chapter 17

958 23 0
                                    

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko...nanlalabo ang paningin ko...kumurap kurap ako pero marahan akong napapikit ng diretsong tumama sa mga mata ko ang nakakasilaw na bagay..
Pinakiramdaman ko ang katawan ko...
Maya maya lang iminulat ko ulit ang mata ko at ilang minuto akong napatitig sa puting kisame..
Halos maduling ako ng may mukhang biglang tumapat sa mukha ko.
Napakunot ang noo ko ng mapagtanto kung sino ang taong to.
"Pula!gising ka na!"-raikko
Sigaw nya. Kahit kailan nakakabwisit talaga ang lalaking to!
" asan ako?"- i asked
He rolled his eyes.
"Nasa ospital malamang.Akala ko ba braso ang tinamaan sayo? Bat bulag ka na ata?"- raikko
Magsasalita pa sana ako at mumurahin ng todo ang lalaking 'to ng biglang pumalibot sa akin sina fourth,kai, mommy.. At ang kakambal kong si khian..
" you're awake"
Nakangiting sabi ni fourth.
Napangiti nalang rin ako habang pinagmamasdan sila....
Bakas na bakas sa mukha nilang lahat ang pag aalala..
"Mabuti naman at gising ka na anak.. Sobra ang pag aalala naming lahat sayo"-mommy
Nginitian ko lang si mommy para ipaalam sa kanya na okay ako at  wala shang dapat ipag alala.
" i told you not to get hurt,fhi. Tssk. Dapat talaga sumama na ako sa inyo." Panenermon ni Kai
I rolled my eyes.
"Kung sumama ka eh di kargo pa kita. Dalawa sana tayong nakaratay ngayon.Baka nakakalimutan mong takot ka sa dugo Kai." I answered
Napakamot sha ng ulo.
Dumako ang tingin ko sa kakambal ko.
Seryoso lang shang nakatingin sa akin...
Nakaramdam ako ng matinding guilt ng maalala ang huling pag-uusap namin..
"Pwede ba kitang makausap.... Kuya?"
Tanong ko habang seryosong nakatitig sa kanya...
Batid ko namang marunong makiramdam sila fourth dahil maya maya lang isa isa na silang nagsilabasan...
Magsasalita na sana ako ng mapansin ang siraulong raikko na kumakain ng saging sa may mesa.
Tinaasan ko sha ng kilay. Pesteng lalaking to! Hindi ba sha marunong makiramdam ??
"What?? Makatitig naman 'to! Saging lang naman to ipagdadamot mo pa??" Nakapout na sabi nya
Igagalaw ko na sana ang braso ko para batuhin sha ng kung ano mang mahawakan ko pero naalala kong may tama nga pala ako. Ugh!
"Get out!"-i shouted
" bakit ba? Kumakain pa ako!"- sigaw rin nya
Napapikit ako sa inis...
"Labas ka muna Rai. Mag uusap kami." Kalmadong sabi ni Khi.
Magrereklamo pa sana si raikko pero binigyan ko sha ng nagbabantang tingin.
"Oo na. Lalabas na! Kainis ka!"-raikko
Tumayo sha at naglakad patungo sa pintuan pero kumunot ulit ang noo ko ng maglakad sha pabalik
" get out! Ano ba!"-red
He rolled his eyes.
"Nakalimutan ko 'to! Damot mo!" Sabay kuha ng saging at pabalibag na isinara ang pintuan.
Napailing nalang ako..
Bakit ba napakaabnormal ng lalaking yun?!?
"binibigyan ka ba ng sakit ng ulo si Raikko?"
Nabaling ang tingin ko sa kakambal ko..
"Sobra" sagot ko.
He pulled the chair at naupo dun.
Bahagya shang natawa.
"May pagka makulit lang talaga yun pero mapagkakatiwalaan naman sha. Habaan mo nalang ang pasensha mo"-Khian
"Ano pa nga ba. Tss. Bakit ba kasi sha pa ang napili mong maging bantay ko?? Kung tutuusin ,hindi ko naman talaga kailangan ng bantay. Kaya ko ang sarili ko" pagrereklamo ko
"Kasi sa kanya ako pinaka may tiwala. Bago pa sha sa grupo pero natitiyak kong mapagkakatiwalaan talaga sha. Cguro nga ang tingin mo sa kanya ay magulong taong hindi marunong magseryoso at puro kalokohan lang ang alam, but princess, raikko is the only person na kaya kong ipagkatiwala ang safety mo." Pagpapaliwanag pa nya
Napabuntong hininga nalang ako.
"So I guess i really need to deal with that man"-fhia
Tumango tango sha.
I stared at him for a minute bago ako nagsalita ulit...
" a-about what happened last time. I'm sorry. Sorry kung tinutukan kita ng baril... I was still mad at you that time kaya ayokong makita ka nung panahong yun" i said
He smiled at me at pinisil ang kamay ko.
"It's okay princess. Naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa yun. And besides, kasalanan ko rin naman"-khian
" No,kuya. Kasalanan ko. Dapat hindi ko hinayaan ang sarili kong lamunin ng galit. Naging makasarili ako. Tinulak kita palayo at pinagsisisihan ko ang bagay na yun." Tears started to fell from my eyes
Pinunasan nya ang mga luha ko at tinapik tapik ang ulo ko....
"It's all in the past Fhi. Palayaan na natin ang mga sarili natin sa nakaraan. Yung mga bagay na pinagsisihan natin, pwedeng pwede pa naman natin baguhin yun. Pwedeng pwede tayong magsimula ulit."-khian
Bumagsak ulit ang luha ko.
Bakit ang bait ng kapatid ko?
" thanks kuya. Thank you dahil kahit itinulak kita palayo, andito ka parin ngayon... Maraming salamat"
Ginulo nya ang buhok ko at ngumiti.
"So, okay na tayo? Di ka na galit?"-khian
Umiling ako at ngumiti.
"Hindi na"-fhia
***Tok Tok Tok***
Pareho kaming napatingin ni kuya sa pintuan.
Sumilip mula roon si Fourth...
" Did I interrupt you?" He asked
Umiling ako at sinenyasan shang pumasok.
Naglakad sha papasok..
"Pasensha na kung naputol ko ang pag-uusap nyo but red i think you really need to see this." He said while waving his phone.
Kumunot ang noo ko.
"What's that?" I asked.
Ng makalapit na sha sa akin ay itinapat nya ang cellphone nya sa mukha ko.
"Naalala mo pa ba ang markang to?" Tanong nya
Seryoso akong napatitig sa cellphone nya.
Ang markang ito ay may dalawang mukha. Nakaharap sa kanan at ang isa namay nakaharap sa kaliwa. Sa gitna ng dalawang mukha ay may nakaguhit na baril...
(A/N: paki imagine nalang hahaha. Basta yun na yun)
Pati si kuya ay napatingin na rin sa screen ng cellphone nya..
"This is the mark of silent shot ,right?" -khian
Tumango si fourth..
Tama. Yun nga ang marka ng silent shot. Pano ko nga ba makakalimutan ang marka ng grupong kalaban ng grupo namin?
"Bakit pinapakita mo sa akin yan? Anong meron?" Tanong ko
"Kaparehong kapareho ng markang to ang markang nakita ko sa leeg nung mga lalaking sumalakay sa atin kagabi. Malakas ang kutob ko na myembro ng silent shot ang nakasagupa natin,red."-fourth
Napapikit ako sa inis. Kumikilos na sila. Ibig sabihin sila ang nagpapadala ng kung ano anong pagbabanta sa akin?!?
" akala ko ba napatay mo na ang leader nila ,Fhi? Bakit malakas pa rin ang loob nilang kalabanin ang grupo mo?"- khian
"I did some research. Napatay nga ni red ang leader pero hindi ang kanang kamay ni Danzel."-fourth
Napamulat ang mga mata ko at tiningnan si fourth.
" sino ang kanang kamay ni Danzel?!?"-red
Anger is eating me. Ibig sabihin, ang kanang kamay ng Danzel na yun ang may pakana ng lahat?!?
"Sinubukan kong alamin kung sino pero masyadong misteryoso ang taong yun ,red. Walang article tungkol sa kanya. Wala ring nakakaalam kung sino sha."-fourth
" Fuck! Bakit wala?!? Gawin mo lahat para malaman kung sino man sha! I'll definitely kill that bastard oras na malaman ko kung sino sha!" I shouted . Hindi ko na mapigilan ang inis ko. Nanginginig ako sa galit.
"Keep it cool ,fhi. Kami na ang bahala. Tutulong ang grupo ko para malaman kung sino ang kasalukuyang namumuno sa sileng shot"-pagpapakalma ni kuya sa akin.
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Napatingin ulit ako kay fourth.
" What about the woman? Anong nangyari sa kanya? Asan sha?" Sunod sunod na tanong ko ng maalala ang babaeng hipon kagabi.
"She was about to shoot you nung dumating kami ni raikko kagabi. Pero bago ka paman nya mabaril ay naunahan na sha ni raikko."-fourth
" namatay ba sha?"-i asked
Tumango si fourth.
"Anong nangyari sa mga kasamahan natin?"-red.

" may halos sampu sa mga kasamahan natin ang namatay. May iilang sugatan rin at kasalukuyang nagpapagaling ngayon. Nakatakas nman yung ibang sumalakay sa atin. Tingin ko balak nilang itakas ang babaeng nakaharap mo nung gabing yun"-fourth
Mas lalong nag init ang ulo ko sa narinig ko. Ito ba ang larong gusto nila? Pwes pagbibigyan ko sila.
"Magbabayad sila ng malaki sa ginawa nila. Mahal ako maningil kaya sisiguraduhin kong magsisisi sila"

*Kai's POV
"Ano ba! Mamaya na nga sabi eh!" I shouted.
Naiimbyerna na talaga ako sa lalaking 'to! Kanina pa kasi nya ako pinipilit na gisingin si Fhia. Panay naman ang tanggi ko kasi kailangan nga ni Fhia makapagpahinga kaya lang mashadong makulit ang lalaking to. Sa sobrang kakulitan nya ang sarap na nyang sapakin!
"Bakit mamaya pa?? Pano kung matuluyan yang pulang yan at di na magising?? Mahal pagpapalibing ngayon gago!" Pagrereklamo nya. Letse! Bakit ang oa nya?!?
"Baka gusto mong ikaw ang unang ilibing ko?? Nagpapahinga lang si Fhia tangna kung ano ano iniisip mo!"-kai
"Eh pano nga kung ganun,dba? Pano kung d na gumising yan?ha? Ano? Ikaw magpapalibing??"-Raikko
-pak!
" aray ! Ano ba! Suntukan nalang oh? Ano? Ano?"-raikko
Di na ako nakapagtimpi. Binatukan ko na. Nakakabwisit ang isang 'to! Bat ba kasi hindi pa 'to sinama ni fourth? Bat naiwan to dto? Nakakainisi!
"Bago paman ako mamatay, uunahin kitang patayin Raikko! Peste ,bakit ba ang ingay ingay mo?!?"
Pareho kaming napalingon kay Fhia ng sumigaw sha. Gising na pala sha... Or more like, nagising ata sha sa ingay namin. Tss.
-Red's POV
Halos sumabog ang utak ko sa inis habang pinapakinggan ang pagtatalo nina Kai at Raikko.
Kelan ba matatahimik ang buhay ko???kahit pa yata paglamayan na ako ,hinding hindi pa rin nila ako patatahimikin!
"Bat naninigaw ka? Concerned lang naman ako sayo" nakapout na sabi ni raikko.
Ugh. This man!
"Kelan mo ba balak patahimikin ang buhay kong gago ka?? Natutulog lang ako ,okay? Bat ang oa mo?!"-sigaw ko
"Ewan ko nga rin sa lalaking yan,Fhi. Kanina pa nya ako kinukulit na gisingin ka"-kai
" isa ka pa! Pinapatulan mo kasi kaya hindi tumatahimik!"-red
"Hala sha! Eh anong gusto mo? Hindi ko kibuin yang asungot na yan? Eh di mas lalong umingay yan"-kai.
Sabagay. May point nga rin naman sha. Knowing Rai? Talagang mas lalo nga shang mag iingay kapag di pinansin.
I closed my eyes para pakalmahin ang sarili ko.
Magkakahighblood ata ako dahil sa dalawang 'to.
" asan nga pala si fourth?" Tanong ko ng mapansing wala si fourth
"Wala na. Nagpakamatay. Nasagasaan. Nadaganan ng elepante!"-raikko
What the?
" baliw ka ba?? Nagtatanong ako ng maayos kaya sumagot ka ng maayos!"-red
"He's out for about an hour. Di nya naman sinabi kung san sha pupunta. Ang sabi nya babalik rin naman daw sha agad."-kai
Kumunot ang noo ko. San naman magpupunta yun?
" puro ka nalang fourth! Nakakasakit ka na ng feelings!"-raikko
Talaga nga naman! Umaandar na naman ang pagiging abnormal nya.
Hindi ko nalang sha pinansin at ipinikit muli ang mata ko. Nakakapagod makipagtalo lalo na kung ang lalaking un ang kasagutan mo.
"Nga pala ,pula.."-raikko
I opened my eyes and looked at him..
" what?"-red
Napakamot sha ng ulo..
"G-gusto mo ng i-ice c-cream?"- he asked
Ice cream. Great. Nag crave ako bigla.
" Bakit mo natanong?"-red
"Ano kasi, uhm pakiramdam ko kasi ano parang gusto ko atang kumain ng ice cream ngayon? Baka gusto mo rin kasi, bibilhan nalang rin kita kasi shempre alam ko namang wala kang dalang pera ngayon hehe"-raikko
Tumango tango ako.
" chocolate ice cream" i said.
Ngumiti naman sha.
"Masusunod misis ko" -raikko
"Fuck you!"-red
" mamaya na pag kasal na tayo! Hahaha" sabay karipas ng takbo palabas. Haayss.
"Siraulo"-red
" fhi"
Nabaling ang tingin ko kay kai.
Lumapit sha sa akin at naupo sa upuan katabi ng hospital bed.
"I'm glad you're fine.."
He said while gently pressing my right hand.
I smiled at him.
"Sorry kung pinag alala kita" i said.
Kilala ko kasi si Kai. Mapahamak na lahat, wag lang ang mga taong malapit sa kanya. Sha kasi ung klase ng taong sobra kung magpahalaga.
"Please be careful next time Fhi. Hindi ko alam ang gagawin ko sakaling may mangyaring masama sayo."
His eyes really looked sad.
"I will, kai. I will."-fhia
"Palagi mo nalang sinasabi yan pero pinapahamak mo parin naman ang sarili mo"-kai
Natawa ako.
" parte na ng pagkatao ko ang panganib ,kai. Hindi ko pwedeng takbuhan ang panganib kasi patuloy lang rin naman akong hahabulin nito. Mas maigi na harapin ko nalang ito"-fhia
Kumunot ang noo nya. Hahha ang cute ng bestfriend ko! :D
"Hoy alfhia kriss, baka akala mo ikaw si wonder woman??"-kai
" gago. Bakit? Sinabi ko ba? Hahaha" Natatawang sabi ko.
"Wag mo akong tinatawanang babae ka. Seryoso ako. Tss"-kai
" oo na. Oo na."-fhia
Ipinikit ko ang mga mata ko. Inaantok na naman ata ako.
"Fhia"-kai
"Hmm?" I asked without opening my eyes. Inaantok kasi talaga ako.
Inantay kong magsalita ulit sha pero nanatiling tahimik si Kai kaya hindi ko nalang rin pinansin.
"...m..al...k..ta.."-kai
I opened my eyes. Ano raw ? Hindi ko  kasi masyadong narinig ang sinabi nya
" anong sabi mo?" I asked while staring at him.
Nakita ko namang nabigla sha at biglang ginulo ang buhok ko.
"W-wala! S-sabi ko matulog k-ka muna! M-may t-tatawagan lang ako!" At biglang naglakad na sha palabas.
Okay. What was that?
Nagkibit balikat nalang ako at ipinikit ulit ang mga mata ko.

She's a Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon