Chapter 1: Meet Her

21.8K 361 3
                                    

Andrea pov's

" Drea, wake up malalate ka na sa new School mo." napabalikwas naman ako bigla Oo nga pala first day of school na agad akong pumasok sa banyo at saka 5 minutes naligo after no'n lumabas na ako at nagbihis naglagay ako ng kunting face powder at kunting Cherry Lipgloss at bumaba na.

" Kuya Spencer."tawag ko sa kanya pinsan ko sya at bukas aalis na siya palipad ng Canada nag break na rin daw kasi sila nang girlfriend nito.

" Hi cousin." saka niya ko hinalikan sa pisngi.

" Kumusta ang puso?" tanong ko saka ko siya tinawanan.

" Hindi pa okey papapaltan ko na nga sa Canada." biro niya sabay tawa ng malakas.

" Hi honey, let's go." napalingun ako at nakita si Dad kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi.

" Goodmorning tito." bati ni kuya Spencer.

" Goodmorning, napadaan ka? Akala ko ba ngayon ang alis mo." wika naman ni Dad.

" Mamaya pa naman po ang flight ko isa pa po magpapaalam lang po ako sa paborito kung pinsan." kinindatan naman ako ni Kuya.

" Kuya talaga."

" Tito kung pwede ako na po sana ang maghahatid sa kanya papasok sa school." paalam naman niya kay Dad.

" Ikaw ang bahala basta ba mag-ingat kayo. Ingatan mo itong pinsan mo." bilin naman ni Daddy.

" Aye aye captain! " sabay salute kay Daddy nagtawanan naman kami at hinalikan si Dad sa pisngi.

   Nakasakay kami sa kotse niya 'yong School na papasukan ko school niya rin noon ka-batch ko rin kasi siya. Kuya lang tawag ko sa kanya dahil matanda siya sa akin ng isa o dalawang taon. Hindi ako sure.

" Hoy, ikaw 'wag ka munang magmamahal. Ikaw rin mawasak na naman 'yang puso mo." napangiwi naman ako.

" Weh!? Ako pa talaga? Pero Oo na po, Kuya." nag-park na siya at ikiniss ko sa cheek saka lumabas na." Mag iingat ka doon." ibinaba niya naman ang glass window.

" Mamaya na sana kaso wala ka para ihatid ako. Aral kang mabuti okey." giit pa niya kaya tumango ako.

" Eh 'di mag ingat ka na lang sa pag da-drive." ngumiti naman ako sa kanya at saka umalis na. Humarap ako sa gate at bumuntong hininga. This is it! Inayus ko ang eyeglass ko bago pumasok sa campus.

    'Yong schedule ko ibinigay naman sa akin nang Dean at First subject ko ay English agad ko namang nahanap 'yon.
Bununtong hininga ako saka  pumasok sa loob. Pagpasok ko lahat sila nakatingin sa akin hindi ko naman sila pinansin at umupo na lang.

" Hi ako Angela Sebastian." pakilala ng isang babae nang makaupo ako kaya napatingin ako sa kanya at nginitian ko naman siya.

" Ako nga pala si Andrea." pakilala ko.

" Hiiiiiiiii...." napalayo naman ako.

" Tibo umayos ka nga!" saway ni Angela sa kanya.

" Foreign ka pa? May kamukha. Nga pala ako si Clarise Sta.Cruz."

"..Andrea."

" Tipid. Ngayon lang kita nakita dito. By the way Cassandra Bartolome 'Sandra' for short her girlfriend." sabay turo kay Clarise nanlaki naman ang mata ko. G-girlfriend?

" T..transfer ako from Canada." uso pala bisexual dito.

" Kaya pala pero grabe gulat na gulat ka nang sinabi niya na gf niya 'ko." ani Clarise kaya natawa ako.

" Eh kasi naman—"

" Andyan na sila." tumahimik naman ako at tumingin sa pintuan. Anong meron?

" Kyahhhhhhhhhhhhhh..." sigaw nila at sari saring kumento pa nang pumasok siya bigla na lang nag slow motion ang paligid bigla ring bumilis ang heartbeat ko at umiling-iling ako saka malakas na pinalo ang pisngi ko.

" ARAY!" sigaw ko habang nakahawak sa pisngi kaya lahat sila napatingin sa akin pati 'yong mga babaeng pumasok nakita ko naman na nag-glare siya sa akin at saka umupo tapos 'yon nagkagulo na nakaungung na 'yong classmate namin sa kanila.

" Anong nangyare sa'yo?" tanong ni Sandra.

" Nakagat lang ako ng lamok." pagdadahilan ko naman.

" Bakit ang pula ng pisngi mo?" tanong pa ni Angela.

" K..kasi hinampas ko kanina." napailing na lang sila sa akin. Ikaw na ang dakilang tanga Andrea Santillan
pero 'di talaga maayos ang pakiramdam ko. Habang nagkaklase kasi parang may nakatingin sa akin kaya hindi ako napakali.

    Nang matapos ang klase namin nag alisan na ang iba." Hey, Ano next subject mo?" tanong ni Angela kaya tiningnan ko naman 'yong schedule ko.

" Geometry." sagot ko.

" Doon din ako." ani Sandra at wagas na nakangiti sa akin.

" By the way kami na pala 'yong bff mo dito sa campus bukod kasi na baguhan ka pa mahihirapan ka talagang makahanap ng tulad namin." ani Angela. Madaldal pala siya ang layo sa mukha. "...and  I think hindi ka naman homophobic 'di ba?" tanong pa niyo na ikinakunot ng aking noo. Anong konek?

" H-hindi naman...siguro."

" Siguro? Are you sure? Straight ka 'di ba?" tanong ni Clarise sa kanya.

" Oo naman 'no." mukha ba akong lesbian or what?

"...ay sayang." naguluhan naman ako kay Sandra.

" Ha?"

" Nevermind..." sabay sabay na kaming lunabas ng room. "...anong apelyido mo?" tanong naman ni  Angela.

" Santillan.." sagot ko naman.

" Santillan ka? Weh!?" natawa naman ako kay Clarise ang issue nila sa surename ko.

" Excuse lang rest room lang ako." paalam ko.

" Sunod ka sa canteen." pahabul ni Sandra tinanguan ko naman siya saka umalis malapit na ko sa cr ng may mabangga ako dahilan upang mapaupo ako at napahawak sa ulo ang sakit.

" Bulag ka ba?" malamig niyang tanong  kaya napatingala na lang ako siya 'yong babae kanina. " Dalawa na ang mata mo nabubunggo ka pa." dugsong pa niya.

" S-sorry." paghingi ko naman ng paumanhin walang patutunguhan 'to kung mas pahahabain pa namin ang away. Kaya ko naman mag timpi kahit papaano new year resulotion ko kaya 'yon.

" Next time huwag kang patanga- tanga. Baka kasi hindi lang ako ang makabangga mo. Pinapaalalahan lang kita, double eye." aniya.

" O-okey."

" May atraso ka pa nga pala sa akin kaya hindi pa tayo tapos...next time 'wag ka nang magpakita sa akin, ha? "saka siya umalis. Teka anong atraso ko sa kanya? Pati tuloy ako tinatanong ko na ang sarili ko kung anong atraso ko sa kanya.

" Bitch! " singhal naman nang isa saka sumunod sa amo niya kaya inayus ko 'yong eyeglass ko. Double eye pala ,ah. Makikita mo talaga.





——

A/n: Ito lang po munang chapter na 'to ang mae-edit ko ngayon medyo busy pa kasi ako sa ojt namin ngayon isa pa problema ko rin ang sakit ko.
Lovelots♥




My Cousin's Ex-girlfriend(Santillan Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon