PROLOUGE

29 4 0
                                    

Prolouge

"Zerah! tara na nasa gym na silang lahat."
sabi saakin ni Niña isa sa mga kaklase ko.

"Oo susunod nalang ako hindi pa kasi ako tapos---" my words hang when I notice na wala na pala si Niña na kausap ko lang naman kanina. I roam my eyes around our classroom at mapakla akong natawa, great! ako nalang pala mag isa ang naiwan dito sa loob. Ano ba kasi ang meron sa gym ngayon? at halos lahat ng estudyante dito ay nagmamadaling pumunta doon. Hindi ko alam kung ano ang ganap sa gym ngayon kaya sinabi ko nalang kay Niña na susunod nalang ako, Malay ko ba kung hindi naman pala ito importante magsasayang lang ako ng oras doon kung nagkataon.

Pinagpatuloy ko ang pagliligpit sa mga gamit ko. Maaga kasi ang dismissal namin ngayon dahil nga may event sa gym sa hindi malamang kadahilanan.
Pagkatapos kong magligpit lumabas na ako sa classroom at tinawagan si Bliss, kanina lang nandito iyon tapos bigla nalang nawala.

"Yes? Kiarah dear?" sabi ng bruha sa kabilang linya na agad namang nagpainit lalo ng ulo ko.

"HUWAG MO AKONG MA DEAR DEAR DIYAN DELA CRUZ! KANINA PA KITA HINAHANAP NASAAN KA BANG BRUHA KA? SUMASAKIT NA ANG PAA KO KAKALIBOT DITO SA SCHOOL PARA MAHANAP KA!" Naiiritang tugon ko naman dito kanina pa talaga sumasakit ang paa ko thanks to my heel shoes.

"Sorry na nandito lang naman ako sa gym, nakalimutan ko kasing tawagan ka kaya hindi na ako nakapagpaalam, Nasaan ka ba ngayon? halika na dito malapit ng mag umpisa ang event." Bliss said on the other line.

"Nasa school ground lang naman ako ngayon kakahanap saiyo napadpad ako dito." I said with full sarcasm.

"Ihh Sorry na halika na! OHHHMAAAAYGAAADDDD!!!!." nailayo ko ng wala sa oras ang phone ko sa lakas ng tili ni Bliss.

"Why the hell are you screaming?!" mas lalo akong nairita ng pinatayan niya ako ng tawag. "What the hell? She didn't even said kung saang puwesto siya nakaupo don't tell me maghahanap na naman ako sa kanya? Damn it!" sabi ko na parang nababaliw na kausap ang sarili ko.

Our school gymnasium is so big for Pete's sake! sasakit nanaman ang paa ko nito. Kahit gustong gusto kong sakalin si Bliss ngayon mas minabuti kong maglakad ng mabilis papuntang Gym at habang naglalakad ako tinawagan ko si Tyron, my boyfriend for 2 years now and still counting. Sa dalawang taon na relasyon namin walang nakakaalam nito kundi kami lang ni Tyron I don't know kung bakit gusto ni Tyron na ilihim muna, sabi naman niya para iwas problema daw baka kasi makarating pa ito sa parents namin at malagot pa kami pareho kaya okay lang rin naman saakin kasi may tiwala naman ako sa kanya.

"The subscriber is cannot be reached please try your call later." I end the call immediately ano kayang ginagawa ng lalaking iyon ngayon? well tatawagan ko nalang ulit siya mamaya kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papuntang gym.

Unhealed HeartWhere stories live. Discover now