Chapter 24: A for Afraid

11.4K 212 14
                                    

 Alex POV

After dinner…

Andito ako ngayon sa balcony sa harap ng garden namin at tanaw ko ung mga tao kung saan kami kumain. Nag-uusap at nag tatawanan ang iba, napangiti ako habang tinitingnan si Valentine kausap ung lola ko.

“nakainom ka ba ng gamot mo kanina?” sabi ng tao sa likuran ko. Di lang ako umimik, tinitingnan ko parin siya habang tumatawa kausap ung lola ko.

“natatakot ka ba jan sa nararamdaman mo?” sabi ulit ng tao sa likuran ko, sa pagkakataong eto hinarap ko siya.

“anong nararamdaman ang pinagsasabi mo Ash?” tumingin ako sa mga mata niya. Ngumiti lang eto at lumakad papunta sa tabi ko at siya naman ngayon ang tumitingin kina Valentine.

“Alam mo Alex, di mo matatago yan sakin, dahil kung sila di nila napapansin un ako napapansin ko. Ano pa problema mo? Takot ka?” sabi ni Ashley.

Humarap ulit ako sa garden at tumingala sa langit. At napangiti sa sinabi ni Ashley, kilalang kilala niya talaga ako dahil alam niya din ang lahat ng pinagdaanan ko.

“Who do you think ang kinakatakotan ni Alexandria Rain Smith? Parang wala naman ata, kaya nagkakamali ka sa napupuna mo.” Seryosong saad ko sa kanya.

Tingnan niya ako at tinaasan ng kilay.

“Seriously Alex? Itatangi mo talaga sakin yang nararamdaman mo?” sabi niya habang tinuturo sa dereksyon ng puso ko.

Di ako kumibo at tumingin lang ako ulit kung saan ung ibang kasamahan namin.

“gaya ng sabi ko sayo noong una, lets see hanggang saan mo yan itatanggi.” Ung lang nasabi niya at lumakad na papasok sa loob ng bahay.

Bumuntong hininga lang ako at pinagmasdan ko lang silang lahat.

“Ethan, sino pa ung pupunta dito? At para maumpisahan na etong inuman natin?” Sigaw ni Jenny.

Sino pa ung inimbita ng kapatid kong eto???

I Dare You to Love Me (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon