Chapter 19

2.6K 50 1
                                    

Chapter 19

Deanna Point of View

Tahimik kaming nanonood dito sa Sala, wala si ate Jho. Kanina pa sya umalis, wala daw kasama si Jaja kaya pinauwi muna sya ni tita Lovel sa lipa.

Habang nanonood kami, biglang may nagring na cellphone. "Guys excuse lang."

Sabi ni ate Bea, nagnod lang si ate Ly at muli nang nanood. Maya't-maya bumalik na si ate Bea.

"Guys alis muna ako, punta ako kila Jho." Paalam ni ate Bei.

"Diba wala dun si tita Lovel? Baka may gawin kayong milagro dun ah." Asar ni ate Ells.

Nagtawanan naman kaming lahat, pwera kay ate Bea.

"Sira! Andun si Jaja eh, nga pala Wong. Gusto mo sumama?" Tanong ni ate Bei.

Bigla naman akong na-excite. Tumango lang ako kay ate Bea. "Cge bihis kana."

Agad akong tumakbo paakyat.

"Excited si Wong ah." Rinig ko pang sabi ate Ells.

Pumasok na ko sa kwarto. Agad akong nagbihis, sinuot ko yung bago kong t-shirt na may design na Wongskiee tas nag-denim shirt na black lang ako and white adidas shoes.

Sinuot ko narin yung cap ko na nike, kinuha ko na yung wallet at cellphone ko then bumaba na ko.

"Nasan si ate Beadel?" Tanong ko sa teammates ko.

"Ayos porma natin Wong ah." Sabi ni ate Denden.

Ngumiti lang ako.

"Nasa labas na sya, dun kana lang daw nya iintayin eh." Sabi ni Gizelle.

Tumango lang ako. "Alis na po ako."

Paalam ko at lumabas na, nakita ko si ate Bea na nagkatayo sa tabi nang car nya kaya nilapitan ko na ito.

"Okay kana Wong?" Tanong nya.

Tumango lang ako. "Sakay kana."

Sumakay na ko sa shotgun seat at sumakay naman si ate Bea sa driver seat.







Therese Point of View

Pagka-alis nila Bea at Wong, biglang dumating si Rex. Si Rex ay long time suitor ko, halos two years na rin syang nanliligaw sakin.

Hindi ko pa sya nasasagot dahil pakiramdam ko hindi ko pa sya mahal, gusto ko sya pero ramdam kong hindi ko parin sya mahal.

"Hi Trey."

"Hi Rex, anong ginagawa mo dito?"

"Flowers for you."

Inabot nya sakin yung boquet na dala nya. "Salamat."

"Wala yun, kamusta kana pala?"

"Okay naman, ikaw? Kamusta training nyo sa Thailand?"

"Ayos naman, sorry nga pala kung ngayon lang ulit ako nagpakita sayo."

"Wala yun, okay lang tsaka busy rin kami sa training."

"Ganun ba? Cge Trey alis na ko, pumunta lang talaga ako rito para ibigay sayo yang bulaklak."

"Salamat ulit, mag-iingat ka."

"Cge pasok kana."

Tumango lang ako at pumasok na sa loob. "Uy may pa flowers si Fafa Rex ah." Asar ni Ella.

Umupo ako sa tabi ni Gizelle. "Trey kelan mo balak sagutin si Rex? Almost two years na syang nanliligaw sayo, wala kabang balak sagutin sya?" Tanong ni Denden.

Sasagot sana ako pero biglang tumayo si Gizelle. "Guys akyat muna ko, biglang sumama yung pakiramdam ko eh."

Paalam nya at umakyat agad. "So kelan nga?" Tanong ulit ni Den.

"Hindi ko pa alam, Den. Basta gusto ko sya pero pakiramdam ko, hindi ko sya kayang mahalin." Malungkot kong wika.

"Tinapik ako sa balikat ni Kim. "Okay lang yan, Trey."

Ngumiti lang ako at tumayo. "Guys sundan ko lang si Gizelle ah."

"Cge, sabihin mo rin na uminom ng gamot." Utos ni Ly.

Tumango lang ako at umakyat na.




∆End of Chapter∆



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter


I'm Secretly Married To My TeammateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon