OBAMB 1

8K 149 14
                                    

Limang buwan na ang nakakalipas simula nung mawala ang magiging kasiyahan na sana ni Kyle.

Hindi namin alam kung anong gagawin namin sa kanya simula ng pangyayaring yon.

He's a living mess.

Ilang buwan sya na nawala sa pagiging Kyle Maxwell na kilala namin.

Minsan nagugulat nalang kami kapag tatawag sila nanang dahil hindi na nila alam kung anong gagawin nila kay Maxwell.

Mabuti nalang at nandyan si Mr. Cruz para humawak muna sa kompanya nya.

Napakalaking pagbabago ang nangyari sa isang sikat at kinakatakutan na Mafia Boss.

Ilang beses kaming nawalan ng kliyente sa Black Market.

Mabuti nalang andito kami nila Jae at Blake para sa organization.

"Babe"

Rinig kong saad ng babae sa gilid ko.

"Babe diba sinabi ko na sayo you stay in our house." Ulit ko nanamang sabi kay Amanda.

Kung paano nagsimula.

Basta biglaan nalang.

"Babe naman mabuburo na ako dito. Gusto ko magtrabaho." sagot naman ni Amanda sabay pout.

Fvck. Yung kahinaan ko ayan nanaman.

"Babe please. Promise behave ako. Kapag may kakaiba sa paligid ko itatawag ko kaagad sayo." Pangungulit nya nanaman.

Amanda knows everything. Agad kong sinabi sa kanya at madali naman nyang naintindihan.

Alam nyo ba kung ano pa reaksyon nya.

"Yes! Ang galing! So wala talagang magagawa si Paul. Konting lapit nya lang sayo at ipakita si Amanda baka magtatakbo yon. HAHAHAHA"

"Babe sige na please."  Saad ni Amanda sabay hila ng laylayan ng damit ko.

"Still no! You stay here Amanda. Paano kung makita ka ulit nila Paul ha?" Nanggigigil Kong sagot.

"Bakit hahayaan mo ba ako na makuha nya sayo?" Pagbabalik naman nya ng tanong sakin kaya napayukom yung mga kamao ko.

"Damn! Subukan nya dahil wala akong palalagpasin na pagkakataon para hati-hatiin yung katawan nya at ipakain sa alaga naming tigre sa hide out! Fvxk!" galit ko namang sagot

Hindi ko din alam kung anong magagawa ko kapag nangyari yon. Tangina walang pwedeng kumuha kay Amanda sa akin.

Baka mas malala pa ang mangyari sa akin kesa kay Maxwell.

Puta baka masiraan na non ako ng bait.

"Oh diba wala pa nga namumula kana sa galit jan. Sige na please babe." Sa pagkakataon na to yumakap na sya na dahilan para unti unti na akong bumigay.

OWNED BY A MAFIA BOSS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon