Chapter 32

2.8K 58 1
                                    

Chapter 32

Maddie Point of View

Malungkot akong pumasok ng kwarto, kinuha ko yung maleta ko sa gilid ng kama ni Trey.

Pumunta ako sa closet ko, kinuha ko lahat ng damit ko sa closet at nilagay sa maleta ko.

Nang matapos kong mailagay lahat sa maleta ko yung mga damit ko, isasara ko na sana yung closet ko nang bigla kong makita ang picture namin ni Ponggay nung kasal.

Kinuha ko ito at sinuksok sa bulsa nang maleta ko. "Twinnie tapos kana?"

Napatingin ako sa pinto. "Oo twinnie."

"Cge baba kana, ikaw nalang yung hinihintay."

"Cge, susunod nalang ako twinnie."

Tumango lang sya at umalis na.

Sinara ko yung maleta at tinabi sa gilid. Kinuha ko yung cellphone ko sa side table at lumabas na ng kwarto.

Bumaba na ko at dumeretso ako sa kitchen, naabutan ko silang nagkwe-kwentuhan.

"Hi guys."

Naupo ako sa tabi ni ate Ella. "Kainan na!"

Sigaw ni ate Ells kaya't nagtawanan kami.

"Ang takaw mo talaga, Ella." Natatawang sabi ni ate Denden.

"Atleast laging busog." Sagot naman ni ate Ella habang nagsasandok ng kanin.

"Ahahahah! Tama na yan, kumain muna tayo." Sabi ni ate Ly.

Habang kumakain kami ay masaya silang nagkwe-kwentuhan pwera lang kay Ponggay na tahimik kumakain.

Nakakapagtaka, dati sya ang pasimuno ng ingay tas ngayon sya ang tahimik. Pansin ko rin na limang araw narin syang malungkot at tahimik.

Siguro nag-away sila ni Prince. Bahala sila. Basta ako aalis na bukas. Yup! Bukas na ang alis ko papunta sa Thailand.

"Hoy Ponggay! Anong mukha yan?" Tanong ni ate Ells.

"Pongs may problema ba? Ilang araw ka nang malungkot." Pati pala si Jho nahahalata na.

"Wala po. Masama lang talaga yung pakiramdam ko." Sabi ni Ponggay at ngumiti pero pilit lang.

"Uminom kana ba ng gamot?" Tanong ni ate Ly.

"Hindi pa po." Sagot ni Ponggay.

"Oh sya cge pagtapos mo dyan, umakyat kana at uminom ng gamot. Maaga karin matulog." Sabi ni ate Denden.

Tumango lang si Ponggay at kumain muli. Muling nag-kwentuhan yung mga ka-teammates ko.

Hyst! Bukas hindi na sila ang ka-teammates ko, nakakalungkot.

"Oh Maddie, bat malungkot ka?" Hay na ko! Ang daming napapansin ni ate Ells.

"Wala po, malungkot lang ako kasi aalis na ko bukas." Sabi ko.

"Oo nga eh, mamimiss ka namin Mads." Malungkot na sabi ni Bea.

"Basta Mads promise mo, pagkatapos mo dun, bumalik ka agad dito ah." Nakangiting sabi ni Kim.

"Promise. Pagtapos ko dun, agad akong babalik rito sa Pilipinas at pupuntahan ko agad kayo." I said.

Maya't-maya biglang tumayo si Ponggay at nagpaalam na aakyat na. Gusto ko syang kausapin pero wala akong lakas na loob kaya pinili ko nalang manatili sa tabi ni ate Ells.







Ponggay Point of View

Nakakainis, bukas na ang alis nya pero wala parin akong lakas loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

(A/N: Tsaka muna sabihin yung nararamdaman mo sa kanya kapag na-ayos muna yung sa inyo ni prince.)

(Shut up author, napaka-pakelamera mo!)

Ayos na kami ni Prince at nakipag-break ako sa kanya nung nakaraang araw. Sabi nya okay lang naman daw, basta kung saan ako sasaya.

Nagulat nga ako dahil alam nya pala yung meron samin ni Maddie at baliwala naman daw yun sa kanya, masaya nga daw sya kasi nakasama nya ko kahit ilang months lang.

Thankful ako dahil tanggap ako ni Prince at ang maganda pa, mag-kaibigan pa rin kami.

→Fast Forward←

Nang magising ako, nakita kong wala na si Kim sa kama nya kaya naman tumayo na ko at pumunta sa CR para maghilamos.

Nang matapos ako, agad akong bumaba. Nadatnan ko lahat ng teammates ko na malungkot ang mukha, pero ang ipinagtataka ko. Wala si Maddie.

"Goodmorning guys!" Naupo ako sa tabi ni ate Therese. "Nasan si Maddie?"

Napatingin silang lahat sakin. "Hindi mo alam?"

Nagtatakang tumingin ako sa kanila. "Ang alin ang hindi ko alam?"

"Kanina pa namin hinatid si Maddie sa airport." Sumulyap sa wall clock si ate Ly. "Sure akong nakaalis na ang eroplano papuntang thailand."

Napatayo ako. "Ano?! Akala koba mamaya pang gabi ang flight nya?"

"Napa-aga eh." Sagot ni ate Ells.

Pakiramdam ko para akong nalantang gulay, para akong babagsak. Buti nalang nasalo ako ni ate Bea.

Hindi ko na alam ang nangyari, basta ang natatandaan ko iniwan na ko ni Maddie.








Bea Point of View

Muntik nang bumagsak si Ponggay, buti nalang mabilis ko syang nasalo. "Guys i ready nyo yung sasakyan, dadalin natin sya sa hospital!"

Natataranta kong wika at binuhat si Ponggay. Binuksan ni ate Ly ang pinto ng kotse nang sasakyan ko.

Pinasok ko si Ponggay sa backseat at agad akong sumakay sa driver seat. Sumakay naman si Jho sa shotgun seat.


♦End of Chapter♦



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

I'm Secretly Married To My TeammateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon