Chapter 8: Truth

7.5K 230 1
                                    

Jhillian pov's

   Dinala ko siya sa mansyon namin at tahimik lang naman siya daig ko pa ang mag-isa. Asan ang daldal nito kanina? Wala ba talaga siyang alam? O baka naman nag mamaang-maangan pa siya.

" You are so quiet!" I whispered bago tumingin sa kanya.

" Paki mo? " napatikom naman ang bibig ko. Attitude si ate.

" Ms.Jhillian, andito na pala kay." salubong ni yaya Marinel.

" Yeah, paakyat po sa kwarto ng meryenda." bilin ko sa kanya.

   Hinila ko naman kaagad si babae paakyat at dinala sa kwarto ko katulad kanina tahimik pa rin kasi siya." Wala ka bang balak magsalita?" tumingin lang siya sa akin ng masama.

" What are we doing here? Akala ko ba gagawa tayo ng project at nakalimutan mo yatang bumili ng mga materials." naiinis niyang sabi.

Santillan? Ikaw ba ang asawa niya?

" Kaano-ano mo nga pala si Alen Santillan?" baliwala kung tanong.

" Wala akong kilalang, Alen Santillan."sagot naman niya.

" Si Spencer.."napairap siya sa akin.

" Anong kailangan mo sa kanya?" tanong niya.

" Wala!"

" Wala naman pala, bakit ka pa nagtatanung  kung kaano-ano ko siya?" masungit niyang sabi.  Walang hiya naman. Bakit ba hindi ako makapagsungit sa kanya ngayon? Napakamot naman ako.

" Young lady, andito na po ang meryenda." boses ni yaya mula sa labas kaya lumapit ako sa pinto. After kung kunin 'yung meryenda ini-lock ko na ulit baka kasi takbuhan pa ako nito.

" Mag meryenda ka muna." alok ko sa kanya pero tumingin lang ako sa kanya. "...don't worry walang lason 'yan."

" Busog pa 'ko."

" Wala naman 'yang lason,ah." pangungulit ko pa.

" Busog nga ako kulit mo."

" Then back to question..Ano nga kasi relasyon mo sa Spencer na 'yun?" tanong ko naman sa kanya.

" Wala."

" Are you sure?"

" Tsk! Oo nga."

" Asawa mo ba siya?"na-shock naman siya...see nagulat siya.

" Spencer is not my husband..teka bakit mo ba itinatanong?" irita niyang sabi.

"Oh, bakit na-shock ka?"

" Kakilala mo pala siya." mahinahon niyang sabi.

" Oo 'di lang basta kakilala." iwas tingin kung wika sa kanya.

" Uulitin ko..Spencer is not my husband...napakabata ko pa para lang sa mga ganyang bagay...ang relasyon naming dalawa ay hindi lang tulad ng magkarelasyon because he is my cousin." hindi naman ako nakapagsalita at nagulat din sa sagot niya.

" C-cousin?"

" Oo, bakit? Ano pa bang gusto mong sagot? Bakit ba hindi muna kayo magtanong? Basta ba isang ka-apelyido ng sikat na tao may relasyon na agad sa kanila?"

" Akala ko—"

" Asawa ko? Kuya Spencer is not my husband mark that."

" So, model ka rin?" natahimik naman siya at bumuntong hininga bago sumagot.

" Nag-stop na ko after accident. "

" Sorry, akala ko naman kasi—"

" Magtanong ka muna. "saka siya ngumiti.

   Bigla na lang bumilis ang heartbeat ko na ikinakurap ko ng ilang beses. Damn! What happen to me? Pero kung ganu'n pwede pa? Aasa pa rin ako na babalikan ako ni Spencer. Tama hindi naman masamang umasa.

   Salita ako ng salita rito sa katabi ko pero bigla na lang siyang napasandal sa balikat ko at nang tingnan ko naman nakatulog na pala siya sandaling tiningnan ko ang wrisk watch ko at nakitang 7 o'clock na pala. Siya ba ang  sinasabi nilang girl version ni Alen? Maingat na tinanggal ko ang kanyang salamin at hindi ko mapigilan ang matulala at sabay sabay na pagsi-sink ng isang imahen sa vision ko.

  Nagulat ako dahil sa nasaksihan ko.Para naman akong hinabul ng sampung kabayo at ibinalik kaagad 'yung salamin niya at nilagyan siya nang unan para hindi mangalay.
9 o'clock na ng magising siya at agad na umayos.

" Grabe nakatulog pala ako." komento niya habang kinukuha ang kanyang cellphone.

" Oo nga ang sarap ng tulog mo."

" Pasensya na...I need to go." paalam niya at tumayu na.

" Ihahatid na kita...baka isipin ng parents mo na pinabayaan kita na umuwe mag isa. Sabihin mo na lang kung saan ang bahay niyo?"

" Salamat na lang. Magpapasundo na lang ako kay—"

" Tsk! Ako nagdala sa'yo dito kaya dapat ako rin ang magsuli sa'yo."

" Bakit ninakaw mo ba ako at kailangang isuli?" tanong niya kaya napataas ang kilay ko.

" Kung ginto ka hindi na kita isusuli." seryoso kung sabi.

" Bahala ka nga..." napangiti naman ako.

" So, let's go." sumunod lang siya sa akin.

   Katulad ng sinabi ko itinuro naman niya 'yung daan pabalik sa kanila medyo malayo at village rin pala pero napansin ko na kalakihan ang bahay nila. " Dito na lang." aniya napatingin naman ako sa mansyon." Pasok ka." anyaya niya.

" Huwag na..uuwe na rin ako." pagtanggi ko naman. Mamaya baka may multo pala sa bahay na 'yan mahirapan pa akong lumabas. 'Yong totoo  nagkakarinigan pa ba sila?

" Baba!"

" H-huh?" napakurap naman ako.

" Ang sabi ko bumaba ka." mahinahon niyang utos.

" Sabi ko uuwe na—"

" Ang sabi ko bumaba ka!"

" Bakit ba? At ikaw pa 'tong galit." reklamo ko naman.

" Ano baba ka ba o hindi?"

" Oo na baba na ako...okey na ba?" irita kung saad.

" Halika na." aniya.

" H-halikan bang?"

" Ang baliw mo...sabi ko pasok na tayo sa loob."

   Ang baliw ko talaga bakit ko kasi sinabi 'yun? " Señorita, nakarating na po kayo." salubong ng isa sa medyo may edad na babae.

" Manay, where's my dad?" tanong niya sa yaya nito.

" May pinuntahan."sagot naman niya.

" I see.." tumingin si Andrea sa akin.

" Nag-dinner na ba kayo nitong kasama mo?"

" Not yet, manay." ngiting sabi naman ni Andrea.

" Mauna na ako." bulong ko sa kanya.

" Ma'am, dito ka na mag-dinner hindi ka rin naman palalabasin ni Andrea. " natawa naman si Andrea.

" Po?" takang tanong ko.

" Did you hear that? Kapag may pumasok dito at ako ang kasama nila hindi na sila nakakalabas ng buhay." napalunok naman ako. Is she serious?

" Joke lang..." napangiwi naman ako. " Dito ka na mag dinner hindi naman kita isa-salvage ang ganda ko namang killer kapag ginawa ko 'yon." natatawa naman niyang sabi.


" Bakit hindi nga ba?" makahulugang kung tanong kaya napakunot siya.


" What?" ano bang meron sa 'What' na hindi niya makita sa ibang words?




———

My Cousin's Ex-girlfriend(Santillan Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon