( author's note: lol sorry na agad, wala akong alam sa basketball eh ajuju )
Patricia
Andito na kami sa gymnasium ng university. Mag-iisang oras na simula nung mag-umpisa yung laro.
Naglalaro sina Baejin, Guanlin, Euiwoong, Jihoon, Kwanghyun, Seonho, at Donghyun. Samantalang nasa bangko sina Kuya, Woojin, Youngmin, Hyungseob at Sewoon. Kanina pa naglalaro sina Kuya, Woojin at Youngmin kaya nag sub muna sa kanila sina Seonho, Kwanghyun at Donghyun.
"Go Jaguars!" Sigaw ng mga kaibigan ko. Actually kanina pa sila sigaw ng sigaw eh.
"Go Moonbok!" Sigaw naman ni Maggie kaya binatukan siya ni Jaehwan, "Aish! Nasa kabilang team si Moonbok! San ka ba talaga kampi?" Tanong ni Jaehwan
"Sa Jaguars duhh."
"Maggie, crush mo ba talaga si Moonbok?" Minhyun asked.
"Hala, oppa hindi ah hahahaha. Joke lang yon." Maggie said.
"Go Donghyun!" Sigaw ni Dana
"Go Baejin!!" Sigaw ko. Magpapatalo ba ako sa mga kaibigan ko? Huh. Hindi.
"Patricia! Ano ba yan! Wag ka ngang sumigaw, pag ikaw—" hindi ko na pinatapos yung sasabihin ni Dana kasi inunahan ko na siya, "Kalma ka lang Dey. Isa lang yon, di na ako sisigaw ulit."
"Aba dapat lang!" Sabi pa niya
Magkakatabi pala kami ngayon, patanga squad + tuloks.
"Omg! Na kay Guanlin na yung Bola!" Sigaw nung mga babaeng nasa likod ko
Kanina pa 'tong mga 'to eh. Like, hello? Alam naming na kay Guanlin yung bola, hindi mo na kailangan ipagsigawan. Psh pesti
Nag 3 point shot si Guanlin at pumasok naman yun sa ring.
Bigla siyang tumingin dito at kinindatan—
Ako?
"Shocks! Gurl! Kinindatan ka ni Guanlin!" Sigaw nung nasa likod ko ulit. Sa sobrang badtrip ko napalingon ako sa kanila at laking gulat ko nang makita kung sino yung babaeng nasa likod ko. Ang sabi, Kirstien daw name niyang babaeng yan.
Siya yung babaeng kasama ni Guanlin nung nakaraan, yung pinaupo ni Baejin.
Naka-ngisi lang si Kirstien at napapailing.
"Hayy nako Guanlin, napaka." Sabi ni Kirstien tas biglang tingin sa'kin, nginitian niya ako.
Kumunot noo ko at inirapan siya.
Duhh wala akong oras para makipagplastikan sa kanya.
Pero akala ko talaga ako yung kinindatan niya eh, nakita kong dito siya sa'kin nakatingin.
"Guys. Mag-cr lang ako." Sabi ko sa kanila
"Ha? Huy patsi, ilang seconds nalang pigilan mo na." Jaehwan said
"Ihing-ihi na ako, jeje eh." Sabi ko sabay takbo. Narinig kong nagreklamo siya sa pagtawag ko sa kanyang jeje pero binalewala ko nalang yon.
Nagstay ako sa cr ng ilang minuto, nung narinig kong may nagsigawan, I assumed na tapos na yung laro.
Matapos ang ilan pang minuto ay lumabas na ako.
Laking gulat ko nang makita ko si Guanlin sa labas ng cr.
Di ko siya pinansin at nag-umpisa nang maglakad, pero napahinto ako nang magsalita siya
"Bakit ka umalis?"
Lumingon ako sa kanya, "Are you talking to me?"
"Uhm, tayong dalawa lang naman ang andito at hindi naman ako kumakausap ng pader o ng pinto kaya oo, I'm talking to you."
Napangisi ako, "After 2 years, yan lang sasabihin mo?"
"Pwede bang kalimutan nalang natin yung dati, Pat?"
"Ang dali sabihin para sa'yo niyan e'no. Palibhasa ikaw 'tong nang-iwan, at hindi ikaw yung nasaktan."
"Ano bang alam mo, Pat?"
"Alam ko? Anong alam ko? Na manloloko ka, na mang-iiwan ka."
He chuckled, "Yun lang naman nakikita mo sa'kin eh. Hayaan mo Pat, di na kita kakausapin ulit. Salamat pala sa pagpunta sa laban namin. Para sa'yo dapat yon kaso ano ba nakikita mo sa'kin? Yung puro mali ko lang naman." He sighed, "Sayang pala, nabalewala lang lahat. Sana pala di nalang ako nagtry." Sabi niya at umalis na. Naiwan akong nakatayo lang, pilit iniintindi lahat ng sinabi ni Guanlin.
"Para sa'yo dapat yon kaso ano ba nakikita mo sa'kin? Yung puro mali ko lang naman. Sayang pala, nabalewala lang lahat. Sana pala di nalang ako nagtry."
Ughh ano ba ibig sabihin no'n?!
Maya-maya lang ay bumalik na ako sa mga kaibigan ko.
"Andiyan ka na pala, lika na, punta na tayo sa victory party." Sabi ni Dana
"Victory party? Panalo sila?" I asked
"Oo, si Guanlin nagpanalo kaya deserve niya talaga maging MVP."
I stopped.
"Sayang, di mo na narinig yung victory speech niya." Dana said
"A-ano ba yung victory speech niya?" Tanong ko, nagkibit-balikat lang si dana, "Lika na, nag-aantay na sila." Sabi niya at naunang maglakad.
Dapat pala talaga di na ako umalis, ughhh
BINABASA MO ANG
❝ dummy ❞ ➳ l.gl
Short Story↝ ❝ hi you're so pretty. can you be my gf? ❞ ↜ ↭ epistolary & narration ↭ wanna one series #4 ↭ date started (04/17/18) ↭ date completed (05/19/18) highest ranking achieved: #6 in wannaone (09.28.18) #1 in laiguanlin (09.03.18)