51 | guanlin

1K 61 35
                                    

2 years after.

I'm sitting on the edge of my bed while looking at my phone kung nasan yung picture namin.

It's been 2 years since Chai died.

Masakit?

Sobra.

Sobra sobra.

Up until now, di pa rin ako nakakamove-on.

Sobrang dami naming pinagsamahan.

She was there through my ups and downs.

Kapag malungkot ako, she never failed to make me smile.

And now, she's gone.

And will never be back again.

I miss her so so much!

"Babe! Ano ba lika na! Male-late na tayo!"

"Patricia sandali lang, nagsesenti pa ako eh. Miss na miss ko na si Chai."

Nakita ko siyang umirap, "Alam mo, feeling ko, ako yung namatay. Bakit naman kasi Chai din pangalan ng aso mo."

Yup, the Chai I'm talking about is my dog.

Now I believe that miracles do happen. Patricia survived nung na-heart attack siya 2 years ago. And sabi nung doctor, naging stable na ulit yung Angina niya. Basta wag lang talaga papabayaan ay hindi na raw ito babalik sa pagiging unstable.

Hindi ako nagalit nung nabasa ko yung message niya. Dali-dali ko siyang pinuntahan sa kanila no'n at dun ko nalamang sinugod nila Daniel-hyung sa ospital si Patricia. Nadatnan ko silang natataranta no'n, nakita ko ring umiiyak si Daniel-hyung at yung mga kaibigan ni Patricia. First time ko sila nakitang umiyak no'n, sobrang takot na takot kami.

Dineclare na nung doktor na wala na si Pat but 2 minutes after, bumalik yung heart beat niya.

"It was indeed a miracle." Sabi nung doktor.

"Babe, walang basagan ng trip." Sabi ko sabay irap sa kanya

Inirapan niya rin ako, "Guanlin lika na, seryoso, male-late na tayo."

"Dito muna tayo." Sabi ko sabay hila sa kanya dahilan para ma-out of balance siya at mapasandal sa'kin.

"Lai Guanlin, isa."

"Kang Patricia, dalawa." I said

"Are you provoking me?"

"Hmm, maybe?"

"Ugh. Bakit ba ako nagkaboyfriend ng isip bata."

"Love mo pa rin naman ako diba?"

"Oo. Kaya lika na, at naghihintay na sila do'n. Kauuwi lang ni Gabby at nagkaayos na sila ni Daehwi. Tayong dalawa nalang inaantay do'n! Hindi na nga tayo nakasama sa surprise kakasenti mo diyan." Sabi niya

"Yah! Si Chai yon."

"Oo si Chai yon. Si Chai din ako. Ano palag?"

"Di na po." Sabi ko sabay kiss sa lips niya at tumakbo palabas ng kwarto ko

"Hoy!" Sabi niya at hinabol ako. "Sabing wag mo ako hahalikan!"

"Lika na, late na tayo diba." Sabi ko at sumakay na ng sasakyan, sa may passenger seat ako umupo.

Kada aalis kami, usually si Pat ang nagddrive. Feeling niya raw kasi babangga kami lagi kapag ako nagddrive sa bilis ko magpatakbo ng kotse.

"Lai Guanlin I'm warning you. Isa pang halik mo sa lips ko, tatadyakan ko junjun mo." Sabi niya pagkasakay ng kotse.

"Wag naman. Pa'no tayo magkakaanak in the future niyan?"

"Aish." Sabi niya at akmang susuntukin ako, "Pasalamat ka..."

"Mahal mo ako?"

"Oo!"

"I love you too, Chai."

She sighed, "I love you more, Linlin." She said then drove away

-the end-

❝ dummy ❞ ➳ l.glTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon