22

1K 49 11
                                    

Patricia

Nakakawalong account na ako ngayong linggo kaso lahat fail.

Bakit ba kasi binlock ni Guanlin si Chai? Nasira tuloy lahat ng plano ko

"Bakit di mo nalang kasi kausapin si Guanlin ng personal?" Rina asked

"Oo nga, hindi yung gawa ka ng gawa ng dummy accounts pero lahat naman fail." Dana said

"Teh girl, hindi naman masama kung kakausapin mo siya eh." Ayhessa said

Magkakasama kaming apat ngayon dito sa milktea house sa tapat ng university. Busy yung iba kaya wala sila.

"Di ko pa rin siya kayang kausapin." Sabi ko

"Bakit naman?" Dana asked, "Sabihin mo lang na closure lang hinihingi mo."

"Kung ganon lang kadali, Dana. Ginawa ko na, kaso sobrang hirap talaga eh."

"Nasasaktan ka pa rin ba sa nangyare sainyo noon?" Ayhessa asked. Tumango ako

"Pat, ni minsan ba hindi sumagi sa isip mo na baka siya rin nasasaktan?"

"Tsaka kasi hindi mo binigyan ng chance si Guanlin mag-explain. Bigla ka nalang pumuntang ibang bansa."

"Guys alam niyong di ako pwede masaktan ng sobra." I said

"We know, patsi. Alam naming makakasama sa'yo kapag nastress ka. Pero kasi, baka may reason talaga si Guanlin kaya ka niya hiniwalayan?"

"Di ko na alam. Di ko na talaga alam kung ano gagawin ko."

"Hay patsi, lalong makakasama sa'yo 'yang ginagawa mo eh."

"Hindi ka namin pinipigilan sa gusto mong gawin, pero yung puso mo. 'Yang puso mo, ingatan mo. Ayaw naming may mangyaring masama sa'yo."

❝ dummy ❞ ➳ l.glTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon