42

918 51 3
                                    

Patricia

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Hindi ko alam pero naaalala ko nalang bigla yung mga nangyari dati.

Hanggang sa...

"I'm Linlin. How about you?"

Omg

Is he that kid?

Alam ba niya?

Bakit hindi ko man lang napansin?

Ughhh! Gulong-gulo na ako!

"Patricia?" Napabalikwas ako nang bigla kumatok si Kuya sa pinto ko. Andito pala siya sa bahay?

Tumayo ako at binuksan yunb pinto, "Musta?" He asked sabay pasok sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Alam ko na agad kung bakit andito si Kuya. He wants me to open up to him.

"Everything's fine kuya." Sabi ko sabay upo sa gilid ng kama ko.

"Weh?"

"Seryoso nga, these past few days, sobrang saya ko. I don't even know why."

"Maybe because that thing is contented." Sabi niya sabay turo sa dibdib ko kung nasan yung puso ko

"Bakit naman kuya? I'm not even inlove."

"Hindi nga ba?"

"Hindi nga, kuya."

"How about, Guanlin?"

Uh-oh

Hearing his name makes my heart beats so fast. Kahit pangalan niya lang, sobrang lakas ng epekto sa'kin. Could it be? Tama kaya si Kuya?

"Pat, there's no need to deny. I'm your brother, I won't judge you kahit yung pinaka-tangang desisyon yung gawin mo."

"Uh, maybe."

"What do you mean, maybe?"

"Hindi naman nawala yung feelings ko sa kanya, kuya. Akala ko lang nawala kasi natabunan ng galit, at pagiging bitter ko. Pinagpalit niya ako kuya eh, I made him choose. Malakas ang loob ko no'n na papiliin siya kung sino ang pipiliin niya sa'ming dalawa nung babae niya kasi akala ko ako ang pipiliin niya. But... I was wrong." Sumikip bigla yung dibdib ko nang maalala ko yung nangyari 2 years ago.

"Guanlin how could you do this to me?" I asked. Hindi siya umimik. Even yung babaeng kalandian niya.

"Bakit Guanlin? Bakit?" Tanong ko at di na napigilan ang mga rumaragasang luha.

"I'm sorry Patricia."

"Gago ka ba? Tingin mo may magagawa 'yang sorry mo?"

"Patricia, sorry. Sorry." sabi pa niya

Ngumiwi ako, "Do you really love me? O minahal mo ba talaga ako?"

"Oo Patricia. I swear."

"Then choose, ako o 'yang babaeng 'yan?" Malakas na loob kong tanong

Guanlin sighed, "Siya."

Nalaglag ang panga ko nang marinig ko ang sagot ni Guanlin, "What?"

"Siya. Pinipili ko siya."

"You're kidding me right?"

"No. I'm really choosing her over you. I'm sorry Patricia, we need to go. Thank you at mag-iingat ka lagi." Sabi niya sabay alis kasama nung babaeng yon.

"Earth to Pat!" Bumalik ako sa sarili ko nang gulatin ako ni Kuya.

"H-ha? May sinasabi ka ba kuya?"

He sighed then rolled his eyes at me, "Stop overthinking, mamaya may mangyaring masama sa'yo."

"Opo opo. Hindi na po."

"Kung ano man magiging desisyon mo, rerespetuhin ko yon. Pero sana, stop hurting yourself. You're our princess, you're my princess. Hindi mo deserve masaktan nang ganto."

"Thanks, kuya." Sabi ko sabay yakap sa kanya

"Sure thing. Magpahinga ka na ha? I'll be in my room if you need me."

"Kelan ka babalik ng dorm niyo, kuya?"

"Kababalik ko lang dito sa bahay, pinapabalik mo na ako sa dorm."

I chuckled, "Tampururot. I'm just asking!"

"Uwi ako bukas ng tanghali."

"Sama ko."

"Kasi?"

"I want to visit them." Sabi ko. Tumaas kilay ni Kuya pero kalaunan ay tumango rin.

"Matutulog na ako chai."

"Good night kuya. Thank you. I love you kahit isip bata ka."

"Good night din. I love you too kahit ubod ka ng tanga." Sabi niya sabay kindat at lumabas ng kwarto.

❝ dummy ❞ ➳ l.glTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon