Lakad-takbo ang ginawa ko para lang makarating sa third floor ng hospital..
Inilibot ko ang paningin ko..maya maya lang nakita ko sa di kalayuan ang nanay ko... She's standing at the front of the E.R...
Humakbang ako palapit sa kanya... Mabigat ang bawat paghakbang ko.. Ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko.. Ano bang nangyayari? Why is he here?
It took time bago ako tuluyang makalapit sa nanay ko...
She stared at me bago sha nagsalita...
"You came" kasabay nun ay ang pagbagsak ng mga luha nya...
I tried my best not to let out any emotion... Ayokong magmukhang mahina....
"Ano bang nangyayari? Bakit andito sha?"- i asked...
Bago paman nya masagot ang tanong ko ay narinig ko ang pagtunog ng kung ano mang aparato sa loob ng ER..
Pareho kaming nabaling ang tingin sa loob.. Nakita ko kung paano nagkagulo ang mga doctor sa loob...
Lalong lumakas ang pagkalabog ng dibdib ko.. Dumoble.. Trumiple... Hindi ko alam kung anong nangyayari.. Ang alam ko lang kinakabahan ako.. Natatakot ako..
"What on earth is going on?!?"
Hindi ko na mapigilan pang mapasigaw. Ano bang nangyayari kay luke ?!
She didnt answer me.. Panay lang ang pag iyak nya..
Ibinalik ko ang tingin ko sa loob ng ER... Halos mAnlumo ako ng makita ko ang pa ulit2 na pagrevive ng mga doctor kay luke...
Oh God! I really dont know what's going on pero sana... Sana iligtas mo sha..
A single tear fell from my eye pero agad ko rin itong pinunasan ...
Nakatutok lNg ang mga mata ko sa mga pangyayari sa loob ng ER.. Nagkakagulo silang lahat sa loob... Hindi parin tumitigil sa pagtunog ang aparAtong nakakabit sa katawan ni Luke...
Kinakabahan ako... Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari...
***tooooooooooooooooooooooooooooooottttt***
/\/\/\//\/\______________
Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas ng makita ang pagbagsak ng linya...
No ,this is not happening!
Maya maya lang sunod sunod na nagsilabasan ang mga doctor at nurses...
"I'm sorry... Ginawa namin lahat ng makakaya namin pero talagang hindi na kinaya ng pashente... Mashado ng malala ang pamamaga sa utak nya dahilan para magkaroon ng komplikasyon ang iba pang parte ng katawan nya lalong lalo na ang puso nya.. he had a cardiac arrest Kaya mas lalo kaming nahirapan na iligtas sha..i'm sorry" nakayukong sabi ng doctor saka ito umalis sa harapan namin...
Narinig ko ang sunod sunod na paghikbi ng nanay ko...
Pakiramdam koy tinakasan ako ng lakas ko...nanatili akong tulala.. Hindi mag sink in sa akin ang sinabi ng doctor... Anong pamamaga sa utak?!?what on earth is going on!
Naupo ako dahil naramdaman ko ang unti unting pagbigay ng mga tuhod ko..ang bigat..ang bigat bigat ng pakiramdam ko..
Tumabi sa akin ang nanay ko at unti unting hinagod ang likod ko...
Pinipigilan ko abg pagbagsak ng mga luha sa mata ko... Frustration... Frustration is eating me...
I looked at her..
"A-anong nangyayari? B-bakit.. Bakit-"
"H-he had a brain tumor... Nalaman nya ang tungkol sa kondisyon nya 1 year ago...."
Brain tumor? May brain tumor si Luke?? Paanong...
Ramdam ko ang bigat ng mata ko... Sinubukan kong pigilan ulit pero traydor ang mga mata ko....
My tears fell.... Sa kauna unahang pagkakataon.. Matapos ang higit isang taon... Hinayaan ko ulit ang sarili kong magmukhang mahina sa harapan nya...
"Nung malaman nya na may sakit sha... Anak sobrang natakot sha.." Pagpapatuloy nya.. I stayed silent habang patuloy na naglalandas sa pisngi ko ang mga luha ko...
"Natakot sha hindi para sa sarili nya kundi para sayo... Natakot shang iwanan ka... Natakot sha na baka sobrang masaktan ka sakaling mawala sha...."
Her tears started falling again..
"Aksidente kong nalaman ang tungkol sa sakit nya ng minsang makita ko sha dto sa loob ng hospital..kinompirma ko mula sa kanya ang simabi ng doctor sa akin dahil narin sa hindi ako makapaniwalang may sakit sha.. I asked him to tell me the truth at sinabi nga nya sa akin ang lahat..."
Mas lalong bumilis ang pagpatak ng mga luha ko... Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak...
"Tinanong ko sha nun kung sinabi na ba nya sayo... Pero ang sabi nya sa akin natatakot sha... He begged me not to tell anything to you... Sumang ayon ako sa gusto nya dahil narin sa nangako shang sha mismo ang magsasabi sayo.. Anak kahit kailan hindi kami nagkaroon ng anumang relasyon ni Luke.. Parang anak ko narin ang batang yun at hinding hindi ko magagawang traydurin ka.. Sobrang mahal ka ni Luke anak.. Nung mga panahong nakipaghiwalay sha sayo? Yun yung panahong ilang bwan shang nakaratay sa ospital...nung malaman nya ang lahat ng ginawa mo sa sarili mo,pinagsisihan nya ang pakikipaghiwalay nya sayo.. Sinisi nya ang sarili nya sa mga nangyaring pagbabago sayo.... Kaya kahit sinabi ng doctor na hindi sha pwedenv lumabas ng ospital,lumabas parin sha.. Ang paulit ulit na pagpunta nya sa bahay? Lahat ng yun ay para makita ka... Paulit ulit shang bumalik sa bahay natin para kahit papano makasama ka parin nya... Sinabi ko sa kanya nun na dapat mo ng malaman ang totoo perp ayaw nya... Mas gugustuhin daw nya na galit at kinasusuklaman mo sha kesa makita kang umiiyak dahil sa pagkawala nya ... Kinimkim nya lahat anak... Kinimkim nga lahat kahit sobrang nasasaktan na sha.. Paulit ulit nyang nilabanan angsakit nya para sayo.. Para sa mga pangarap nyo..... Pero hindi nya na kinaya... B-bumigay na ang katawan nya..."
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.. Tuloy2 sa pag agos ang luha ko... All thia time... All this time inakala ko na niloko nya ako... All this time akala ko tinraydor nila ako... Bakit Luke? Bakit kailangan mong lumaban mag isa???.
Ibang klaseng kirot ang naramdaman ko sa puso ko... Hindi mag sink in sa utak ko lahag ng sinabi ng nanay ko... Ang tanging malinaw lang sa akin ... Wala na si Luke... Wala na sha....
BINABASA MO ANG
She's a Mafia Boss (COMPLETED)
ActionPano kung minsan ng binago ng salitang tiwala ang buong pagkatao mo? Makayanan mo pa kayang magtiwala muli? Makayanan mo pa kayang magmahal muli sa pangalawang pagkakataon?