Chapter 31

2.7K 57 3
                                    

Chapter 31

Jhoana Point of View

Halos lahat kami ay malungkot dahil aalis na si Maddie next week, pero may part samin na masaya dahil sisikat na sya.

Actually hindi naman kailangan maging sikat ni Maddie, dahil sobrang sikat na sya. Si Bea ay umiyak dahil nga aalis na si Maddie next week, hindi naman ako nagselos dahil alam ko naman na umiyak lang si Bea dahil mawawalan sya ng bestfriend.

"Uy guys nasan si Ponggay at Ella?" Biglang tanong ni ate Ly.

"Ewan namin." Sagot ni Deanna.

"Baka nauna na." Sabi ko naman.

"Siguro, tara na nga. Uwi na tayo." Sabi ni ate Ly at inakbayan si ate Denden then lumabas na sila ng BEG.

Lumabas narin ang Jiamich kasabay si Maddie at Kim. "Tara na beh."

Inakbayan ako ni Bea at lumabas narin kami. Pinagbuksan nya muna ako bago sya sumakay sa driver seat.

"Beh seatbelt kana." Sabi ni Bea habang kinakabit ang seatbelt nya.

Kinabit ko naman yung seatbelt ko at umayos na nang upo. Habang nasa nagdadrive si Bea, naisip ko syang tanungin.

"Beh sino nga pala yung kasama mo nung nakaraan? Nakita kasi kita sa mall nung nakaraan na may kasamang babae."

Halatang nagulat ito pero pinilit nito maging normal. "A-ahh b-bestfriend k-ko."

"Bat nauutal ka?"

"W-wala, matulog ka muna beh."

"Beh paki-park naman dyan sa gilid."

"Bakit beh?"

"Basta, ipark muna lang."

Inis kong wika.

Pinark naman nito. Tinanggal ko ang seatbelt ko. "Beh tumingin ka nga sakin."

Ma-awtoridad kong utos.

Tumingin naman ito sakin. "Magsabi ka sakin ng totoo beh, sino yung girl na kasama mo?"

Taas kilay kong tanong.

Napaiwas naman ito ng tingin dahil tinignan ko sya nang masama. "B-bestfriend k-ko nga."

"Wag ako beh."

Humarap ito sakin. Bumunting hininga ito at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Basta beh, ipangako mo sakin na hindi ka magagalit or maiinis."

"Pangako."

Ngumiti ako nang malapad.

"She's my ex."

Gusto kong mainis pero nangako ako sa kanya na hindi ako magagalit or maiinis kaya pinilit kong maging normal.

"B-beh b-bat m-mag kasama kayo?"

Gusto nang tumulo ng luha ko pero pilit ko itong pinipigilan. "Beh gusto nya lang makipagkita sakin, wala naman masama kaya pumayag ako. Tsaka beh sorry kung hindi ako nakapagpaalam sayo."

Umayos ako ng upo at kinabit na ang seatbelt ko. "Beh dun na tayo sa dorm mag-usap."

Narinig kong huminga muna ito ng malalim bago pinaandar ang kotse.














Jia Point of View

Imbes na sa dorm kami dumeretso ni Mich, dumeretso kami sa condo ko. May nakalimutan kasi akong kunin dito sa condo ko, tsaka dalawang linggo ko na itong hindi naiche-check.

"Mich upo ka muna dyan sa sofa."

Umupo naman ito sa sofa. Pumasok ako sa loob nang kwarto ko at umupo sa gilid ng kama.

Binuksan ko yung side table ko at hinanap dun yung picture ni Mich nung bata pa kami.

Actually mag-bestfriend na kami ni Mich mula nung grade 3, tas naging kami nung grade 7 na kami, tas nagbreak kami nung grade 9 na kami. Tas nagkabalikan kami nung college. Ganda ng lovestory namin noh?




•End of Chapter•



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

I'm Secretly Married To My TeammateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon