Hi Readers! Before you continue to read this story here are some important things that you need to know.
•This is a GxG story so if you're not comfortable with it you can freely leave this story.
•I'm just an amateur so don't expect too much.
•I created this story simply because I support the LGBT family/community.
•PROLOGUE•
Dinala nya ko dito sa bahay nila dahil andito din daw yung parents ko at may sasabihin samin dalawa yung mga parents namin.
"Ma ano nga bang sasabihin mo samin?" Tanong ni Ponggay sa mom nya.
"Oo nga mom, ano ba yun?" Tanong ko naman sa mom ko.
"Anak kasi may kasunduan kami ng parents ni Maddie na ipapakasal namin kayo." Sabi ni tita. Mom ni Ponggay.
"Mom hindi magandang biro yan." Pilit tumawa si Ponggay.
"Hija hindi kami nagbibiro." Sabi ni mom.
Tumayo ako at galit akong tumingin kay mom and dad. "Dad, mom nahihibang naba kayo?!"
"Sorry anak pero hindi pa kayo pinapanganak naka-arrange marriage na kayo. Akala ko kasi lalaki ang magiging anak ko hindi pala, kaya sorry anak kung kailangan nyo magpakasal." Nakayukong saad ni Dad.
Si mom naman ay tahimik lang, pati si tito and tita. Si Ponggay naman ay parang hindi parin makapaniwala. Nakanganga lang sya at parang hindi pa pumapasok sa utak nya yung sinabi nila tita.
Tumakbo na ko palabas ng bahay nila Ponggay at agad akong sumakay ng kotse then pinaandar ko yun papunta sa pinakamalapit na bar.
Fuck! Hindi maaari yun. Oo bisexual ako pero kahit kailan man wala akong naramdaman kay Ponggay, teammate at bestfriend lang ang turing ko kay Ponggay. Isa pa alam kong straight si Ponggay.
💞End of Prologue💞
BINABASA MO ANG
I'm Secretly Married To My Teammate
FanfictionThis is gxg story, if you're homophobic, don't read it!