Prologue

75 10 4
                                    

Duguang kamay at damit, hawak-hawak ko siya.

Ang pinakamamahal ko.

Niyugyog ko siya, paulit ulit. Hindi ito totoo. Bangungot lang ‘to.

Ang mga mata niyang mala-bituin ay ‘singtigas na ng bato, hindi na dumidilat.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

Ang lamig niya.

Ang aking pinakamamahal na noo'y kasalo ko sa isang mainit na pag iibigan ay ‘singlamig na ng yelo ngayon, hindi na gumagalaw.

Bakit siya pa?

Hindi ko napansin ang mga luha kong umagos. Hindi ko na alintana ang kahit ano sa aking paligid.

Ang alam ko lang, hahanapin ko ang gumawa nito.

Kahit saan man siya naroroon, kahit sa impyerno man ‘yan.

Kahit doon pa ang aking bagsak.

Kung para sa hustisya ng aking minamahal, gagawin ko.

Hahanapin ko ang gumawa nito.

StabbedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon