Chapter 34
Therese Point of View
Malamya akong umupo sa mga harap ng teammates ko. "Anong sabi sayo nung doctor?"
Tanong ni Jia habang kumakain.
Nandito kaming lahat sa canteen ng hospital. Maya-maya pa daw kasi ililipat ng private room si Ponggay.
"Guys napaka-wala kong kwenta noh?" Napatingin lahat sila sakin.
"Wait lang Trey, may problema ba?" Tanong ni ate Ly.
"Malaki." Mahina kong sagot.
"Ano?" Takang tanong ni Jho.
"May brain tumor si Ponggay at stage 4 na."
Nalaglag ang kutsara na hawak ni Jia at napatingin sakin, halos lahat sila ay nakatingin sakin at mukhang hindi naniniwala.
"Diba nagbibiro ka lang?" Pilit tumawa si Bea.
"No, totoo yun. Ang hirap paniwalaan diba? Pero yun ang totoo." Malungkot kong sabi.
Nakita kong tumulo na ang luha ng mga ka-teammates ko. "Diba gagaling pa sya?"
Tanong ni Jia at pilit ngumiti.
"Oo naman, gagaling sya. Si Ponggay paba? Diba malakas si Ponggay." Sabi ni Bea at pilit pinapasigla ang boses.
Nakakalungkot! Ang hirap paniwalaan at ang pinakamahirap, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kila Dad and mom.
Bea Point of View
Pagpasok namin sa loob ng kwarto ni Ponggay. Nakita namin syang nakaupo at nakatingin sa bintana.
"Pongs." Tawag ni Trey kay Ponggay.
Sinenyasan naman kami ni ate Ly na maupo muna, umupo kami sa isang couch.
Hindi lumingon si Ponggay at nanatili lang na nakatingin sa bintana. "Malala naba ate?"
Lahat kami ay nabigla sa tanong ni Ponggay. "Alam mo?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Therese.
"Matagal na ate, ngayon yung tanong ko naman ang sagutin mo. Malala naba ang sakit ko ate?"
Umupo si Therese sa tabi ni Ponggay at hinawakan ang kamay ni Ponggay.
Therese Point of View
Hinawakan ko ang kamay ni Ponggay kaya't lumingon ito sakin. "Pongs bat hindi mo sakin sinabi? Diba ate mo ko? Dapat nagsasabi ka sakin."
"Ate please . . . sagutin muna yung tanong . . . . . ko."
"Pongs nasa . . . . stage 4 na . . . yung brain . . . tumor mo."
Pinunasan ko ang luha ko. Dapat hindi ako umiyak, dapat maging malakas ako. Kailangan ako nang kapatid ko.
"Pero wag kang mag-alala Pongs, gagaling ka. Kahit magkano pa ang ibayad natin, kahit maubos pa ang pera natin. Basta gumaling ka lang."
Bahagya akong yumuko at hinalikan ang noo nito. Pinunasan ko din ang luha nito. "Ate."
Bahagya nitong pinisil ang daliri ko. "Kung mamatay man ako, ikaw ng bahala kay mama at daddy ah. Alagaan mo sila ah, tsaka kung pwede wag nyo na kong gastusan ng malaki. Wag nyo na kong ipagamot, stage 4 na ang brain tumor ko at wala ng pag-asa mabuhay ako ate."
Naiyak nalang ako. "Pongs kaya mo ayan labanan mo yang sakit mo."
Ngumiti ito. "Ate ipangako mo sakin na aalagaan mo si mom and dad ah."
"Pongs naman, akala koba sabay natin tutuparin yung pangarap natin? Akala koba walang iwanan?"
"Sorry ate, pero wag kang mag-alala. Hangga't nabubuhay pa ko, susubukan kong lumaban."
Napahagulgol nalang ako at niyakap ko ito. Napaka-wala kong kwenta. Wala man lang ako magawa, naturingang ate ako pero wala akong magawa.
♥End of Chapter♥
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
I'm Secretly Married To My Teammate
Fiksi PenggemarThis is gxg story, if you're homophobic, don't read it!