Alex POV
Dumaan ang ilang araw mas nahuhulog na ung loob ko kay Kaye. After that night na magkatabi kami matulog... oo tulog lang walang ginawang kamilagruhan, di pa papayag si author... kiss lang nga sa ulo na kuha ko e... tsk...
>>>>>>letter>>>>>>
( to my beloved readers,
Ako po ito si Alexandria Rain Smith. Guys, please kausapin niyo naman ang cute na author natin na bigyan na ako ng score kay Kaye... Para naman alam ko kung may chance ba ako sa mataray na babaeng un, diba... please reader...
thank chu... ;-) guyz....
Your Adorable Character,
Alex ^___^)
>>>>Author: Pag-isipan ko pa ung hiling ni Alex… -_- ??? <<<<
Back to Alex POV….
Ilang days na ung lumipas at parang mas nahuhulog ako sa kanya,,, nag aasaran kami palage kahit sa office pero ako ung nag uumpisa lage, dahil di niya gusto may makakita sa amin at baka pagchismisan kami at baka daw di ako respituhin ng ibang empleyado doon, dahil ng di niya gusto makita kaming nagkukulitan at mostly nag aasaran sa maraming tayo... oh diba, concern babe ko... wahahahahaha...
walang basagan ng trip guys,,, yan na kasi ung tawag ko sa kanya at minsan isang beses tinawag ko siya “babe”, akalain mo naman hinagisan ako ng eraser, buti na lang naka ilag ako. Hehehehe sarap asarin ung babaeng ito e, at ang cute niyang tingnan pag-naiinis na siya. ^____^
“hoy Mukz, anong ningingiti mo jan? kulang ba ung gamut na ininom mo ngayong araw? Aba, ang aga e sasisiraan ka na ng ulo.” May nagsalita sa likuran ko, at walang iba kundi ung babe ko siya lang naman tumatawag sakin na “Mukz short for Mokong daw” -_- sa ganda kong ito yan, naman kung di ko lang ito mahal, makakatikim na sakin to e.
Andito ako ngayon sa tapat ng bahay nila, kaysa magbabyahe pa siya papuntang office. Points na din un para sakin at lage ko pa siyang kasama at nakikita tuwing umaga, kaya maganda palage araw ko kahit na may isang tao akong ayaw ko makita tuwing nasa office ako, at walang iba kundi si Paige. Haizzz…
“Arrrray… ano ba?!” napasigaw ako na wala sa oras, kasi naman kinurot niya ako sa pisngi ko. Tsk asar. Sakit nun a.
“Pano naman kasi ngumingiti ka jan tapos biglang sumeryuso na naman mukha mo. Ano ba….. Alex! Bitawan mo nga ako, ung damit ko….!” Napasigaw na si Kaye kasi niyakap ko siya bigla… hahaha… another points for Alex…
“Ang damot mo naman Babe niyayakap ka lang e. ano pa kaya kung kiniss kita.” Umalis na ako sa pagkayakap ko kasi kinurot na naman niya ung tagiliran ko, may lahing masukista din kasi itong babe ko e.
“Tumigil ka nga jan Alex. Wag mo akong isama sa mga manok mo ha. Di ako katulad ng mga babae or lalaki mo na makikipaglandian lang.” Sabi niya at inirapan ako sabay pasok sa passenger side. Hala, lagot nagalit ata. Kaya pumasok na ako at nagdrive pa puntang office, tahimik lang siyang tumitingin sa bintana ng sasakyan.
Pagdating ng office, agad siyang sinalubong ni Hazel ung assistant ko din.
“Ms. Valentine, nasa loob po ng office si Ms. Lopez. Sinubukan kop o siyang pigilan pero pinagalitan niya pa ako.” Sabi ni Hazel, na parang nagsusumbong sa Ate niya. Mas lalong sumeryuso ang mukha ni Kaye, nalaman niya kasi iisa lang ung babaeng humalik that night sakin at ung babaeng nasa office ngayon at makakasama pa naman sa isang project.
“Sige, salamat Haze.” Sabi ni Kaye at ngumiti kay Haze, buti pa si Hazel nakita niya na ngumiti babe ko. Ano pa ginagawa nong isa dito. -__-*
Noong nasa loob na kami ng office ni Kaye umupo muna ako sa upuan na nakaharap sa kanyang table.
“Babe, nagseselos ka ba?” pang-asar kong tanong sakanya.
Tiningnan niya lang ako ng masama, ung tingin na sinabi ng iba ay kung makakamatay daw ang tingin e patay na ako ngayon…
“Ms. Smith, marami pa akong gagawin at isa pa anjan na ung isa sa mga manok mo ngayon sa loob ng opisina mo.” Sabi niya, haiz… wala na galit na talaga sakin ung babe ko… pero sandali lang parang nagseselos siya guys,diba? ano sa tingin niyo? Hehehehe parang na buhayan ako ng pag-asa sa naiisip ko.
Iniwan ko na muna si Kaye, dahil di niya na ako pinapansin at baka lalo pa siyang magagalit sakin.
Pagkapasok ko ng office anduon na ung isang tao na ayaw na ayaw ko makita.
“what do you want Paige?” malamig na pagkasabi ko.
“I just want to ask about the project and….invite you to have dinner with me tonight. I know ilang beses na akong nag-iinvite sayo and ilang beses mo na din akong tinanggihan. Marami akong dapat sabihin sayo at dapat mong malaman. Please Alex.” Sabi ni Paige. Ang lungkot ng mga mata niya ngayon ko lang ito napansin dahil ngayon ko lang siya tinitigan ng mabuti.
-____- ????????? (nag-iisip ako)
“Ok. Later 8pm, explain everything to me para matapos na din ito. So can you go now, marami pa akong dapat gawin. Thank you.” Sabi ko sa kanya at naglakad papuntang upuan ko ng bigla akong niyakap ni Paige. Nabigla ako sa kakayakap niya at napahawak ako sa waist niya para di ako matumba, ng bumakas ang kmatok at bumakas ung pinto…… Si Kaye….. nakita niya kaming magkayakap…. Inalis ko ung kamay ni Paige na nakayakap sa leeg ko…. At pagtingin ko Kaye, makikita mo sa mga mata niyang halong inis at lungkot… hahakbang na sana ako papunta sa kanya pero hinawakan ako ni Paige sa wrist ko, napalingin ako kay Paige.
“Tawagan ko na lang ung assistant mo mamaya kung saan ang dinner, thank you and see you later Alex.” Sabi ni Paige at hinalikan niya ako sa pisngi. Sinasadya niya ba talaga ito? -_______-* wala na galit na galit na ung mukha ni Kaye na nakatingin sa amin.
Naka alis na si Paige ng office ko, at andito lang kami ni Kaye nakatayo at nagkatinginan, hahakbang na sana ulit ako papunta sakanya, ng magsalita siya.
“Pwede ba akong umuwi? Tumawag kasi si papa may sakit siya at wala pa doon si Valerie sa bahay.” Umiwas siya ng tingin sakin at nakayuko na ngayon.
Di ko alam kung ano ung dapat kong gawin, parang na pako ako dito sa kinatatayuan ko.
“Ok.” Un lang nasabi ko. At umalis siya agad ng di man lang nagsalita.
Huminga ako ng malalim,at nagpalmface ako,
‘ang tanga mo Alex. Tanga tanga tanga, bakit hinayaan mo siyang yakapin ka at nakita pa ni Kaye un…’ pinagalitan ko sarili ko…. Syete, pano na ito ngayon…
^_^ short update lang ito guys…
Enjoy reading… salamat dahil marami ng nagbabasa sa story ko, pagpasensyahan niyo lang po ung mga kamalainan ko, di kasi ako ganun kagaling sa pagsusulat. ^__^
Yammy0212
BINABASA MO ANG
I Dare You to Love Me (girlxgirl)
RomanceLove moves in mysterious way daw sabi ng kanta at yan din ung sabi ng iba. Alexandria Rain Smith (matalino, maganda, 5'7", mayaman, masayahin at mabait pero nagbago ang lahat at dahilan ito kaya umalis siya ng pinas. and after 10 years bumalik siya...