Kabanata 2

53 5 2
                                    

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa kisame habang nakahiga sa kama ko. Lutang na lutang pa rin ako.

Pinilit kong tanggapin ang nangyari, ngunit hindi ko pa rin kaya.

Isang pagtunog mula sa aking cellphone ang gumising sa aking diwa.

1 message received

+639******556

Adam! Si Faith 'to. Nakuha ko yung number mo galing kay mama. May pupuntahan kami ng mga kaibigan ni Eve mamayang lunch. Sama ka?

Hindi ko napigilan ang aking pagluha nang mabasa ko ang pangalan niya.

Eve.

Ang sakit, mahal. Ba't mo ako iniwan?

Kinuha ko ang litrato naming sa aking kanan. Ipinamalas nito ang kanyang matingkad na ngiti at kumikislap na mata. Kinuha to noong 1st anniversary namin, hinandaan ko siya ng isang simpleng sorpresa lamang pero abot langit na ang ngiti niya no'n.

Kaya nga minahal ko siya.

Kinausap ko siya sa pamamagitan ng litrato.

"Mahal, ang saya saya natin oh? Mas masaya sana tayo kung naabutan mo pa ang kasal natin. Malapit na sana, ngunit nawala lang sa isang iglap."

Sa ilang minuto ng pagpipigil ay hindi ko na kinaya.

Humagulgol na'ko na parang walang bukas.

Mukhang wala na nga, buhay ko nga wala na.

Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako habang hawak-hawak ang litrato namin.

Sinulyapan ko ang orasan, 11:55 AM na. Malapit na palang magtanghalian. Lalabas na sana ako ng aking silid nang biglang tumunog ang aking cellphone. Isang hudyat na may tumatawag sa'kin.

+639******556 calling...

Answer Reject

Isa itong pamilyar na numero pero hindi ko talaga maalala. Hindi ko namalayan na naputol na ang tawag dahil sa hindi ko pageresponde. Ilang segundo lamang ang lumipas nang muli itong tumawag. Ngayon, sinagot ko na ito kaagad.

Sino ba'to?

"Hello? Oy! Adam! Buti sumagot ka na! Ilang beses na akong tumawag sa'yo!"

"Sino 'to?" Tanong ko sa tumawag. Maingay yata ang lugar na kinatatayuan niya kaya sumisigaw siya.

"Si Faith 'to! Nagtext ako sa'yo kanina! Ano? Sama ka?"

"Anong meron? Saan ako sasama?"

"Kasama ang friends ni Eve. Magrerelax ng kaunti saka bibisitahin na rin namin siya."

"Pass. Ayoko. May pupuntahan ako."

"Oy-"

Call ended.

Sumakit ang ulo ko dahil sa tawag. Ang ingay. Lumabas na lang ako ng aking silid at dumeretso sa hapag-kainan.

Nakita ko roon ang aking magulang na seryosong kumakain.

Hinila ko ang isang upuan at umupo. Nagsasandok ako ng kanin nang bigla akong tinanong ni Mommy.

"'Nak? Maayos lang ba ang pakiramdam mo?"

"Ok lang po ako. Aalis ako pagkatapos nito,"

"'Nak, huwag ka nang umalis. Dito ka na muna sa bahay. May bibilhin ka? Ako na lang ang bibili," pagboluntaryo ni Daddy.

"May pupuntahan ako. Hindi naman ako gagabihin."

"Mabuti sana kung dito ka lang. Pero hindi ka mapilit, eh. Magsuot ka na lang ng proteksyon, ha? Sumbrero, shades, mask-"

StabbedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon