Kabanata 6

29 3 4
                                    

"Adam, mahal kita."

Mahal kita.

Mahal kita.

Mahal kita.

Ilang beses nag-echo sa utak ko ang sinabi ni Everly. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nanlalamig ako sa bawat pagdampi ng balat ni Everly sa'kin. Sabi ko na nga ba, may mali rito.

Marahan akong kumalas sa yakap niya sa'kin. Mali 'to eh. Hindi niya dapat nararamdaman yun para sa'kin. Pinakamatalik niyang kaibigan ang sinisinta ko, alam ko na alam niyang mali 'yon.

Hinarap ko siya at nakita ko siyang lumuluha.

"Everly-"
"Adam! Matagal na kitang mahal! Ngayong wala na siya ay maaari ka nang maging akin! Akin ka na lang Adam! Tayo na lang ang magmahalan," sigaw ni Everly na humahagulgol. Lumapit siya sa'kin at lumuhod. Niyakap niya ang tuhod ko na parang isang batang nagmamakaawa.

May narinig akong mga yabag papunta rito sa silid ni Everly. Mukhang narinig yata ni Faith ang pagsigaw ni Everly.

Gumalaw ako kaunti at kumalas naman siya sa pagyayakap sa tuhod ko. Basang-basa na ang pantalon ko dahil sa mga luha niya.

Umupo ako sa harap ni Everly na nakaluhod pa rin habang umiiyak. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at sinimulan ko siyang kausapin.

"Everly, alam mo namang mali 'to diba."
"Alam ko! Kaya nga nung namatay yung babaeng yon, kinuha ko na ang oportunidad."

Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Pwede ko siyang masampal kahit anong oras man, ngunit nananatili pa rin ang respeto ko sa mga nangyayari. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili at sinimulan ko na siyang tanungin ukol sa kaso.

"Mahal mo ba talaga ako?"
"Matagal na matagal na, Adam."
"Masaya ka ba na namatay siya?"
"Oo."

Kinabahan ako nang makita kong ngumisi siya nang sinagot niya ang huling tanong ko.

"Pinatay mo siya," matigas kong sabi sa kanya na dahilan naman ng paglaki ng kanyang mata at pagkagulat.

"Alam na ng lahat na suicide ang nangyari, diba? At saka kung murder nga ang nangyari, hinding hindi ko magagawa yun! Kahit mahal kita ay may pinagsamahan na rin kami!" Sinigawan ako ni Everly na dahilan ng pagkatok ni Faith mula sa labas. Hindi ko naman dapat paniwalaan kaagad 'to. Kailangan pa namin ng ebidensya.

Tumayo na ako at tinulungan ko na ring tumayo si Everly. Mukhang namumula na rin ang mga tuhod niya kaya pinaupo ko na siya sa kanyang kama. Ipinagpatuloy ko ang pagtatanong.

"Walang sasaya sa pagkamatay ng isang tao maliban lang sa mga taong nasa likod nito, tapos magde-deny ka pa?"
"Masaya lang ako dahil sa wakas ay makukuha na kita! Ilang taon rin ako naghintay at nagpapasalamat ako sa tadhana dahil mukhang ginawa niya ito para sa'kin!" Tiningnan ko siya at nagsitayuan ang mga balahibo ko. Umiiyak siya habang nagpapamalas ng isang nakakatakot na ngiti. Hindi ko maiwasang hindi maging komportable.

"Ba't hindi mo pagtuonan ng pansin yung kakambal niya? Posibleng siya rin ang gumawa nun!" Sinabi 'to sa'kin ni Everly habang nakayukom ang kanyang mga kamao.

Si Faith? Imposible naman yan. Magkakambal nga sila, eh. Mahal na mahal niya si Eve. Hinding-hindi niya magagawa yun.

Ibinalik ko ang aking tingin kay Everly na bigla na naman akong niyakap. Bigla na lang niyang nilapit ang mga mukha ko sa kanya at siniil ako ng mga uhaw na halik.

Everly, maling-mali na'to.

Tinulak ko siya dahilan ng pagbagsak niya sa kama niya. Umiiyak na naman siya. Lalapit na sana siyang muli sa'kin ng biglang bumukas ang kanyang pinto at naroon si Faith kasama ang kasambahay ng mga Delamar. Tumakbo ako palabas at hinila si Faith pababa. Lumabas na kami sa tahanan ng mga Delamar at sumakay na kami sa sasakyan ko.

Nang ma-lock ko na ito ay napa-sapo na lang ako sa ulo ko at isinandal ko ito sa manibela. Mukhang sumakit ang ulo ko sa mga nangyari.

Matapos ang ilang minuto ay umigi na ang pakiramdam ko. Binasag naman ni Faith ang katahimikan.

"Adam, nung nandoon kayo kanina sa taas tinawagan ko ang mga magulang niya. Mukhang papauwi na nga sila dahil sa nangyari."

Ibinaling ko ang tingin ko kay Faith at tiningnan pa siya ng masinsinan, nagpaparating na ipagpatuloy niya ang ikinukwento niya. Tumikhim naman siya at nagpatuloy.

"May psychological problem daw si Everly. Nao-obsess siya sa mga lalaking nagugustuhan niya. Nagugustuhan niya yung mga tipong katulad mo, mas matanda sa kanya. Pangatlo ka na nga raw sabi ng magulang niya."

Pinagtagpi-tagpi ko ang mga nangyari. Mukhang may sense naman.

"Saka, imposible naman daw na si Everly ang may kasalanan, sabi ng magulang niya. Buong araw bago at hanggang sa nangyari ang trahedya na 'yon ay bantay sarado daw si Everly. Naka-therapy daw siya non. Naroon pa nga raw ang magulang niya," dagdag ni Faith.

"Pwede naman siyang pagtakpan ng magulang niya, ah? Para malinis ang pangalan ng anak nila," tugon ko. Posible rin naman yan.

"Hindi. Ialis na natin siya sa mga posibleng suspek natin. Kahit daw i-check natin yung footage ng CCTV ng pasilidad ay wala daw tayong makukuhang ebidensya pa laban kay Everly."

Napabuntong hininga na lang ako. Akala ko malapit na kami. Marami ka talagang pagdaraanan para makuha ang isang bagay.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at nagsimulang magmaneho. Ihahatid ko na pauwi si Faith. At ayun nga, naabutan na naman kami ng traffic at isang nakakabinging katahimikan ang bumalit sa'min.

Napaisip ako, ano na naman kaya ang susunod kong gagawin? Kailangan magpatuloy ako sa panandaliang panahon. Ang tanong ay, saan ako muling magsisimula?

Nang makarating kami kina Faith ay pasado alas singko na. Inimbitahan nila akong magmeryenda ngunit tumanggi ako. Umuwi na ako deretso sa amin.

Pagkapasok ko sa bahay ay sinalubong ako ng yakap ni Mommy. Napansin kong lumuluha siya. Kumalas ako sa yakap at tiningnan siya sa mata. Bigla niya naman akong hinampas sa dibdib.

"Ikaw talagang bata ka! Pinag-alala mo ako! Pupunta na nga sana kami sa pulis eh! Halos mahilo na ako sa kakaisip sa'yo!"

Niyakap ko siyang muli.

"Sorry na, My. Hindi na ako uulit," bulong ko sa kanya at nginitian si Daddy na nasa likod ni Mommy.

"Naku, tara na nga. Maghapunan na tayo at para makapagpahinga na," sabi ni Daddy.

Kumalas na ako sa yakap at sabay kaming tatlong pumunta sa hapag kainan. Napakahaba ng araw na'to at nagpapasalamat ako na matatapos ito kapiling ang mga taong pinakamamahal ko.

StabbedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon