chapter 22-Last Chapter

2.6K 49 10
                                    

Author's note: unang una, gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa akin, and sa story na to❤ thank you po sa lahat ng magagandang feedbacks about the story. Thank you for being with me until this chapter. Alam ko hindi  naman kagandahan ang storyang gawa ko pero maraming salamat pa rin kasi pinaglaanan nyo ng oras at binasa nyo ito. My heartfelt thanks doon sa mga readers ko na minahal ang characters ng story mo. Sobrang thank you po :) I am now closing 'She's a mafia Boss'. This is Mary Joy Manto, your author, saying 'Thank You' for reading and I would be even more grateful if you gie some feedbacks. Sana magustuhan nyo ang pagtatapos ❤
F I N A L E
Pakiramdam ko nanghina ang tuhod ko ng marining ang sinabi ng doctor..
Pakiramdam ko babagsak na ako pero agad akong inalalayan ni Fourth.
"W-what do you mean?"-red
" we did our best..... Pero hindi kinaya ng pasyente. I'm so sorry" sagot ng doctor
I grabbed his collar na ikinagulat nya
"Nagbibiro ka lang dba?!? Diba?!!??"
Sigaw ko sa kanya habang bumubuhos ang luha ko
Sinubukan akong awatin ni fourth pero itinulak ko lang sha palayo
"Utang na loob! Wag mo akong biruin ng ganito!  " -red
"I'm sorry"-doctor
I finally broke down... Bumagsak ako sa sahig at pinagmasdang maglakad palayo ang doctor...
" you.... Should've saved...him"
Pakiramdam ko winawasak ang puso ko sa sakit...
Bakit kailangang mawala sa akin ang mga taong importante sa buhay ko??
Inalalayan ako ni fourth na tumayo..
Dahan dahan akong naglakad papasok sa emergency room..
Pabigat ng pabigat ang bawat hakbang ko palapit sa kanya....
Bawat hakbang ko ramdam ko ang pagkabasag ng puso ko..
"Rai...kko....please....please bumangon ka jan...g-gumising ka .. Please"
Bumabagsak ang mga luha ko.. He died in my arms...
I held his hand at paulit ulit itong hinalikan..
"Sabi mo papakasalan mo ako.... S-sabi mo m-mahal mo ako?? Bat mo ako iniwan?? Bat bumitaw ka???"
Tuluyan na akong napahagulgol...
"Bakit kailangan mong gawin yun?! Why do you have to take the bullet for me?!? Bakit raikko??? Bakit??"
Kung panaginip lang ang lahat ng ito... Utang na loob gisingin nyo na ako! Ayoko sa panaginip na to! Ang sakit! Sobrang sakit...
"Ang daya mo naman eh... Mahal mo ba talaga ako?!? Kasi kung oo dapat hindi mo ako iniwan! Dapat lumaban ka.... Please raikko gumising ka naman oh? Andami pa nating dapat gawin eh... Hindi ko pa nasasabi sayo ng maayos kung gaano kita kamahal... Hindi ko pa nasabi sayo kung gaano ako kasaya na makilala ka... Hindi ko pa nasabi sayo na sobrang nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko.. Kaya gumising ka na... Raikko bumalik ka na sa akin... Hindi ko kakayanin na wala ka"
Pinipilit kong pigilan ang pagbagsak ng luha ko pero  sobrang hirap... Sobrang sakit.. 
Tinitigan kong maigi si raikko.. Ang lalakeng mahal ko..
"Life is really unfair... B-binigay ka nya sa akin..... Pero binawi ka lang rin nya agad..."
Tumawa ako ng mapakla..
"Raikko.. Mahal na mahal kita... Naririnig mo ba ako? Mahal...na mahal.... Na mahal ...kita"
I hugged him tight.. Basang basa na ng luha ko ang aking mukha....
FOURTH's pov
I stared at her... Awang awa ako kay Red... She looked really lost.. Gustong gusto ko shang lapitan at yakapin pero sa tingin koy mas gusto nya munang mapag isa..
Pati ako gulat na gulat sa mga nangyari.. I still cant believe na wala na ang kaibigan kong si Kai... At si Raikko..
Naramdaman ko ang biglang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko..
Agad ko itong pinunasan...
Nasasaktan ako sa mga pangyayari at alam kong mas nasasaktan ngayon si red.
Lumabas sha ng ER... Tinitigan ko sha..
Sobrang mugto ng mga mata nya ..
"A-asan... Si kai?"-she asked at pumatak na naman ang luha nya
Sinamahan ko sha papunta sa morgue ng hospital...
She started crying again ng makita ang walang buhay na katawan ni Kai... Ng bestfriend nya...
" tangna mo Kai! Sabi mo dba walang iwanan?!?"
Humagulgol sha...
Ang sakit makitang ganito sha..
"Kasalanan ko lahat... Kasalanan ko lahat"
Tuloy parin sha sa pag iyak..
"Red ,tama na"
I hugged her para pakalmahin sha..
"Iniiwan nyo akong lahat! Bakit?!? Bakit?!!"
"Sshhh. Tahan na..magiging okay rin ang lahat"
"Pano fourth?? Pano??"
Nagtatanong ang mga mata nya..
Nag iwas ako ng tingin dahil wala akong maisagot sa tanong nya..
"Kasalanan ko lahat"
Napatitig ako sa kanya..
"No red...walang may gusto nung nangyari.."
Umiling iling sha at nagsipatakan ulit ang luha nya.
"K-kasalanan ko"
She cried all night at wala man lang akong magawa para pagaanin ang pakiramdam nya..
-Fastforward-
Red's pov
It's Kai and Raikko's burial... Pero wala akong balak pumunta dun..
Simula nung namatay sila, wala na akong ibang ginawa kundi umiyak araw araw at gabi gabi..
Sobrang sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa kanilang dalawa.. Kasalanan ko kung bakit  sila namatay. Kasalanan ko kung bakit nawala sila..
Ang dalawa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko... Iniwan na ako..
Minsan naiisip ko nalang ring tapusin ang buhay ko..naiisip kong tapusin na ang sakit at paghihirap ko..
Sobrang sakit isipin na wala ng Kai sa buhay ko... Wala ng kaizer na bestfriend ko.. Wala ng kaizer na handa akong damayan sa lahat ng problema ko... Wala ng kaizer na sesermonan ako sa mga maling desisyon ko...
Wala na... Wala na ang kaizer na tinuring ko ng kapatid...wala na ang bestfriend ko... At kasalanan ko.
Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko sa sakit..
Wala na rin ang makulit na raikko na bumubwisit sa akin... Wala na ang raikko na minahal ko. Ang raikko na bumuo ulit ng pagkatao ko. I miss him. I miss him so bad na parang gusto ko nalang sumunod sa kanya.
Pumatak ulit ang luha mula sa mga mata ko.
"Anak?"
Napatingin ako sa pintuan at nakitang nakatayo doon si mommy..
Ilang araw na rin akong nagkukulong sa kwarto ko.. Hindi nila ako makausap ng matino dahil puro  lang rin naman iyak ang ginagawa ko.
"Anak... Hindi ka ba pupunta sa libing? Hindi mo man lang ba sila ihahatid sa huling hantungan nila?"
Naupo si mommy sa tabi ko..
Nag unahan sa pagbagsak ang luha ko..
"H-hindi ko kaya m-mom... Hindi ko k-kaya"
Napahagulgol ako.. Agad naman akong niyakap ni mommy..
"Mom.. Ang sakit... Ang sakit sakit" iyak ko habang sinusuntok suntok ang bandang dibdib ko.
"Sshh. Alfhia,anak  ..tama na.. Wag mong saktan ang sarili mo"
Tears fell from her eyes. Umiiyak na rin si mommy..
"Kakayanin mong lagpasan to anak... Alam kong matapang ka kaya kakayanin mo to"
Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni mommy..
Kaya ko ba?? Kaya ko ba talaga ang sakit na nararamdaman ko ngayon??
Yumakap ako ng mahigpit kay mommy at iniyak ko lahat ng sakit na dinadala ng puso ko...
-fastforward-
3 years after.
Tatlong taon na...
Tatlong taon na pero sariwa pa rin sa ala ala ko ang lahat ng nangyari..
Sariwa pa rin ang sakit na iniwan ng pagkamatay nila raikko at kai...
Nanubig bigla ang mata ko..
"You're crying again"
Napabaling ang tingin ko sa pintuan ng condo ko.
Nakita ko si fourth na nakatayo dun at may dala dala na namang pagkain kagaya ng palagi nyang ginagawa..
Nginitian ko sha
"Napuwing lang"-red
Naglakad sha palapit sa akin at naupo sa tabi ko.
" napuwing raw. Sus. Sinong niloko mo?"-fourth
Napaiwas ako ng tingin.
"Kita mo na? Tssk. Iniiyakan mo kasi yung bagay na hindi naman tuluyang nawala sayo"-fourth
Napabuntong hininga ako.
Tama sha .. Hindi naman tuluyang nawala si raikko sa akin...pati na rin si kai...
I still have my memories with them.. Mga masasayang ala ala ko kasama sila..
" ayan na naman tayo eh" nabigla ako ng bigla nyang pinunasan ang mukha ko
Nakakatawa lang na hindi ko man lang napansing umiiyak na pala ako
"I miss them...i miss him"-red
" sha parin ba?"-fourth
Tumango ako at huminga ng malalim..
"Hindi ko ba talaga sha kayang palitan jan sa puso mo?"-fourth
I rolled my eyes.
" sige pa fourth. Baka nakakalimutan mong may number ako ng girlfriend mo"-red
Tuamawa naman sha
"Biro lang naman haha. Kumain ka na nga! May pupuntahan tayo"-sabay kindat nya pa sa akin
" ayoko. Bahala ka! Iseset-up mo na naman ako sa blind date gago!"-re
Tumawa ulit sha
"Hahaha sort of? Eh kasi naman Red, lumabas labas ka naman. Puro ka nalang opisina-condo-opisina-condo. Tss. Tao ka pa ba??" Sermon nya.
Natawa nalang ako sa kanya. Nakikita ko kasi sa kanya si Kai. Simula kasi nung nawala si Kai at raikko. Si fourth ang naging karamay ko maliban kina mommy at khian.
He was there nung mga panahong lugmok na lugmok ako..
Sha ang gumawa ng paraan para maging okay ako..
I could really see his love and sincerity on me back then at sobra akong naguilty dahil dun..
I tried so hard.... Actually ,naging kami ni fourth.. Sinubukan kong turuan ang puso ko at kumbinsihin ang sarili ko na kalimutan na si raikko at sha ang mahalin ko... Pero hindi eh... Masyadong matigas ang ulo ko...
Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko. Kamahal mahal naman si fourth.. He is every girl's dream kaya nabubwisit ako sa puso ko kasi ayaw nya akong sundin.
Naaalala ko pa kung paano sha umiyak nung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya... I told him na hindi ko parin nakakalimutan si raikko... At pakiramdam ko hindi ko sha kayang palitan sa puso ko..
Akala ko nun hindi na nya ako papansinin o kakausapin pa... But I was wrong....tinanggap nya ang naging desisyon ko.. He told me na kahit hindi nya kayang palitan si raikko sa puso ko, mananatili parin sha sa tabi ko para tuparin ang pangako nya na poproktektahan nya ako kahit anong mangyari..
The other year, sabay naming iniwan ang gang... Ang gang na sinalihan ko na shang pinagmulan ng lahat ng pagbabago sa buhay ko...
I focused on Khian's company. Naging abala ako sa pagpapatakbo sa kompanya nya...samantalang si fourth naman, isa sha sa mga stakeholders ng kompanya ni kuya kaya magkatulong kami sa pamamahala dun..
I was so happy ng ibalita sa akin ni fourth ang tungkol sa girlfriend nya... He's so proud nung ikwento nya sa akin ang tungkol sa babaeng yun and i must say, sobrang swerte nung babaeng yun kay Fourth kasi alam ko kung paano magmahal ang gagong to. Pero kaakibat ng pagkakaroon nya ng girlfriend,  padalas na rin ng padalas ang pag set uo nya sa akin sa blind dates! Pinipilit nya akong mag boyfriend para daw mabuhay ulit ako. Kinukulit nya ako palagi tungkol dun sa mga kaibigan daw nyang mga mayayaman na gwapo. Pesteng lalaking to :3 dahil wala rin naman akong magawa kasi nga kinukulit nya ako, sinusunod ko nalang rin yung gusto nya. Pero binabasted ko rin naman agad yung mga nagtatangkang manligaw sa akin.
Alam ko nga kasi sa sarili ko na SYA lang ang may kayang patibokin ang puso ko.
"Earth to red??"
Nabalik ang atensyon ko kay fourth.
Tinaasan ko sha ng kilay.
"I'm not going fourth,kaya tigilan mo ako"
Tumayo ako at naglakad papuntang kitchen bitbit ang pagkaing dala nya
"Red namannnnn. Last na to promise! Gusto ko lang naman ma-"
"Gusto mo lang naman maging tao ako ulit at sumaya? Aish . fourth, masaya ako. Masaya at kontento ako sa buhay ko" putol ko sa kanya
Napakamot sha ng ulo
"Please? Pagbigyan mo naman ako" nakasimangot na sabi nya
"A.YO.KO! Pinagbigyan na kita dati fourth kaya tigilan mo ako bago ako mabwisit sayo"-red
" last na talaga to. Kung ayaw mo parin dun sa sinet-up ko sayo, promise d na talaga kita iseset-up ulit. Hahayaan na kitang tumandang dalaga"-fourth
-pak!
"Aray naman! Bat ka ba nananapak?? Susumbong kita kay Chelsea!"-fourth
" di magsumbong ka!tss. Sinong tinakot mo??"-red
"Cge na kasiiii"-fourth
" bat ba ang kulit mo?! Yan napapa mo kakagirlfriend mo eh!"-red
"Last na talaga to promise"-fourth
Tinitigan ko sha.
Tss. Mukhang mapapasubo na naman ata ako :3
" last nato. Wag na wag mo na akong iseset up ulit mapapatay na talaga kita!"-red
Ngumisi sha ng malapad
"Promise." Nakangising sabi nya
Bat ba nagiging abnormal ang mga tao kapag nagmamahal??
"I'll pick you up at 5 pm. Dating gawi, ihahatid kita sa meeting place nyo ng date mo"
Pakindat kindat na sabi nya at tumakbo na palabas ng condo ko .
Bakit ba napakabaliw nya??
"And by the way, dress like a human red! See yah!"
Kumunot ang noo ko sa pahabol na sinabi nya.
So di ako mukhang tao ganun??? Peste!
-5 pm-
"Anooo baaa! Umoo kana kanina eh!"-si fourth habang hinihila ako mula sa kama ko
" aish! Ayoko nga kaseee! Ikaw nalang makipag date! Leche!"-red
"Red naman eeee!" Hinila nya ulit ang paa ko pero nagpumiglas ulit ako
Paulit ulit lang kami sa eksenang yun hanggang sa sumuko na ako dahil hindi nya talaga tinitigilan kakahila ang paa ko..
"Wear this"- he said while showing me a cute white dress na above the knee
Umiling iling ako at naglabas ng outfit na pambakbakan.
" ito ang isusuot ko" sagot ko
Ibinalik nya ulit sa closet ko ang damit na kinuha ko at inihagis sa mukha ko ang dress na hawak nya kanina
"wear this sa ayaw at sa gusto mo"
Sabay tulak sa akin papasok ng banyo.
Ugh! I'm really gonna kill this man!
Wala na akong nagawa kundi isuot ang damit na napili nya.
"Happy?" I said as i walked out ..
"Super hahaha. Let's go"-fourth
Agad nya akong tinulak papasok ng kotse.
Peste! Excited talga shang magkalovelife ako eh no?
He started the engine.
Ngumisi sha sa akin but i just rolled my eyes.
" drive"
Pinaandar nya na ang kotse.. Almost an hour ang naging byahe namin..
Maya maya lang huminto kami sa isang mamahaling resort..
Hmm. Mukhang Mayaman na namang  ang ka date ko. Anyways, wala akong pake.
Bumaba ako sa kotse..
"Go inside. I'll wait for you here" he said while smiling at me.
Padabog akong naglakad papasok sa resort...
I need to end this date quickly para talagang tigilan na ako ni fourth sa kabaliwan nya. Tss.
"Ms.Afhia Kriss Mejares?"
Napatingin ako sa babaeng sumalubong sa akin. Waitress ata sha dto..
"Yes" sagot ko
Ngumiti sha sa akin
"This way maam"
Aba? Sosyal hahaha. English speaking ang waitress dto.
Sinundan ko sha hanggang sa makarating kami sa isang cute na kubo na may maraming ilaw ilaw... May nakaset up na rin na table dun sa kubo and i must say, sobrang ganda talaga ng pagka decorate dun pati na ang flower arrangements..
Mas lalo pa akong na amazed ng marealize na nakaharap pala sa dagat ang kubong yun..
Sobrang refreshing ng palagid... The scene is really captivating..
"Asan ang errrr. Uhm.. Ang ka date ko?" Tanong ko sa waitress na sumama sa akin papunta rito
"He'll be here later maam. Pakiantay nalang po" sabay ngiti nya at naglakad paalis
What the? Date tapos late agad sha?!? Aba!pa VIP rin tong ka date ko kuno! Tss.
Kunot noo akong naupo at pinagmasdan ang dagat..
Minutes had passed at talagang nababagot na ako kakantay.
I dialled fourth's number. Agad din nya naman itong sinagot.
"How was it? Nagki-"
I cut him off. Tumayo ako at inayos ang sarili ko.
Pinakaayaw ko sa lahat ay yung pinaghihintay ako.
"I'm going home fourth.Wala akong balak sayangin ang oras k-"
***Your hand fits in mine like it's made just for me..
But bear this in mind..it was meant to be...****
Nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko...tumibok ng sobrang lakas ang puso ko...
This song... H-his voice..
***and i'm joining up the dots with the freckles on your cheeks and it all make sense to me****
No... M-mali ba ako ng dinig??? Minumulto ba ako???
***i know you've never loved the crinkles by your eyes when you smile you've never loved your stomach or your thighs....***
Hindi ako pwedeng magkamali!kilala ko sha! Kilalang kilala ko ang boses nya...
***The dimples in your back at the bottom of your spine but i love them endlessly..***
Unti unting pumatak ang mga luha sa mata ko...
Dahan dahan akong humarap sa kanya... Sa taong dahilan ng pagtibok ulit ng puso ko...
***and i wont let these little things slip out of my mouth... Coz it's you...it's you... It's you ...they add up to***
Tuloy tuloy sa pag agos ang luha ko habang pinagmamasdan ang lalaking minahal ko at patuloy ko paring minamahal na nakangiting naglalakad palapit sa akin..
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko...
Buhay sha.. Buhay si raikko...
Kung panaginip man ito, ayoko ng magising pa... Gusto kong manatili sa panaginip na ito... Sa panaginip na kasama sha..
Huminto sha sa harap ko at pinunasan ang luha ko..
"i'm inlove with you...and all your little things"
A tear fell from his eyes..
"N-nananaginip ba a-ako?"
Tears keep falling from my eyes.
Ngumiti sha at hinawakan ang mukha ko..
Agad ko shang niyakap ng mahigpit..sobrang higpit na parang natatakot akong mawala sha bigla sa paningin ko..
"Bumalik ako... Para tuparin lahat ng sinabi ko"
Mas lalong lumakas ang pag iyak ko habang yakap yakap ko sha..
"I'm sorry if it took me this long para makabalik sayo..." -raikko
Pareho na kaming umiiyak..
"A-akala ko..patay ka na?"-red
Bahagya shang tumawa...
" ikaw lang naman ang tanging nag isip na namatay ako eh.."-raikko
"Panong.."-red
" i didnt die... Na comatose ako.."
Nanlaki bigla ang mata ko..
"Pero sabi ng doctor..patay ka na"-red
Gumuhit ang pagtataka sa mukha nya
" no. He never said na patay na ako.. He just said na hindi ko kinaya.. Kaya nga ako na coma dba"
Nangunot bigla ang noo ko.
"What?? Seryoso ka?? Alam ba to ni fourth?"-red
Tumango tango sha.
Whuttt???
" oo ,alam nya. I was comatosed for about half a year. Hindi nya nagawang sabihin sayo kasi galit pa sha sa akin nun. Ayaw nyang makita mo ako ulit. Mas ginusto nyang ilihim nalang sayo ang totoo kasi akala daw nya kaya ka nyang pasayahin.. Nung magising ako, nalaman ko na kayo na ni fourth at nalaman ko rin na inakala mong patay na ako... Fourth was there nung magising ako.. Sinabi nya sa akin na sasabihin nya na sayo ang totoo... Pero nakiusap ako sa kanya na itago parin ang totoo"

Naguluhan ako bigla sa sinabi nya..
"B-bakit?"-red.
" because i was paralyzed nung magising ako..spine ko ang tinamaan ng bala kaya ganun....at ayokong makita mo ako sa ganung kondisyon.. Dinala ako sa ibang bansa para tingnan ang kalagayan ko..du na din ako ginamot.. It took me 2 years para tuluyan akong bumalik sa normal..binilin ko kay fourth na bantayan ka kasi magpapagaling ako at babalik sa pilipinas para sayo... At... Heto na ako ngayon... Binabalikan ang babaeng laman nito" sabay turo nya sa bandand puso nya..
Ngumiti ako habang hinahayaan ang mga luha kong patuloy na bumagsak..
"Alfhia Kriss Mejares..."
Napatitig ako sa mga mata nya ng banggitin nya ang buo kong pangalan ...
Hinawakan nya ang kamay ko at nagulat ako ng bigla shang lumuhod sa harapan ko!
"Will you be my wife?"-raikko
Mas lalong bumagsak ang mga luha ko..
Tumango ako ng paulit ulit ay niyakap sha..
" oo.. Oo papakasalan kita.. Kahit ikaw pa ang pinakabaliw at pinakamakulit na tao sa buong mundo, handang handa akong magpakasal sayo.."
He smiled at me at hinawakan ang mukha ko..
"Misis kong pula... Mahal na mahal kita"-raikko
I gently pressed his hands at nginitian rin sha..
" mahal na mahal rin kita... Mister ko"
Tinitigan nya ako...
He leaned forward and sealed my lips with his lips..
-E N D-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's a Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon