Angela pov's
Sumunod lang ako pababa sa kanya at tanging mga tunog lang mga sapatos at tsinelas namin ang naririnig kaya naman naglakas loob na akong magsalita." Umiinom ka pala."
" Minsan lang naman saka wala namang masama." sagot niya.
" Ilang taon ka na nang magsimula kang umiinom ?" tanong ko.
" I think at age of 16 nasa California ako no'n." napakabata pa niya pala nang mag simula siyang uminom. Matapos niyang kumuha ng dalawang bote ng wine tumingin siya sa akin.
" Tara na?" tumango na siya. " Ako na ang magdadala nang baso." ibinigay naman niya. Mabait siyang tao at hindi mapagmalaki katulad na lang ng iba sa taas lalo na 'yong si Alyson kamag anak 'yata 'yon ni Lucifer dahil sa sama ng kanyang ugali.
Umakyat naman na kami sa kwarto at
naglagay kami ng dvd sa CD saka nagsimula na ang kasiyahan." Ako ang mauunang mag tatanong." ani Clarisse.
" Sige " sang-ayon nila kaya sumang-ayon na rin ako.
" Ikaw..." ibinaling niya ang tingin kay Agustin. " sa'yo mag sisimula Ms.Queen Bee." napailing na lang ako at kinain 'yong crackers.
" Fine.." sagot naman ni Agustin. Hindi naman kami close kaya bakit ko siya tatawagin sa kanyang pangalan?
" After break-up with your long time boyfriend...may nagugustuhan ka ka na ba?" iba talaga magtanong itong si Clarisse.
" Maybe confused.." sagot naman nito. Mukhang may bagong magiging kalaguyo ang isang 'to. Mahirap talaga kapag mala-celebreties ang ganda samantalang ako pang-kanto at eskinita lang siguro...parang tambay ganu'n.
" I see...for you, Angela."nanlaki naman ang mata ko.
" What?" tanong ko.
" Since bago ka magkaroon ng first kiss...kailan ka muna magkakaroon ng jowa?"
" Sakit lang sila sa ulo...isa pa hindi ako naghahanap kusa namang darating 'yan." mahabang litanya ko.
"...pero may crush ka na?" tanong niya.
" Wala...saka isa pa isang tanong lang ang usapan 'di ba 'wag kang madaya."masungit kung sabi.
" May buwanang dalaw kaba? Ang sunigit mo." komento naman ni sandra.
" For your information lahat po ng tao may crush...abnormal ka siguro." napatingin naman ako sa babaeng nagsabi no'n. Kanina pa talaga ang isang 'to.
" Bakit inaano ba kita? " asik kong tanong sa kanya.
" Hep-hep awat na...sa'yo naman binibining Cassandra?" ani Clarisse sa kaisa-isa niyang jowakels.
" Siguraduhin mo lang na matino 'yang itatanong mo dahil kung hindi sasakalin kita." banta naman ni Cassandra.
" Kailan tayo magpapakasal?" tanong niya na ikinatahimik nilang lahat ako naman ngumunguya lang dito sa kabilang tabi at hindi sila pinapakialaman. Hindi na rin naman nagulat si Andrea kasi alam na rin naman niya simula pa lang.
" Mag-jowa kayo?" sabay na tanong nina Alyson at Jasmine.
" Sabi na sa'yo." sabay batok kay Clarisse.
" Oo, obvious ba?" natatawang tanong naman ni Clarisse.
" Gulat na gulat kayo, ah. Parang ngayon lang kayo naka-incounter ng katulad nila." natawa naman ako dahil sa sinabi ni Andrea.
" Si California girl naman ang tatanungin na'tin." ani cassandra.
" Bakit ako?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Cousin's Ex-girlfriend(Santillan Series#1)
Novela JuvenilJHILLIAN AGUSTIN&ANDREA SANTILLAN(Santillan Series#1: My cousin's Ex-girlfriend) [COMPLETED] "Hindi namimili ang pag-ibig subalit ipagpapatuloy mo pa ba kahit alam mong mali?" Written and cover by: Shaun_writes ©copyright2018 All rights Reserved