Chapter 05

3.7K 77 0
                                    

Chapter 05

Ponggay Point of View

Kakauwi lang namin ngayon ni ate Ella sa dorm, galing kami sa mall. Akala ko ililibre ako ni ate Ells, yun pala gagawin lang akong tiga bitbit.

Pabagsak akong naupo sa couch, sa tabi ni Deanna. "Oh Ella bakit pagod na pagod si Ponggay? San mo ba 'toh dinala?" Tanong ni ate Ly.

"Oo nga besh Ella, parang nag-buhat si Ponggay ng isang sako na bigas." Sabi ni ate Denden.

Humagalpak ng tawa si ate Ells. "Besh easy lang, nagpa-sama lang naman ako sa mall at sya ang pinagbitbit ko ng mga pinamili ko." Cool na sabi ni ate Ells at umupo sa tabi nila ate Ly at ate Denden.

Binatukan naman sya ni ate Denden. "A-aray besh!"

"Ikaw liit, pinagod mo si Ponggay. Dapat pinakain mo man lang bago kayo umuwi." Sabi ni ate Denden.

"Besh maraming pera si Ponggay kaya yung pera natin para sa kanya ay barya lang." Sabi ni ate Ells habang hinihimas yung batok nya.

"Wow ate Ella! Pa-humble lang, hindi kaba mayaman?" Singit ni ate Beadel.

"Hindi, mahirap lang ako Beadel." Sagot ni ate Ells.

"Wow! Humble ka nga liit." Sabi ni ate Bea.

"Pag ako tumangkad, who you kayo sakin!" Sabi ni ate Ells at isa-isa kaming tinuro. Huminto sya kay ate Bea. "Lalong-lalo kana."

"Twenty yearsold kana kaya hindi kana tatangkad." Asar ni ate Trey.

"Grabe naman kayo kay Ella, kahit maliit yan mahal ko yan." Singit ni ate Amy na kakagaling lang sa kitchen.

"Ayieee! Ells mahal ka daw ni Amy." Kinikilig na sabi ni Gizelle.

Umirap si ate Ella. "Hindi ko sya mahal at wala akong pake sa nararamdaman nya."

"Ouch! Sakit naman." Sabi ni ate Amy at umacting pa na parang nasasaktan talaga.

Hyst! Ang ingay nila. "Mga ate aakyat muna ko."

Tumango lang sila at pinagpatuloy na ang pang-aasar kay ate Ells. Pagpasok ko agad akong nahiga sa bed ko. Bawat isang kwarto rito sa dorm ay may dalawang kama pero yung kila ate Ly at ate Denden ay tatlo ang kama, medyo malaki kasi yung kwarto nila ate Denden at ate Ly. Malaki rin naman yung mga kwarto namin kaso kung ikukumpara mo yung kwarto nila ate Ly sa kwarto namin ay walang-wala.

→Fast Forward←

"Ponggay Gising." Dahan-dahan kong minulat ang mata ko.

"Oh Dean bat andito ka?" Tanong ko at dahan-dahan umupo.

"Kasi sabi ni Maddie may dinner daw kayo sa family nya ngayon." Sabi nito.

"Huh? Nasaan si Maddie?" Nagtataka kong tanong.

"Kakaalis lang, hintayin kana lang daw nya dun sa bahay nila." Sabi nito.

"Cge Dean." Tumango lang ito at lumabas na.

Tumingin ako sa wrist clock. Five thirty pm na pala. Saglit lang ako naghilamos at nagbihis. Kinuha ko na yung wallet, susi at cellphone ko then lumabas na ko.

Nadatnan ko silang lahat na nanonood ng horror. "Mga ate aalis po muna ko."

Napatingin sila sakin. "San punta Pongs?" Tanong ni ate Trey.

"Siguro magde-date kayo ni Maddie noh!" Sabi ni ate Mich.

"Hindi po." Sabi ko.

"Cge Pongs, ingat ka ah. Balik agad." Paalala ni ate Ly.

Tumango at ngumiti lang ako. "Alis na po ako."

Lumabas na ko ng dorm at sumakay sa kotse ko then pinaandar ko na yun papunta sa bahay ng parents ni Maddie. After minutes of driving nakarating nadin ako. Pinarada ko muna yung kotse ko bago pumasok sa loob.

Sinalubong ako ng maid nila Maddie. "Ms. Ponggay nandun po sila sa dining area."

"Cge ya, punta na ko dun." Sabi ko at pumunta na sa dining area. Nadatnan ko silang nagtatawanan.

"Oh Ponggay, andito kana pala." Lumapit ako kay tito at hinalikan sya sa cheek, ganun din ang ginawa ko kay tita.

"Maupo kana Ponggay." Sabi ni tita.

Umupo ako sa tabi ni Maddie na tahimik lang, habang pinagmamasdan yung pagkain.

"How are you Pongs?" Tanong ni tita.

"I'm okay tita." Sagot ko.

"Maayos naman ba ang pakikitungo sayo ni Maddie?" Tanong ni tito.

Tumango at ngumiti ako ng tipid. "Opo tito."

"That's good. Nga pala Ponggay, next month dapat pag-aralan nyo na ni Maddie i-manage yung company." Sabi ni tito.

"Dad sobrang aga naman ata." Singit ni Mads.

"Maddie tama lang yun, para pag-graduate na kayo. Hindi na kayo mahihirapan i-manage yun." Sabi ni tita.

"Okay po." Sabi ni Mads.

Alam kong hindi na sya makikipagtalo dahil alam nya naman na hindi sya mananalo kila tito at tita, baka mag-away pa sila kung makikipagtalo sya.

"Sayo Pongs, okay lang ba?" Tanong ni tito.

"Okay lang po tito." Sabay ngiti ko.

"Good, cge kumain na tayo." Sabi ni tito.

Nagsimula na kaming kumain, habang kumakain kami walang akong naririnig kundi ang ingay ng kubyertos. Hindi kami nag-iimikan habang kumakain, tanging kubyertos lang ang nag-iingay.





😈End of Chapter😈





Don't forget to VOTE and leave COMMENT if you like this chapter.

I'm Secretly Married To My TeammateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon