Chapter 4: Malas

9.9K 266 5
                                    

Andrea pov's

   Napabalikwas naman ako dahil tanghali na naman ako. Sana pala hindi na ako humirit ng 5 minutes pa kanina. Bwesit talaga! Agad akong pumasok sa banyo at naligo pagkatapos lumabas na ko para magbihis ng uniform at bumaba na.

" Bye kuya." saka lumabas. Pumasok ako sa kotse ko at ini-start ang engine.

    Nang makarating ako sa University agad na tumakbo ako at nakarating sa unang klase ko." Ms.Santillan, ang aga mo naman." napakamot naman ako dahil sa sinabi ni Ma'am.

" P-po?"

" Ang aga mo para sa klase ko bukas."

" S-sorry po ma'a—"

" And you Ms.Agustin." napalingun naman ako at nakita ang walang emosyon niyang mukha akong tiningnan. Problema ng babae na 'to?

   Isinama kami sa faculty office dahil lang sa na-late ako." Ms. Santillan, second day mo sa school na 'to nalate ka."

" Na-traffic po kasi." giit ko naman.

" Hindi ka mata-traffic kung maaga ka gumigising...at hindi ko kasalanan na na-traffic ka."

" Hindi ko naman isinisisi sa'yo."mahinang sabi ko at sinigurado na ako lang ang makakarinig.

" What did you say?" umiling naman ako.

" Sorry po ulit ma'am. Hindi ko na po uulitin."

" Next time Ms. Santillan, gumaya ka naman sa kanya." napakamot naman ako alam ko kung sino tinutukoy niya at 'yon ay ang pinsan ko.

" Ma'am, ayaw ko nga mahirap siyang gayahin 'no  babae ako at lalaki siya...I'm here for my lesson not for copying his attitude." tiningnan niya naman ako ng masama.

" Joke lang po ma'am." totoo naman kasi bakit ba ang hirap ipaintindi sa kanila 'yon? Ayaw ko naman na makick-out ulit baka dalhin na ako ni Daddy kay Uncle sa Japan.

" Galing ka ba talaga sa private school?" umiling naman ako. Hindi ko alam malay ko ba kung private o public 'yon pare-pareho naman silang toxic.

" I don't know." sagot ko.

" Manahimik ka d'yan. " saka siya tumingin kay tangkad.

" And you Ms. Agustin, kailan ka ba magbabago? Palagi ka na lang late hindi ka naman dating ganyan."

" Sorry ma'am hindi na mauulit." mahinahon niyang paghingi ng pasensya.

" Dapat dahil kapag naulit pa 'to mas mabuti na mag-draft na lang kayo." aniya. Ay grabe naman si ma'am mas terror pa sa teacher ko noon kaya ayos hindi ko naman talaga sinasadya.

" Yes po." sagot ko naman.

   Lumabas naman na agad ako after no'n tapos pumasok sa next subject namin na Geometry." Anyare? Bakit na-late ka?" tanong sa akin ni Sandra.

" Traffic kasi." sagot ko bago umupo.

" Hi Andrea." bati ni Xav sa akin kaya ngumiti ako at nilingunan siya.

" Hello." bati ko pabalik sa kanya.

" May tanong ako lang ako sa'yo." napalingon ako kay Sandra.

" What is it?" tanong ko.

" Kaano-ano mo si Spencer Alen Santillan?" napakunot noo naman ako.

" Ha? Bakit nabanggit mo ang pangalan niya?" gulong tanong ko.

" Fiancé mo ba 'yun?" napatawa naman ako sa sinabi niya.

" No way...'yan ba ang pagkakaalam n'yo?" nagkatinginan naman silang dalawa." No...He's my cousin parang big brother ko gano'n. Bakit nga pala?" takang tanong ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.

" Are you sure?" paninigurado pa ni Sandra.

" Oo naman. Bakit ba?" tanong ko naman sa kanya.

" Tanggalin ko lang eye glass." napalayo naman ako.

" Bakit? Wala po akong makikita kapag tinanggal niyo 'to." reklamo ko.

" Kasi parang ikaw daw 'yong girl version ni Alen." natawa naman ako sa sinabi niya.

" Girl version? Kung gusto niyo ng girl version ni Kuya Spencer punta na lang kayo sa Santillan Restaurant ando'n ang girl version niya." mahabang litanya ko. Maya maya pa pumasok na si Sir.

   Makalipas ang isang oras nag bell na at walang imik na lumabas na ang teacher namin kaya naman 'yong mga kaklase ko naglabasan na rin." Tara na." akit ni Sandra. Tumango naman ako. May ibang attitude rin siya pero makikita ko na mabait ito. Kahit nga hindi niya pa ako lubos na kilala nakipag-close na agad siya kasama ang kanyang mga kaibigan.

" Sige." saka ako sumabay sa kanya nakita naman agad namin 'yong dalawa ni Clarise at Angela.

" Hey na-miss kita." sino ba tinutukoy ni Clarise? Ako o si Cassandra?

" Sino sa kanila?" emotionless na tanong ni Angela.

" Sino pa e 'di syempre si brainy. "sabay yakap sa akin. Napakamot naman ako at napatingin kay Sandra na naka-facepalm.

" Sus!" giit naman ni Angela.

" Guys, mukhang may gusto si Xavier kay Andrea." napatingin naman ako sa kanya at napangiwi.

" What? Totoo ba 'yan? Hay naku magpapaka-torpe na naman 'yun pustahan. " ani Clarise na mukhang siguradong sigurado na.

" Nga pala pumasok na ba si Mich?" pag iiba ng usapan ni Angela.

" Miss me?" napalingun kaming lahat.

" Michhhhhh..." saka nila ito niyakap mukhang kaibigan pa nila ang isang 'to.

" Hi mich." ikinaway ko pa ang aking kamay. Kaya napatingin siya sa akin at biglang nag iwas ng tingin.

" H-hi guys, kain na tayo." saka siya nanguna-nguna. Anyare doon ipinulupot naman ni Clarise ang kamay niya sa braso ko. Kailang ha, baka girahin ako ng girlfriend nito.

   Nang makarating kami sa café humanap kaagad kami ng upuan." Upo ka na lang sa tabi ni Mich." suhensyon naman ni Angela kaya tumangu na lang ako.

" Ako na o-order." suggest ni Mich saka tumayo. After 5 minutes bumalik na siya nang ilalagay na niya ang juice bigla niya iyong nabitawan at natapon sa akin.

" Naku hindi ko sinasadya...S-sorry talaga." pag a-apologize naman niya. Kinuha niya ang kanyang panyo saka ipinahid doon sa nabasa kung damit hinawakan ko naman kamay niya.

" It's okey...It was an accident." saka ko kinuha 'yong panyo sa kanya.

" May dala ka bang extra t-shirt?" tanong ni Angela.

" W-wala..Excuse lang. " saka ako tumayo. At nang sa pagtayo ko bigla na lang may nabuhos ulit na juice sa akin.

" Ano ba?" galit niyang tanong.

" Ikaw na nga 'tong nakabuhos ikaw pa 'tong galit."

" Sino ba 'yong stupidang babae na hindi tumitingin sa inuurungan?" napakuyom naman ako at humugot ng malalim na hinga.

" Hoy tangkad 'wag mo kong masabihan ng stupid dahil hindi ako sinasabihan ng Daddy ko ng ganyan. Hindi rin ikaw ang nagpapakain sa akin." irita kung sabi sa kanya kaya napaatras ito. Umalis na lang ako dahil ayaw ko na palakihin pa ang away naming dalawa. Ano bang problema niya sa akin?
  Andito ako  ngayon sa locker at kinukuha ang bag ko siguro kailangan ko na lang munang umuwe para makapagpalit.


———

My Cousin's Ex-girlfriend(Santillan Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon