Chapter 2: Santillan

12.9K 300 4
                                    

Andrea pov's

      Umupo na ako sa katabi ni Sandra at sinalubong ang kanyang mga tingin.
"Hindi ka na sumunod sa canteen kanina 'di ka pa ata nag be-breakfast. Ayos ka lang ba?" tanong ni Sandra sa akin.

" May palya lang kanina." sagot ko naman.

" May kaaway ka ba?" tanong niya ulit na ikinailing ko.

" Wala, 'yong pinsan ko kasi paalis na. Gusto ko lang na samahan siya papunta sa airport kaso may pasok ako." palusot ko naman.

" Ahhh...sino ba 'yang pinsan mo na 'yan at mukhang close na close kayong dalawa?" natawa naman ako sa kanyang tanong.

" Wala." bigla naman pumasok ang professor namin at pamilyar siya. Si Tito Christhopher.

" Hey!" napalingon naman ako sa tumawag sa akin.

" Xavier." saway ni Sandra.

" Hello." bati ko naman.

" Ipakilala mo naman ako sa magandang binibini na bagong bago sa paningin ko." aniya na ikinatawa ko na lang.

" Nga pala, Andrea this is Xavier De Guzman and Xavier this is Andrea, our new classmate from New York City." tumangu naman ako inilahad niya ang kanyang palad kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin na lang at nakipagkamay na lang sa kanya.

" Mr.De guzman, mamaya na ang panliligaw pwede bang dito mo muna ituon ang buong pansin mo?" napatingin naman ako sa unahan at pinakinggan ang tawanan ng mga kaklase namin.

" S-sorry, Sir." paghingi naman niya ng despinsa.

" Oh! Ms. Santillan andito ka na pala." ngumiti at tumangu naman ako sa kanya.


   Lahat naman ng classmate ko nakatingin sa akin tapos may bubulong na lang. May problem ba sa surename ko? Ang issue nila grabe.
   After nang subject na 'yon naghiwalay na kami ni Sandra. Nagpaalam kasi ako na pupunta sa library para sa research ko na gagawin para sa report ko bukas. Mamaya na ang alis ni Kuya Spencer baka ma-late ako.

  Pumunta ako sa library at umupo sa isang bakanteng upuan at inilagay ang bag sa table saka naghanap ng book. Hindi ko naman talaga hilig ang bagay na 'to. May oras lang kasi ako kaya dito ko na lang muna itutuon ang buong oras ko.



Jhillian pov's

    Nang papasok na 'ko sa gate may nag-park na isang napaka-familliar na kotse sa harap no'n hinigit ko sina Alyson at Jasmine para magtago. Tama ako si Alen nga 'yon pero teka 'yon ba ang babaeng ipinalit niya sa akin? Hmm..aaminin ko maganda siya pero mas maganda ako ang liit kaya ng hinaharap. Ano naman kayang nagustuhan ni Alen sa mahadirang babae na 'yan mukha pa nga atang malabu ang mga mata niya pero 'yon pa rin pala ang tipo niya. Ang cheap!

" Besh, si Alen 'yon hindi ba? Then who is she? Sino ang babaeng kasama niya?" tanong naman ni Aly na mukhang naguguluhan din.

" Baka 'yong new niya transfer ba 'yan dito sa Aristotle?" tanong ni Jasmine.

   Pumasok na siya at naglakad na papasok sa campus. May araw rin ang babaeng kawayan na'yan.

" Girls let's go."

  English ang first subject namin at ng nag lalakad na kami may humarang sa daraanan namin." M-ms. Agustin, for you." nakayuko n'yang sabi habang iniaabut ang isang box kaya napasimangut naman ako. First day of school ito kaagad ang bungad? Mas lalo nilang sinisira ang araw ko.

" Hindi ako kumakain ng Chocolate." maarte at walang emosyon kung sabi. It means tinatanggihan ko ang regalo niya baka mamaya may lason or gayuma na pala 'yon. Hindi sa pag a-assume pero nag iingat labg talaga ako.

" K-kasi —"


" Umalis ka nga sa daraanan ko!" mahinang sigaw ko sa kanya.

" Jhil.." awat naman ni Alyson.

" Tsk!" saka ako naglakad nang akyat namin sa building tulad kanina marami ang sumalubong sa amin. Isaa lang naman dapat ang magbigay sa akin ng bulaklak, chocolate, love letter or what so ever at walang iba kundi si  Alen lang.

"kyahhhhhhhhhhhh.." napairap naman ako pagpasok ko ng room may mga nagsalubong sa amin.

" Besh, andito siya." bulong ni Jasmine na ikinakunot ng aking noo.

" ARAY!" napatingin naman ako sa sumigaw at bigla na lang bumilis ang heartbeat ko na ikinagulat ko rin. Damn! What is it? Nag-glare naman ako sa kanya bigla at umiwas ng tingin saka umupo. That face.

" Besh, kaklase na'tin siya."


" Makikita niya." napangisi naman ako. Habang nasa klase kami panay tingin ko sa kanya iwan ba bakit parang nama-magnet ang mga mata ko sa kanya. Napansin ko rin naman na parang 'di siya mapakali kaya napangiti naman ako.

" Hey! Anyare sa iyo at nakangiti ka pa d'yan? Mukha kang baliw." inirapan ko naman si Alyson.

" Tsk! What ever!" itinuon ko na lang ang buong atensyon sa klase kahit na marami pa ring tanong sa isip ko. Hindi niya ba ako kilala? Hindi ba sinabi sa kanya ni Alen na nasa school na pinapasukan niya ang babaeng minahal niya? Nakakainis. Ano ba talagang nakita ni Alen sa kanya?

   After nang klase kanina lumabas na agad siya kasama sina Sandra. Tumayu naman na ako at hindi pinansin ang mga estudyante na bumabati sa akin.
" Samahan n'yo nga ako sa rest room." tumango naman silang dalawa. At ng malapit na kami sa rest roon nakita ko  siya. Bigla naman naningkit ang mga mata ko.

" Besh!" sa unang beses ngayong araw nagsalita si Jasmine. " Anong pinaplano? Hindi ka naman niya inaano." pigil niya.

" Watch me!" lumakad ako palapit sa kanya saka ito binangga kaya napaupo siya at napahawak sa ulo.


" Bulag ka ba!?" asik ko sa kanya with cold voice tumingala naman siya at napataas ang kilay.


" Dalawa lang mata ko pero hindi ako bulag." aniya saka tumayo.


" Sa susunod 'wag kang patanga- tanga."


" O-okey." napayuko naman siya bigla. Tiklop ka naman pala. Ano pa bang nakita niya sa'yo?


" May atraso ka pa sa'kin." saka ako umalis sa harapan niya at bumalik sa kanila. At nakahinga naman na ako ng maluwag. Damn! What happen?

" Besh, bakit parang wala sa'yong pake ang babae na 'yun?" tanong ni Aly.

" Sinabihan ko nga ng bitch pero wala lang sa kanya. " ani Jasmine. Natawa naman ako hindi bagay sa kanya na maging brat.

" Ginagalit niya talaga ako."


    Maghapong hindi ko siya nakita. At ano bang pakealam ko? Wala naman. Bakit ko naman siya hahanapin? Pero sa maghapon na 'yon may naririnig ako.


" May kaklase pala tayong Santillan pero kaano-ano siya ni Prince Spencer?"



" Oo nga ang cute nga. Parang girl version pero may eyeglass siya. May kapatid kaya siya?"



" Malay na'tin baka talagang meron pero crush ko na talaga siya."


    Sino namang Santillan 'yun?Interesting siya pero makikilala rin naman kita not now...but fvcking soon. Ngayon sa babaeng 'yon muna ako mag fu-fucos.




——

My Cousin's Ex-girlfriend(Santillan Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon