32

915 48 7
                                    

Guanlin

"Guys, have you seen Patricia?" Tanong ni Daniel-hyung. Andito kami ngayon sa isang event place kung saan ginanap yung victory party namin. Sobrang lawak dito kaya kahit maraming tao, di masikip.

"Ha? Kanina nasa lounge lang siya ah? Kasama niya sila Dana." Youngmin hyung said.

"Mga anong oras mo siya nakita do'n?" Daniel-hyung asked

"Mga 5 pm ata."

"Mag-8 pm na." Sabi ko.

"Tinatawagan ko siya kanina pa kasi iuuwi ko na dahil tumatawag na si Mommy kaso di ko talaga siya ma-contact."

"Baka kasama nila Faye?" Tanong ko

"Hindi eh, hinahanap na rin nila si Patricia."

Nakita kong hinawakan ni Baejin yung cellphone niya at napakunot yung noo.

"Naliligaw daw si pat, di daw niya alam kung nasan siya. Basta madilim daw." Sabi ni Baejin

Takot si Patricia sa dilim

Tumayo ako bigla at lumabas.

Sa sobrang lawak ng event place na 'to hindi ko alam kung saan banda yung madilim na tinutukoy ni Pat.

Bigla akong napatingin sa kaliwa ko, nakita ko yung madilim na field ng event place, puro puno.

"Aish. Bakit ka ba pumunta diyan?" Sabi ko at naglakad papunta do'n sa field. Binuksan ko yung flashlight ng phone ko para may makita ako.

Takot ako pero alam kong mas takot si Pat

"Pat! Patricia! Asan ka ba?!" Sigaw ko.

Nakaka-sampung minuto na ako sa paglalakad dito sa madilim na field pero di ko pa rin nakikita si Pat.

Bakit kasi dito nila naisipang gawin yung victory party eh.

"Pat!" Tawag ko pa ulit

"Andito ako!"

Nabuhayan ako nang marinig kong sumigaw si Pat, "Asan ka?!"

"Andito!"

Sinundan ko yung boses niya, nung makita ko siya ay dali dali akong tumakbo papalapit sa kanya

"Guanlin?" Di makapaniwalang sabi niya.

"Let's go." Sabi ko at nilahad yung kamay ko sa kanya.

Kinuha niya yon at hinigpitan yung hawak. Halatang takot na takot siya.

"Bakit kasi pumunta ka dito?" I asked

"I don't know either, wala ako sa sarili ko kanina eh. Guanlin please hurry up, ang dilim dito natatakot na ako."

"Okay." Sabi ko at binilisan yung lakad.

"Hyung!" Tawag ko kay Daniel hyung nung makita ko siya. Napalingon siya sa direksyon namin at tumakbo agad nung makitang kasama ko na si Pat

"Kuya." Sabi ni Pat sabay yakap kay Daniel-hyung. Nag-umpisa na namang umiyak si Pat.

Sobra talaga yung takot niya sa dilim.

Kahit nung mga bata palang kami

"Thank you Linlin." Sabi ni Daniel hyung sakin

"Walang anuman, hyung."

—-

"Help me! Someone please help me!" Sigaw ng isang batang babaeng laging binubully ng mga kaklase

"Yan! Bagay sayo yan!"
"Pa-english english pa kasi."
"Walang tutulong sayo!" Sigaw ng mga batang animo'y walang mga konsensya.

"Hoy! Anong ginagawa niyo?!" Nagulat ang lahat nang biglang dumating ang isang batang lalaki.

"Bakit? Anong pake mo?"

"Aalis kayo or I'll destroy your beloved toy car?" Sagot ng batang lalaki

"Kaya mo bang gawin?"

"Why not?" Sagot nito at kinuha yung laruan nung isang bata at sinira iyon. Umiyak yung bata nung makita niyang hati na sa gitna yung laruan niya

"Isusumbong kita sa Mommy ko! You're dead!" Sabi nung bata at umalis na, sumunod naman yung iba niyang kasama.

Lumapit yung batang lalaki sa janitor's closet at binuksan yon, nakita niya agad yung batang babaeng umiiyak

"Hey, wala na sila. You can come out now."

Lumabas yung batang babae, laking gulat niya nang makita niya yung laruan nung bully na hati na sa gitna

"You destroyed his toy? You're dead. He will definitely tell his mom."

"Magsumbong siya, samahan ko pa siya eh."

Natawa yung batang babae, "Thank you for helping me."

"No problem."

"What's your name?"

"I'm Linlin. How about you?"

"I'm Chai."

**
lol cant sleep, again.

❝ dummy ❞ ➳ l.glTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon