Untitled Part 1

19.8K 282 6
                                    

Nagkaroon ako ng ideyang isulat ang series na ito nang makilala at makasama ko sa loob ng maikling panahon sina Sir Nolo, Cha, Ace at maging iyong ibang miyembro ng isang samahan ng mga storytellers.

Nakakatuwang isipin na may isang samahan na ang pangunahing layunin ay mabigyan ng kasiyahan at kamulatan ang mga bata sa napakaraming bagay at pangyayari sa ating paligid.

I really admire you, guys, para sa napili ninyong bokasyon.

At sa mga mambabasa na walang sawang sumusubaybay sa bawat nobelang isinusulat ng inyong lingkod, para sa po inyo ang seryeng ito.

jinkyjamolin

*****

PARANG kailan lang ay nasa tahimik na probinsiya ako ng Bohol. Simple lang ang mga pangarap ko—ang maging masaya sa piling ng lalaking mahal ko.

Pero naging komplikado ang lahat nang tumibok ang puso ko sa anak na lalaki ng mayamang angkan sa aming lugar. Noong una ay hindi ako makapaniwala na posible palang ma-in love sa akin ang isang prinsipe. Ang problema lang, hindi pabor sa akin ang pamilya ng mahal ko.

Nagsilbing gatong iyon upang mag-isip-isip ako. Bata pa ako, malaki pa ang pagkakataong mapaunlad ang sarili. Gusto kong may mapatunayan sa sarili ko at kay Zardou.

Kay sarap balik-balikan ng kuwento ng buhay ko.



CHAPTER ONE


BUMUNGAD sa opisina ni Azenith si Katrina. Hindi naman malamig ang panahon pero naka-turtleneck shirt ito na makapal ang tela. Kanina pa niya hinihintay na dumating ang kaibigan.

"Hey, are you all right?" usisa ni Azenith.

"Of course," walang anumang sagot nito.

"Mukhang may sakit ka."

"Ah, eh, medyo masama lang ang pakiramdam ko. Anyway, there's nothing to worry about. Uminom na ako ng gamot."

"Tinatawagan ka ni Nona pero naka-off daw ang cell phone mo."

Ang tinutukoy ni Azenith ay ang kanilang boss. Ayaw ni Winona na itinuturing itong amo kaya simpleng "Nona" lang ang tawag nila rito. Sa kabila ng pagiging low profile ni Winona ay hindi matatawaran ang mga achievements nito sa buhay. Hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad. Isa marahil iyon sa mga dahilan kaya magkakabarkada ang turingan nila sa isa't isa.

"Sorry, Ace," ani Katrina na bakas sa mukha ang guilt. "Nag-oversleep ako kaya ngayon lang ako nakarating. Iyong cell phone ko naman, eh, nasira." Tinungo nito ang lalagyan ng airpot at condiments, saka nag-umpisang magtimpla ng kape. Halatang umiiwas ang kaibigan na parang  may itinatago sa kanya, ngunit hindi lang niya matukoy kung ano.

Nilapitan niya si Katrina. "Too bad. Pero hindi puwedeng magtagal na wala kang ginagamit na cell phone."

Pagkatapos magtimpla ng kape ay naupo ito sa couch. "Bakit nga pala ako hinahanap ni Nona?"

Gusto na yatang sumama ng loob ni Azenith dahil tila nakalimutan nito ang tungkol sa problemang inihihingi niya ng tulong. Gayunpaman, sinagot pa rin niya ang tanong ni Katrina.

"Tungkol yata sa plano nilang pagpapakasal ng boyfriend niya."

Napatuwid ng upo si Katrina. "Really, pumayag nang magpatali si Nona? Two months pa lang sila n'ong boyfriend niya, ah. Sigurado na ba siya sa desisyon niya?"

THE STORY OF US 2: AZENITH & ZARDOU (published under PHR1847)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon