Kabanata 1

80 7 1
                                    

"Adam, you're next."

"Huh?"

"Kasunod na kita. Malapit nang matapos na si Mama."

"Ahh."

"Pupunta na ako sa harap. Sa'yo na 'tong tissue ko."

Ilang segundo akong napatitig sa palad niya. Tila nawawala na talaga ako sa sarili ko.

"Bahala ka diyan. Ilalagay ko na lang 'to sa tabi."

Pinagmasdan ko ang bulto niya na papunta sa harapan.

Kamukhang-kamukha niya talaga siya.

"Magandang araw sa lahat. Hindi ko naman yata masasabi na maganda ang araw na 'to dahil sa nangyari sa kakambal ko."

Pinagmasdan ko ang paligid. Ang lahat ng tao'y naka puti't itim. Nagpapakita ng mga malulungkot na luha at mapapait na ngiti.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari 'to.

Napakaimposible.

"Eve! Ikaw naman kasi eh! Sabi mo forever tayo na magkasama! Ba't mo ako inunahan! Nakakainis ka!"
Napatawa ng mahina ang mga tao, ngunit may bahid pa rin ng labis na kalungkutan.

Dahil rin sa pagsigaw na iyon ay bahagyang bumalik ako sa aking katinuan.

"Sabi mo marami na kayong plano ng boyfriend mo! Magpapakasal pa kayo! Ba't di mo tinupad!"
Oo. Marami na kaming plano. Pero nawala na 'yon.

Nawala kasama ang mahal ko.

"Pero twin, sana masaya ka kung nasaan ka man. Huwag mo na kaming alalahanin dito. Mahal ka namin. Hindi ka namin malilimutan."

Bumaba na sa podium ang eksaktong imahe niyang humahagulgol.

Adam, hindi siya 'yan. Kakambal niya 'yan.

"Adam, ikaw na. Tumayo ka na riyan."

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Eva. Kahit walang lakas ay tumayo ako at nagpunta sa harapan.

Mukhang hindi na magbabago 'to.

Wala na talaga siya.

"Magandang araw sa lahat. Ako po ang kasintahan ni Eve. Narito ako sa harapan niyo upang ibahagi ko ang mensahe ko para sa pinakamamahal ko," paninimula ko.

Napatingin ako sa kanan.

Nakangiti siya sa'kin.

Nakangiti ang imahe niya sa'kin.

Nakakapanghinayang lang na hindi ko na masisilayan ang ngiting 'yan araw-araw.

Ang pinakamatamis na ngiting nakita ko.

Ang ngiti ng pinakamamahal ko.

Nagsimula nang mamuo ang mayayamang luha ko. Lumingon ako pabalik sa mga tao at pinakawala ko ang isang mapait na ngiti. Tumikhim ako at nagpatuloy.

"Noong una ko siyang makita 'di siya malubay-lubayan ng aking mga titig. Alam ko sa sarili ko na siya na, siya na talaga. Kaya naman kahit torpe'y ginawa ko lahat, mapansin niya lang," kwento ko sa mga taong halos lahat ay lumuluha.

Mahal nakikita mo ba to? Nakikita mo ba kami? Ganito kadami ang nagmamahal sayo oh.

Sana lumaban ka pa.

"Noong pinansin niya ako, parang akong nakapagtapos bilang Summa Cum Laude at nag-top 1 sa board exam. Nahiya nga yung langit sa saya ko nun. Higit pa pala dun ang aking naramdaman, yun na ata ang pangalawang pinakamasayang araw sa buhay ko."

StabbedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon