kutsara nito. I taste it. Parang seafood but it tastes like chicken. Mmm... Masarap naman.

Matapos kumain ay hinatid niya na ako sa hotel. Aniya'y 'di daw siya makakapagstay dito dahil sa school. 'Di daw kasi sila exempted kagaya namin at pumunta lang talaga siya dito para sa akin. Kinilig naman ako dun. Heh! Ang landi mo, Samantha!

"So, see you next week? Sa school?" He smiled.

"Okay." I smiled. At umalis na siya.

I sighed. I'm really tired. Dumiretso ako sa kwarto at 'di na nag abalang magpalit ng damit. Sumalampak na lang ako sa kama at agad na nakatulog.

Nagising ako sa lamig ng kung anong bagay na nasa noo ko.

Nang imulat ko ang mata ko ay agad kong kinuha ang bagay na nasa noo ko. Bimpo?

"Oh! Gising ka na pala." Dame said. Teka? Nasaan ba ako?

"You're here at my room. May sakit ka at rashes sa mukha. Tell me, anong nangyari at anong ginawa niyo kagabi at umatake na naman ang allergy mo?" He said, annoyed.

Alam niya kasing kapag may rashes ako at nagkasakit ako ay umatake na naman ang allergy ko. Teka? Ano bang kinain ko kagabi? Salad and soup. Eh wala naman seafood dun na magiging sanhi ng pag atake ng allergy ko.

Uh-oh! Baka yung pinakain sa akin ni Leo? Ano nga ba yun?

"Kumain kasi kami kagabi ni Leo sa resto sa baba then nag order ako ng salad and soup. Tapos inoffer niya yung kinakain niyang parang sisig na parang seafood na lasang chicken..." Napaiwas ako ng tingin.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon