Kabanata 5

29 1 0
                                    

Kasalukuyang nakasakay kami ni Eva sa sasakyan ko, papunta kami kina Everly Delamar, ang pinakamatalik na kaibigan ng mahal ko, dahil sa nagging usapan naming ni Eva pagkatapos mag-almusal.

"Alam kong kilala mo si Everly Delamar, ang pinakamalapit na kaibigan ni Eve. Tingin ko'y may motibo siya," sabi ni Eva na nagpa-alab ng kuryosidad ko.

"Oh, ano pa ang hinihintay mo? Pumunta na tayo sa kanila. Wala tayong dapat sayangin na oras," tugon ko sa kanya. Sana nga ay sinabi niya na kaagad.

"Hindi ka ba magtatanong ng mga detalye? Pupunta ka roon kaagad ng walang kaalaman?" Tanong niya na may pagka-sarkastiko.

"Sa byahe na lang. Mukhang matatagalan kasi tayo at maabutan na rin ng traffic kaya magbihis ka na at aalis na tayo," sagot ko sa kanya dahilan ng pagmartsa niya papunta sa kanyang kwarto. Ipinagpaalam ko na rin siya sa mga magulang niya. Mukhang magiging produktibo yata ang araw na'to.

Ngayon ay nasa gitna kami ng traffic. Hindi naman yata masyadong matatagalan 'to dahil umuusad rin naman kami kahit papaano. Malayo-layo pa ang bahay nila Everly. Mabuti nahatid ko na roon ng ilang beses si Eve dati kaya alam ko ang daan papunta sa kanila kahit papaano.

Si Eve.

Sinimulan ko nang tanungin ang kasama ko para hindi ako mabagabag ng damdamin ko.

"Eva? Ano bang posibleng motibo ni Everly Delamar? Mukhang imposible naman yata?"

Kaya naman kasi mukhang imposible dahil napakalapit nila sa isa't isa. Nagsimula ang pagkakaibigan nila noong nasa elementary pa sila, noong Grade 4 pa yata sila? Kaya naman naturingan nila ang isa't isa na "best friends forever" o "BFF's". Siya nga ang naging kahati ko sa mga oras ni Eve dati.

"Hindi ba sabi ko sa'yo tawagin mo akong Faith? Ang banal kasi ng Eva, eh," protesta niya.

"Okay, Faith? Ano nga ang posibleng motibo ni Everly Delamar?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ayan naman pala eh. Okay, anong posibleng motibo niya? Hindi ko pa alam," sagot niya na dahilan ng pagsama ng aking titig sa kanya. Lumambot naman ang ekspresyon ko dahil magkamukha talaga sila.

"Adam! Chill! Ganito kasi 'yon. Kanina, nabuksan ko 'yung Facebook account ni Eva. Ang corny nga ng password, anniversary niyo," paninimula niya. Tiningnan ko siya ng matalim na nagpaayos naman sa pakikitungo niya. Tumikhim siya at nagpatuloy.

"Okay, going back to the story, ayun nabuksan ko 'yung Facebook ni Eve. Binasa ko ang mga mensahe ng mga malalapit sa kanya, that includes you. Nagtaka ako kasi wala 'yung conversation nila sa Inbox. Tinry kong isearch sa mga archived messages at ayun, nakita ko nga. It looks like Everly blocked her because tinry pang makipag-usap ni Eve sa kanya bago 'yon, mukhang seryoso yata. Nag-backread ako sa conversation nila pero wala namang history ng pag-aaway. Mukhang nag-away sila sa personal."

That makes sense after all. Mukhang naging matamlay din si Eve noon, eh.

Napa-isip ako ng malalim. Bumalik ako sa aking diwa nang magsimula nang bumusina ang mga sasakyan sa likod namin. Hindi ko namalayan na umusad na pala ang mga sasakyan sa harapan namin.

Matapos ang labinglimang minuto ay nakarating na kami sa aming destinasyon, ang tahanan ng mga Delamar. Bumungad sa amin ang isang puting bahay, 'di naman kalakihan ngunit makikita mo na mga maykaya ang mga nakatira rito.

Bumaba na kami ni Faith sa sasakyan ko at pumunta sa gate nila. Pinindot niya ang doorbell at tumunog naman ito. Bumukas ang kanilang pinto at isang kasambahay na may hawak na sandok ang nagpakita sa amin.

"Magandang araw po. Nariyan po ba si Everly?" Tanong ni Faith sa kasambahay.

"Ah, oo. Nasa kwarto niya. Tawagin ko muna, ha? Pasensya na't hindi ko pa mabubuksan ang gate, naiwan ko kasi sa loob ang susi. Ipapadala ko na lang siguro kay ma'am. May niluluto pa kasi ako, eh. Maiwan ko na muna kayo," tugon ng kasambahay at pumasok na muna sa loob.

Naiwan kami sa labas ni Faith na pinagpapawisan dahil sa init. Napansin ko na rin pala na malapit na ang oras para magtanghalian. Naamoy ko ang niluluto ng kasambahay nila na nagpakalam sa sikmura ko.

"Oy gutom ka na rin pala? Sana bigyan tayo ng pagkain dito. Mukhang masarap, eh," sabi ni Faith sa akin habang hinihimas ang tiyan niya.

Matapos ang isang minuto ay sa wakas dumating na rin si Everly. Mukhang nag-ayos pa 'to ng kanyang sarili. Sino bang magli-lip tint na nakatambay lamang sa bahay?

"Sorry, natagalan. Dali pumasok na kayo. Mukhang nainitan kayo." Sinabi ni Everly 'yan sa isang malambing na tono. Binuksan niya na ang gate nila at pumasok na kami.

"Ahh nananghalian na ba kayo?" Tanong ni Everly.

"Hindi pa nga eh," sagot ni Faith.

"Samahan niyo na ako. Wala kasi akong kasama ngayon. Yung magulang ko nag out-of-town. Yung kuya ko naman naki-sleepover sa kaibigan niya," sagot ni Everly na dahilan ng pagliwanang ng mukha ni Faith. Humarap pa nga siya sa'kin at bumulong ng 'Yes!'. Napailing na lang ako.

"Everly, sandali lang naman kami rito. Huwag na lang," sabi ko na dahilan ng pagtapon ng masamang tingin sa'kin ni Faith. Narito na nga kami para hanapan siya ng posibleng motibo at ebidensiya sa isang krimen tapos makikikain pa kami?

"No, I insist. Marami namang niluto si manang, eh. Halika na, pasok na kayo. Dumeretso na tayo sa dining room," sagot ni Everly kaya hindi na ako tumanggi.

Narito na kami ngayon sa kanilang hapag-kainan. Sakto lang ang laki nito ngunit maganda tingnan. Nagsimula na kaming kumain ng payapa.

"Ahh, ano nga palang ipinunta niyo rito?" Isang tanong ni Everly na bumasag sa katahimikan. Tapos na rin kaming lahat kumain.

"Pwede bang pag-usapan natin 'to na tayong dalawa lang? Masyadong pribado at importante kasi 'to," alok ko sa kanya. Bigla namang nagliwanag ang mukha niya at namula rin ito.

"Ahh sige. May sasabihin rin kasi ako sa'yo, eh. Dun tayo sa kwarto ko," sagot niya. Mukhang may nararamdaman akong mali rito.

Nilingon ko si Faith sa aking kaliwa na parang nagtatanong kung ayos lang ba siya rito at binulungan niya naman ako, "Okay lang. Maiwan na ako rito sa sala. Baka ayaw niya ng presensya ko." Tinanguan ko siya at sumunod na kay Everly na papaakyat na sa kwarto niya.

Narito na kaming dalawa sa harap ng pintuan ng kwarto niya. Mukhang kinakabahan yata ako.

Binuksan niya ang pinto at huminga siya ng malalim. "Adam, pasok ka."

Pumasok naman ako. Pagpasok ko ay ini-lock niya ang kanyang pinto. Iginala ko ang tingin ko sa kanyang kwarto na nagpakaba pa sa'kin lalo.

Puro mga litrato.

Mga litrato ko.

Mga punit na litrato namin ni Eve at tanging mukha ko lang ang natitira.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita. Magsasalita na sana ako nang biglang may yumakap sa'kin mula sa likuran.

"Adam, mahal kita."

StabbedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon