Chapter 16: The Past...

12K 217 6
                                    

Alex POV

After ng lunch hindi na kami nagkausap ni Kaye, kasi my emergency meeting daw sa sa office. Gusto pa sana niya sumama dahil half day lang daw ung inapplayan niyang leave, but i told her to take this time to talk to her sister kaya di na siya nagpumilit pa. 

pagdating ng office sinalubong na ako kaagad ni Mr. Anderson and Ashley. 

'bakit andito si Ashley?' nagtatakang tanong ko sa sarili.

"Hey, Ash anong mayroon pati ikaw andito?" tanong ko kay Ashley at tiningnan lang niya ako sa mga mata, 

'parang may mali dito.' nasa isip ko.

Pagdating namin sa office ko, umalis muna si Mr Anderson at naiwan kami ni Ashley ngayon dito.

"spit it out Ashley, why are you here." Sabi ko sa kanya habang naka tingin sa kanya ng diretso.

"Alex, sh-hes back." sabi Ashley, makikita mo sa kanyang mukha ung halong lungkot at takot. habang papalapit siya sakin pero biglang may kumatok. kaya natigilan kaming dalawa at tumingin sa pintuan.

Kahit hindi pa sinabi ni Ashley ung pangalan ng taong tunutukoy niya, alam ko na kung sino siya. Ang tanong handa na ba akong harapin siyang muli.

"Alex... Alex???" tinatawag na pala ako ni Ashley. Nagzoom out naman pala ako.

"Handa ka na bang makita siya? Hindi ko alam kung kailan at bakit siya bumalik at dito pa niya na isipang ibigay ang proposal sa gagawin nilang project." Paliwanag ni Ashley. Di parin ako kumikibo.

"Napadaan ako dito kanina, at wala ka daw. Paalis na sana ako ng may tumawag sa Assistant mo, si Mr. Anderson na may urgent meeting ka with Ms. Paige Lopez." Patuloy na paliwanag ni Ashley, but ng binanggit niya ung pangalan na un, parang napatigil ako sa pag hinga. Sh*t. 

"Alex?" tawag ulit ni Ashley. napatingnin lang ako sa kanya at nag-iisip ng pwede kong gawin.

"Ash, samahan mo ako sa loob ng meeting room." sabi ko sakanya. at tumango lang din siya.

"Si Mr. Anderson ung kumatok kanina, handa na daw ung meeting room at naghihintay na sila nagyin doon." sabi ni Ashley habang ako ay kumuha muna ng tubig at uminom. 

'dapat ihanda ko na ung sarili ko sa mangyayari, just be professional Alex. its all about work.' pinapalakas ko ung loob ko.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Nauna na si Ashley sa loob, huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

Diretso lang tingin ko at agad akong umupo sa tabi ni Ashley, diretsong tumitingin lang ako sa taong naka tayo ngayon sa harap namin.

“let’s start.” Sabi ko, kahit na diretso lang ung tingin ko sa nagsasalita ngayon, nakikita ko parin ung mukha ni Paige sa gilid ng view ko. Di ako mapakali sa kina uupuan ko ngayon, ng may naramdaman akong humawak ng kamay ko.  Tumingin ako sa taong un, at ngumiti. Alam kong nag-aalala itong kaibigan ko sakin, dahil she knows what I’ve been through after that night. Di ko na malayang tapos na ung presentation ng project proposal nila.

“Ms. Smith, what do you think?” pabulong na tanong ni Mr. Anderson sakin.

“We need to study this proposal first. Kailan ba magstart ung project?” tanong ko sa kanya, nakatingin lang sa phone ko.

“We need your approval as soon as possible.” Sabi ni…………tandang tanda ko pa ung boses na un…. PAGE…

Umangat ung tingin ko sa kanya, at nagtama ung mga tingin namin doon ko na pansin maraming nag-iba sa kanya, well 10 years what can you say.

“Alex.” Tawag ni Ashley sakin, matagal din siguro ung tititgan naming dalawa. Umiwas na ako sa tinginan namin ni Page.

“Give us two days, to study this project. Thank you.” Sabi ko at tumayo na agad ako, at humakbang papuntang pintuan.

“Alex, can I invite you for a dinner?” Pahabol na sabi ni Paige. Nakahawak na ako sa doorknob ng pintuan, pumikit muna ako para mag-isip. Ilang saglit at humarap ako sa kanya.

“I’ll check my schedule. Just give your hand phone number to my assistant.” Pagkatapos ko ng sabihin un at mabilis na ako ng lumakad pabalik ng opisina ko.

“Alex…. Alex…. Alex…” Tinatawag ako ni Ashley pero di ako lumingon hanggang makapasok na kami sa office ko, at hinarap si Ashley.

Agad lumapit sakin si Ashley, at pinunasan ung luha ko na di ko namalayan tumutulo na pala.

“Shhhh…” Niyakap ako ni Ashley ng mahigpit. Di ako makapagsalita, andito parin ang sakit, 10 years na ang lumipas pero parang kahapon lang.

“Bakit pa siya bumalik? Para ipamukha sakin ung mga kamalian ko? Ng da-dahil sakin, na-na wala Patricia.” Di ko na mapigilang humagulgol sa balikat ni Ashley.

 Tahimik lang kaming nakatayo ngayon.

“Tama na Alex. Nakaraan na un at di na natin mababalikan ang lahat ng nangyari.  Alam ko matagal ka ng pinatawad ni Patty.” Sabi ni Ash. Inalalayan niya ako para maka-upo na sa couch. Umiiyak parin ako, ang lahat ng sakit dito sa puso ko ay bumalik lahat. Kaya ako pumunta o lumuwas ng ibang bansa para makalayo. Kahit ung pamilya ko nagkagulo dahil sa trahedya na un. Di ko akalain na hahantong sa ganun, kaya di ko maiwasang sisihin ung sarili ko sa lahat.

bakit Paige, bakit??? Alam mo ung tunay na nangyari at di ka man lang nagsalita. At ngayon makikita kita, at parang wala lang sayo ung nangyari na un.’ Nasa isip ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Helloooooooooooooooooooooooo guys,

Sorry maikli lang ito... hehehe

Ano ba ung nangyari sa past ni Alex???? At sino ba itong Paige Lopez sa buhay ng ating bida???? and sino si Patricia???

hehehe...

Next chapter Flashback tayo 10 years ago... ^_^

sana magustuhan niyo ito...

sorry ulit sa mga errors guys...

yammy0212

I Dare You to Love Me (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon