47

832 48 21
                                    

Patricia

Pagkapasok namin ng milktea house, hindi ko inaasahang makikita ko don si Kirstien

"Hi Guanlin! Hi pat." Sabi niya sa'min

Di ko alam pero nag-init bigla ulo ko

"Oorder lang ako." Sabi ni Guanlin at iniwan ako kay Kirstien

"Hi Pat. I'm Kirstien." Sabi niya, nginitian ko lang siya pero yung peke

"I'm Guanlin's friend." Sabi pa niya

"I know." Sabi ko sabay irap ng palihim

"And I'm Hyungseob's girlfriend."

Nanlaki mata ko nang sabihin niya yan

"Hyungseob? As in Ahn Hyungseob?"

She chuckled, "Oo. Si Hyungseob."

"I thought—" sabi ko pero pinigilan ko rin sarili ko

"You thought na may gusto ako kay Guanlin? Silly. Wala. Tas yung kay Gabby? Kahit na ex niya si Gabby, at kahit panget yung past nila, concerned pa rin siya kasi nagi-guilty siya. Which is okay lang sa'kin kasi I trust him naman. Nung sa bus, galing kaming ospital no'n kasi naka-confine kapatid ni Hyungseob, eh hindi ako mahatid ni Hyungseob pauwi kasi walang kasama yung kapatid niya no'n kasi yung parents niya binayaran yung bills sa ospital. Kaya tinawagan niya si Guanlin at pinasundo ako sa ospital at pinahatid ako sa bahay. Tas yung sa gymnasium naman, akala kasi nung mga friends ko si Guanlin yung tinutukoy kong boyfriend ko. That time kasi di pa nila alam na si Hyungseob yon pero after naman nung game ay sinabi ko na sa kanila. Kaya yung kinindatan ni Guanlin no'n. It was you and not me. Sobrang close lang talaga namin ni Guanlin, before yung laban, nagpafavor siya sa'kin. Pinaupo niya ako sa likod mo para makindatan at matignan ka niya nang di halata, para akalain mo na ako yung tinitignan at kinikindatan niya."

So ayun talaga yon?

"Ayan, picture namin ni Hyungseob nung nakaraan." Sabi niya sabay pakita nung wallet niya na may picture galing sa instax. Picture nila ni Hyungseob yon. Naka-jersey pa si Hyungseob at nakaakbay kay Kirstien.

"Hala I'm sorry Kirstien." Sabi ko

"It's okay." Natatawa niyang sabi. "Sana maging masaya na kayo ni Guanlin this time. Guanlin is really trying his best for you, mahal na mahal ka talaga ni Guanlin. I can feel that. The way he looks at you, the way his eyes shine every time we're talking about you. The way he describes you, lahat Patricia, basta tungkol sa'yo, nagiging iba si Guanlin. Mararamdaman mo talaga na mahal na mahal ka niya, kaya I'm very happy nung nalaman kong you gave him another chance. I assure you naman na hindi niya sasayangin yon. He's a good guy, and so are you. Alam kong mabait ka kahit di pa tayo close. Just trust each other, 'yan ang mahalaga sa isang relationship. Tsaka bagay na bagay nga kayo eh." Sabi niya na ikinapula ng pisngi ko

"One Chocolate Milk Tea for Ten." Sabi nung staff ng milktea house.

"Sige na Pat, andiyan na yung order ko eh."

"Okay. Thank you Kirstien."

"Ten nalang."

"Okay. Ingat ka, ten."

"Thank you. If you need someone to talk to, you know who to call."

"Yes thank you." Sabi ko. Kinuha na niya yung order niya at nagpaalam na rin kay Guanlin na pabalik na dito sa pwesto namin

"Ano napag-usapan niyo?"

"Ah wala. Tungkol lang kay Hyungseob." Sabi ko

"Mahal na mahal talaga nila isa't-isa." Sabi ni Guanlin.

Tayo rin naman Guanlin, mahal na mahal natin isa't isa

"Thank you, Guanlin." Bigla kong sabi

"Ha? Para saan?"

Umiling ako, "Basta thank you."

"Okay. You're welcome." He chuckled.

Napatitig ako kay Guanlin. He deserves to know about Chai. Ayokong may nililihim sa kanya.

Because this time, we're starting over again. Ayoko na ng lokohan.

❝ dummy ❞ ➳ l.glTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon