Kabanata 8

16 1 0
                                    

Dead end.
   
Hindi si Everly ang pumatay sa aking pinakamamahal.

Pagkatapos magpasalamat kay Dr. Cuizon sa pagpapasok sa'min ay agad na naming nilisan ang ospital na iyon, ospital kung saan pamilyar sa akin, tila'y nakapunta na yata ako rito ngunit imposible, ito ang unang punta ko rito. Epekto lang siguro ng kakaibang panaginip ko kanina na ngayon ay muling bumabagabag sa'kin. Hindi ko nalang ito pinansin at patuloy sa paglabas ng ospital kasama si Faith.

Ihahatid ko na sana si Faith sa kanila ngunit pinigilan niya ako.

"Gusto kong pumunta sa inyo at pag-isipan nating mabuti kung sino talaga ang pumatay sa aking kapatid! Hindi siya nagpakamatay, pinatay siya at makukulong ang salarin, mabubulok siya sa kulungan!" mariing sigaw ni Faith na may matinding galit, tila gigil na gigil na dahil hindi pa namin nakukuha ang aming inaasam-asam, ang hustisya.

"Pero tumakas ka lang sa inyo kaninang umaga dahil sa pangungulit kong tingnan natin ang CCTV footage upang masigurong totoo ang sinasabi nila Ginang at Ginoong Delamar. Naaabala na kita Faith."

"Hindi mo ako naabala Adam, para ito sa aking kapatid, hindi kailanman naging abala ang aking kakambal."

Nagtitigan muna kaming mabuti bago ko pinaandar ang aking sasakyan patungo sa aming bahay. Isang tahimik na byahe ang aming nagawa, nag-iisip sa kung sino ang posibleng salarin.

Pagdating sa'min, mukha na naman ng aking nababahalang ina ang bumungad sa'kin. Deretso lang kasi akong pumunta kay Faith kanina at hindi na nagpaalam sa aking mga magulang.

"Ikaw na bata ka! Pinag-alala mo na naman ako! Hindi ka man lang nagbilin na may lakad ka! Kahit text man lang! Jusko naman Adam!"

Niyakap ko nalang siya at sinabing, "My naman, malaki na ako, kaya ko ang sarili ko, hindi ako magpapakamatay o ano, ok? Kasama ko nga pa po si Faith, kakambal ni Eve. Hindi pa akong pwedeng mamatay My, " mariing saad ko.

Nagkatitigan muna kami ng nanay ko bago niya ako pinakawalan.

"Kumain na ba kayo? Ipagluluto ko ba kayo?"

"Huwag na po, may pag-uusapan lang kami tas uuwi rin si Faith kaagad." Hinila ko na si Faith sa likod-bahay namin kung saan may dalawang duyan, tahimik at payapang lugar.

Sa likod bahay namin, wala ka nang ibang makikita kundi mga kahoy na lang, yung mga kapitbahay namin nasa gilid ng aming bahay dahil wala nang bahay sa likod ng amin.

"Upo ka."

Inilahad ko kay Faith ang isang duyan sa aking tabi. Umupo naman siya kaagad.

"Sino sa tingin mo ang salarin?" Nag-iingat kong tanong kay Faith na tila'y malalim ang iniisip.

"Wala ka bang maaring sabihin sa'kin, mga kakaibang kilos niya bago alam mo na?" Tanong ko sa malalim na nag-iisip na Faith.

"Wala, ikaw ba? May nasabi ba siyang pwede maging lead?"

Pinag-isipan ko na itong mabuti, may napansin ako pero hindi ako sigurado. Tingin ko'y lumalayo siya sa'kin, naging malamig ang pakikitungo niya sa'kin ngunit baka nagtatampo pa rin siya dahil sa huling pag-aaway namin.

Naaalala ko na naman kung paano siya magiging malamig sa'kin tuwing nag-aaway kami, nagtatampo siya sa pamamagitan ng pagiging malamig. At dahil mahal ko siya, sinusuyo ko siya na agad rin naman siyang bumibigay. Mahal, miss na kita.

"Meron akong napansin, naging malamig siya sa'kin. Hindi talaga ako sigurado pero tingin ko'y lumamig ang pakikitungo niya sa'kin bago nangyari iyon. Nag-away kasi kami ng kapatid mo dahil may pinagselosan ako, kaibigan niya, kaibigan namin, kilala mo. Alam kong mababaw pero mahal ko eh, kaya ako nagseselos." marahan na sabi ko kay Faith.

"Nagselos ako pero hindi ko kayang saktan ang ate mo. Kilala mo siya magtampo, nagiging malamig ang pakikitungo niya," agad ko namang puna.

"Namimiss ko na siya Adam," katahimikan na agad rin niyang pinutol.

"Bukod sa tampo, ano pa? Wala na ba? Sino ba iyong pinagseselosan mo?" Tanong ni Faith

"Kilala siyang chix boy, si William."

StabbedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon