(Flashback)
10 years ago…
Alex POV
“Patty, saan ka na ba?” tawag ko sa kanya. Andito kami ngayon sa locker room ng gym ng school namin. Varsity kasi kami ng Badminton, at malapit na ung final ng school tournament kaya double time kami sa training.
“Kung makasigaw ka naman parang nawawala ako, AR.” Sabi niya sabay tulak sakin ng mahina. Ganito kami palage kaya di ko mapigilang mahulog ang loob ko sa kanya, at hindi niya ito alam na im falling for her.
“Oh napapatulala ka naman jan, ang cute mo tingnan pag ganyan ka seryoso ung mukha mo pero, mas cute ka tingnan pagnakasmile.” Sabi niya sakin at pinisil nya pa ung pisngi ko.
“ARRRAayyyy… Patricia Lopez… lumapit ka dito!!! ang sakit kaya nun.” Sigaw ko sa kanya, dahil tumakbo ito pagkatapos niyang pisilin ung pisngi ko. Kaya nagyon naghahabulan kami hanggang makaabot sa labas ng gate.
“Magsitigil nga kayong dalawa, para kayong sira ulo e.” Sabi ng taong lumalakad papalapit sa amin, at walang iba kundi si Ashley lang naman un.
“kung di ko lang kayo kaibigan, minsan talaga magkakamalan kayong....” Sabay ngiti ng kakaloka at-at nakatingin sakin. WHAT???!!! Anong alam niya??? Parang may nalalaman siya, o ganun na ba ako ka obvious??? Parang napatulala naman ako sa sinabi ni Ashley.
“tumigil ka din sa kabaliwan mo nga Ash.” Sabi ni Patty sakanya at tumawa ng lang si Ash. Sana di lang ganun ka halata ung nararamdaman ko kay Patty, baka layuan niya ako pagnalaman niya. -_-
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Natapos ung final game namin at syempre nanalo ung school namin kaya, mag-cecelebrate kami sa bahay nila Patty.
“Patty, anjan ba ung kambal at parents mo sa bahay?” tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa kanila. Medjo madilim na pero di naman kalayuan ung bahay nila sa school.
“ung kambal ko lang, ung mama at papa namin na sa ibang lugar kasi inaasikaso ung business namin.” sabi ni Patty, bakit parang ang seryoso niya ngayon kanina ko pa ito na papansin.
“Pat, ok ka lang ba?” tanong ko sa kanya. At bigla siyang huminto sa paglalakad, kaya huminto din ako.
Humarap siya sakin at tiningnan niya ako sa mata.
“AR, may ipagtatapat sana ako sayo, pero di ko alam paano kasi baka mangdiri ka sakin o layuan mo ako.” Sabi niya, at nakatingin na ngayon sa mga paa niya. Ha?? Bakit naman ako mangdidiri sakanya, kahit ano pa ung sasabihin yata sa kanya ng iba e, tatanggapin ko basta nakikita kong masaya lang siya ganun ko siya ka mahal. Yes guys, lalo akong nahuhulog sa bawat araw na magkasama kami.
BINABASA MO ANG
I Dare You to Love Me (girlxgirl)
RomanceLove moves in mysterious way daw sabi ng kanta at yan din ung sabi ng iba. Alexandria Rain Smith (matalino, maganda, 5'7", mayaman, masayahin at mabait pero nagbago ang lahat at dahilan ito kaya umalis siya ng pinas. and after 10 years bumalik siya...