Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa labas ng apartment niya. Tiningnan ko ang relo ko, alas kwatro na pala. Sinulyapan kong muli ang apartment niya at nagpaalam na. Lumabas na ako at pumunta sa sasakyan ko. Nahilo ako ng bahagya pagpasok ko, dahil siguro kagigising ko lang. Nakita ko 'yung juice na binigay ni Mommy at ininom 'yun. Gumaan naman ang pakiramdam ko at nagsimula na akong magmaneho pauwi.
Nang makarating ako sa aming tahanan ay walang tao. Tiningnan ko ang cellphone ko baka sakaling may mensahe ang magulang ko at ayun, mayroon nga.
2 messages received
Mommy
Nak, nagpunta muna kami ng Daddy mo sa isang kaibigan. May bibisitahin lang kami doon. Saka, nag text si Rose sa'kin, may improvement na daw ang kaso ni Eve. Mas mabuting pumunta ka na muna doon, naiwan mo kasi 'yung susi mo sa bahay.
3:45 PM
Eva
Oi Adam. May naging progress na daw sa kaso. Pumunta ka na lang sa pulis para malaman mo ang lahat. Case closed na nga raw, eh.
3:55 PM
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Case closed? Ilang araw pa lang ang dumaan ah? Ganoon kadali?
Pumasok ako muli sa sasakyan ko at humarurot patungo sa Police Station. Hindi talaga ako makapaniwala.Mukhang may mali rito.
Nang makarating ako ay pumasok ako sa loob at saktong nakita ko rin si Inspector Torres, ang may hawak sa kaso ni Eve, na may hawak na folder.
"Inspector Torres!" Tinawag ko siya at nakuha niya ang atensyon ko.Lumapit naman siya sa'kin.
"Anong maitutulong ko sa'yo? Tungkol ba'to sa kaso ni Eve Reyes? Nakita kita noon doon eh," paninimula niya habang tinitingnan ang laman ng hawak niya.
"Opo. Sarado na po ba talaga ang kaso? Maaari ko po bang mabasa 'yang hawak niyo? Malamang nandyan ang lahat ng impormasyon," tugon ko.
"Sorry, This information is confidential, sir. Ang masasabi ko lang ay isang anggulo lang ang kitang-kita sa krimen, nagpakamatay ang biktima, at a naaprubahan na ito. Now may I excuse myself, marami pa akong gagawin," sagot niya sa'kin.
Parang akong pinaliguan ng napakalamig na tubig sa narinig ko. Nagpakamatay?
Kilala ko ang mahal ko. Hinding-hindi niya magagawa 'yun.
Biglang may bumangga sa'kin kaya nagising ako sa aking diwa. Lumabas na ako ng Police Station at pumasok na sa aking sasakyan. Nagmaneho na ako pauwi at nakita kong naka-park na ang sasakyan ng magulang ko. Mabuti nakarating na sila.
Pumasok ako sa aming tahanan at dumeretso ako sa aking silid. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa'kin ni Daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala sa hinantungan ng kaso ng mahal ko. Nagpapatunay ito na kailangan ko na talagang kumilos, at kailangan ngayon na.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip sa mga nangyari ngayon. Bumangon ako at saktong tinawag ako ni Mommy para maghapunan. Pumunta na ako sa hapag kainan at umupo sa aking upuan. Nginitian ako ni Mommy at ibinigay niya sa'kin ang palagi niyang tinitimpla na juice para sa'kin. Kinuha ko naman 'yon at ginantihan siya ng ngiti. Nagsimula na kaming kumain.
"Anak? Pumunta ka ba sa Police Station kanina?" Tinanong ako ni Mommy.
Nang maalala ko ang nalaman ko kanina roon, nagdilim ang aking paningin at nag-iba ang pakiramdam ko, na mukhang napansin din ng magulang ko dahil napatutok sila sa'kin ng masinsinan.
"Opo," matigas na pagsagot ko kay Mommy."Maaari ba naming malaman kung anong sinabi? Mukhang nabagabag ka dahil roon," sabi ni Daddy.
Napabuntong hininga na lang ako. Alam kong malalaman pa rin nila 'to kaya sasabihin ko na lang.
"Sarado na daw po 'yung kaso. Suicide daw po 'yung nangyari," sinagot ko sila na may halong kapaitan sa aking tono at boses.
Nanlambot ang mukha ng aking mga magulang at tinitigan ako ng may mga nanlulumo na mata. Mukhang alam nila ang dinaramdam ko ngayon.
"Anak, bilang mga magulang mo, alam namin ang takbo ng isip mo ngayon. Sana matahimik ka na rin, para matahimik na rin si Eve kung nasaan man siya," sabi ni Daddy.
Hindi.Hindi ako matatahimik. Alam kong may mali rito. Hinding-hindi ako matatahimik hangga't hindi makakamit ang hustisya para sa pagkawala ng minamahal ko. Para kay Eve ko.
Hindi ko na kinaya ang bigat ng nararamdaman kaya tumayo na ako at umakyat papunta sa kwarto ko. Kailangan ko nang mag-isip dahil handa at nakapagdesisyon na ako. Kikilos na ako kaagad bukas. Kailangan kong mapaghandaan kung saan at kanino ako magsisimula.
Nasa gitna ako ng pag-iisip habang nakatitig sa kisame nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag sa'kin.
Eva calling...
Answer Reject
Baka sakaling importante ito at may makukuha akong ideya papaano, sinagot ko na lang ito.
"Anong kailangan mo, Eva?" Tanong ko sa isang deretsong tono."Mukhang alam mo na yata lahat. Sinabi sa'min ni Inspector na pumunta ka sa istasyon kanina."
"Tapos?"
"Ano? Kikilos ka na? Naalala mo ba yung sinabi ko sa'yo noon? Tutulungan kita diba?"Napaisip naman ako. Tatanggapin ko baa ng alok niya?
"Huy! Ano na? Natanga ka dyan? Payag ka na?"
Bumalik ako sa aking diwa nang sigawan ako ng aking kausap sa kabilang linya.
"Pag-iisipan ko. Sasabihin ko na lang sa'yo mamaya. Give me some time and space. Now excuse me," sagot ko sa kabilang linya at binaba ko na ang tawag.
Ngayon, may isang bagay na naman akong pag-iisipan. Kahit papaano, may maliit akong nararamdaman na maaari kong tanggapin ang alok niya.
Mas marami siyang koneksyon sa mga kakilala ni Eve kaya maaari niya akong matulungan sa pangangalap ng impormasyon. Saka iisa pa, kakambal niya 'yon. Maaaring may alam siyang nangyari kay Eve na hindi ko alam. Hindi naman talaga maiiwasan ang pagtatago ng sikreto kahit sa taong minamahal mo diba?
Sa ilang sandali ng pag-iisip at pagmumuni-muni, nakapagdesisyon na ako.
Tatanggapin ko ang alok niya.
Kinuha ko ang aking cellphone at nagsimula nang magtipa ng mensahe para sa kanya.
To: Eva
+639******556
Eva. Payag na ako. Let's start tomorrow. Pupunta ako diyan sa bahay niyo around 9:00 AM. I'll be asking some questions.
9:50 PM Sent
Ilang segundo lamang ay tumunog na muli ang aking cellphone.1 message received
Eva
Great. Thanks btw. I'm obliged. Saka mukhang may magagawa at magiging hakbang talaga tayo bukas. I found out something. I'll tell you tomorrow personally.
9:51 PM
Mukhang hindi ako manghihinayang na tinanggap ko ang alok niya.

BINABASA MO ANG
Stabbed
Mistero / ThrillerTila binalot ng kadiliman ang buhay ni Adam nang masilayan niyang duguan at wala nang buhay ang kanyang pinakamamahal. Simula nuon ay iisa lang ang layunin niya - ang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng babaeng lubos niyang minamahal. Maaabot ba...