Kabanata 9

19 0 0
                                    

"William James Nolasco, kilala siya sa buong paaralan bilang isang lalaking hindi nawawalan ng babae."

Kumunot naman ang mukha ni Faith na tila nagtatanong. Maaaring hindi niya ito kilala kaya pinatuloy ko na lang ang pagkukwento.

"Nang sinagot na ako ng aking pinakamamahal, agaran ko siyang pinakilala sa barkada ko, syempre kasama si William. Hindi nagtagal naging kaibigan niya na rin ang mga ito, pati si William. Bago ko pa man ligawan si Eve, nalaman ko na sinubukan pala ni William na ligawan siya at dahil kilalang manloloko, agad na binasted niya 'to. Dahil dito, lumayo sa kanya si William. Matagal na kaming magkaibigan ni William, simula Grade 4 ngunit hindi ko kailanman narinig sakanya na may niligawan siya. Hindi nanliligaw si William, puro laro lang ang ginagawa niya. Noong nalaman ko ang bagay na ito, nagulat ako kasi ito ang unang pagkakataon na narinig kong may niligawan ang kaibigan ko, at natakot rin dahil napagtanto kong mukhang seryoso si William kay Eve. Simula noong nalaman ko ang bagay na 'to, nilalayo ko na ang aking pinakamamahal sa'king kaibigan. Sakim man pakinggan ngunit mahal ko, eh."

"Ano ba ang mga pinagseselosan mo? Di ba magkaibigan lang naman sila? Ano 'yong huling away niyo?" tanong ni Faith.

Isang buntong hininga ang ginawa ko bago ko siya sinagot.

"Pilit kong pinapaiwas si Eve kay William. Magkaibigan na sila nung nalaman ko ang tungkol sa panliligaw ni William kay Eve. I was threatened! I can't lose her!"

Di ko napagilian ang sumigaw dahil sa mga matinding emosyong naidulot nito sa'kin.

Naaalala ko na naman kung paano ako natakot na iwan niya ako, dahil baka matanto ni Eve na mas karapat-dapat sakanya si William, at natatakot akong iwan niya ako.

Takot na takot.

Ngunit papaano naman ngayon, totoo na talagang iniwan niya ako.

"I told Eve to stay away from William. Noong una ayaw ni Eve, hinayaan ko na lang. Kung iyon ang gusto niya, sige. Pero di nagtagal, napapansin kong mas nagiging malapit sila sa isa't-isa, di na halos mapaghiwalay. Hindi na ako napapansin ni Eve pag andyan si William. Sobrang selos ang naramdaman ko kaya naman tuluyan ko na siyang pinalayo sa kanya. As always, ayaw niya pero sinabi ko sa kanya na kung di niya pa rin iiwasan ito, hindi matatapos ang away namin kaya naman sinubukan niya itong iwasan."

"Grabe naman. Akala ko sobrang perfect na ng relasyon niyo," singit ni Faith.

Nginitian ko na lang siya at ako'y nagpatuloy.

"Bago siya nag-review para sa finals, nakita ko na naman silang magkasama sa mall. Di ko napigilan ang sarili kong sugurin sila dahil sa galit at ang sabi rin ni Eve na nasa bahay lang siya ngunit ano 'yong nakita ko? Nasuntok ko si William, nasuntok ko ang kaibigan ko. Sinampal naman ako ng kakambal mo. Sinigawan niya ako, sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero di ko kaya kaya naman kinaladkad ko palabas ng mall ang kapatid mo. Ayaw kong mapahiya siya. Iniwan namin si William na nasa sahig dahil sa lakas ng suntok ko. Sinubukan ni Eve na kumawala sa hawak ko ngunit di ko siya hinayaan. Nang nasa labas na kami, sinampal na naman niya ako. Masakit ngunit hinayaan ko siya, mahal ko eh. Sinigawan niya ako kung bakit ko ginawa 'yon, kung ba't ko siya pinahiya sa maraming tao, kay William. Nang marinig ko na naman ang pangalang iyon, doon na ako mas nagalit. Di ko napigilan ang sarili kong manumbat sakanya. Tinanong ko siya kung ba't siya nandoon sa mall na 'yon dahil ang sabi niya nasa bahay siya. Sabi naman ng kakambal mo na may binili lang siya, di na raw niya sinabi sa'kin dahil di naman masyadong importante saka uuwi rin naman daw siya kaagad. Nakita niya lang si William at nakipag-usap rito at 'yon ang naabutan ko. Pauwi na raw sana siya kaso dumating ako at nanggulo. Di rin naman daw pwedeng hindi niya lang ito pansinin kasi baka mapansin nitong iniiwasan niya ito at baka ako pa raw ang maging masama sa paningin ni William. Nung narinig ko ito, nahiya ako sa sarili ko. Humingi ako sa kanya ng tawad ngunit iniwan niya lang ako. Pagkatapos non, naging malamig na siya sa'kin, sinubukan kong suyuin siya at unti-unti rin naman siyang bumigay. Nagkaayos na kami noong linggo bago ang finals nila ngunit may kaunting pagbabago pa rin. Dumating ang araw na iyon, sinurpresa ko siya para bumalik kami sa dati at-"

Hindi ko na napatuloy ang pagkukwento ko dahil biglang sumakit ang ulo ko.

Nanumbalik ang lahat ng nangyari sa araw na iyon.
Umikot ang paningin ko at hindi ko mapigilan ang pag agos ng luha ko.

Napansin ko na lang na niyakap na ako ni Faith.

Inakay niya ako papunta sa aking silid at nakaramdam ako ng antok.

StabbedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon