Chapter 30

2.8K 62 3
                                    

Chapter 30

Ella Point of View

Halos lahat kami nalungkot sa sagot ni Maddie kay Coach Tai. Pero may napansin ako kay Pongs, para syang iiyak.

Nakita kong tumayo si Pongs at naglakad palabas kaya sinundan ko ito. Sasakay na sana ito ng kotse nang bigla ko itong tawagin.

Napalingon naman ito sakin. "B-bakit a-ate E-ells?"

"Umiyak ka noh?"

"Hindi ah, napuwing lang ako."

"Sus, denial. Malungkot ka?"

"Hindi ah, bat naman ako malulungkot?"

"Sus, alam kong malungkot ka, dahil aalis na si Maddie."

"Hindi ah, masaya kaya ako, malaya na ko."

"Anong malaya ka dyan? Gaga kasal parin kayo noh."

"Oo pero atleast wala na sya dito. Cge na mauuna na ko ate Ells."

Mabilis itong sumakay sa kotse at pinaandar na agad. Hmmm . . . Kahit kelan talaga Denial si Ponggay. Pareho sila ni Maddie, alam naman naming lahat na mahal nila yung isa't-isa pero deny parin sila ng deny.







Maddie Point of View

Masakit sakin na umalis ako, dahil maiiwan ko ang teammates at pamilya ko. Pero kung ito naman ang paraan para makamove on kay Ponggay ay gagawin ko, kahit sobrang sakit.

"Mads iiwan muna kami?" Parang batang tanong ni Bea.

"Mamimiss ka namin, Mads." Malungkot na sabi ni ate Ly.

"Don't worry guys, isa't kalahating taon lang naman yun." Nakangiti kong wika.

"Kahit na, matagal parin yun tas next week na agad ang alis mo." Sabi ni ate Denden.

Hyst! Hindi pa ko umaalis pero nasasaktan na ko. Kung bakit si Ponggay pa kasi ang minahal ko eh.







Ponggay Point of View

Pagdating ko sa favorite place ko, agad akong umupo sa malaking puno atsaka humagulgol.

Sobrang sakit. Arghhh! Bat ba kasi ngayon ko pa naramdaman na mahal ko na sya? Kung kelan aalis na sya.

Wala ako dapat nararamdaman sa kanya eh, may boyfriend na ko. Dapat si Prince lang eh, pero bat ba ganun? Para akong pinaglalaruan nang tadhana.

"Miss."

Nag-angat ako nang tingin. "Sino ka?"

Umupo ito sa tabi ko bago sumagot. "Ako si Roi Sumang."

"A-ako . . . . si Ponggay Gaston."

"Alam ko, kasali ka sa AWVT diba?"

"Oo, bat alam mo?"

"Sikat kaya ang mga taga ateneo tsaka diba ang pamilya mo ay may share sa ateneo, nga pala bat umiiyak ka?"

"Okay lang ba sayo magshare ako?"

"Oo naman."

"May boyfriend kasi ako eh."

"Tapos?"

"So ayun nga, may boyfriend ako. May bestfriend akong aalis na next week, papuntang ibang bansa. At ngayon ko lang narealize na mahal ko na pala sya, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mahirap at masakit."

"Mahirap pala yan, sino ba ang mahal mo talaga? Yung boyfriend mo or yung bestfriend mo?"

Napaisip naman ako sa tanong nito.

"Yung bestfriend ko."

"Edi ibreak mo yung boyfriend mo at magconfess ka sa bestfriend mo." Sabi nito at tumayo.

"Pero kung duwag ka, hayaan muna lang syang umalis. Pero magsisisi ka, pag hinayaan mo syang umalis."

Sabi nito at naglakad na palayo. Napaisip naman ako sa sinabi nito. Mag-confess? Ang hirap.



•End of Chapter•



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

I'm Secretly Married To My TeammateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon