Amanda Andrea Laviste. Maganda, mabait at matalino, bunso sa apat na anak nang kilalang Engineer Benjamin Laviste at Annalisa Laviste na isang Accountant. Masiyahin si Andra at siya ang pinaka-iingatan nang kanilang pamilya, bata pa lamang siya nang malaman nila ang sakit nito sa puso kaya maraming ipinagbabawal sa kanya.
Anna: Hindi pa ba gising si Andra? Hindi ba't sinabi ko na dapat ginigising ninyo siya? Paano kapag may nangyari sa bunso ko at hindi man lang ninyo napansin?
Alice: Buhay na buhay pa po ang pinakamaganda ninyong anak, kausap niya si Kuya Oliver sa video call at mukhang may pinapabili na naman.
Ben: Hayaan niyo na si Andra, yan lang naman ang nagpapasaya sa kanya. Gustong-gusto rin nang mga Kuya niya na pinapadalhan siya nang mga request niya. Sabi nga ni Alex noong isang linggo na gusto niyang ibigay ang kalahati nang bunos niya kay Andra para may puhunan na ito sa negosyo na naisip nang mga kaibigan niya.
Anna: Magtutulungan raw sila ni Oliver para raw sa kanilang bunso, sinabi ko naman sa kanila na kaya ko nang ibigay kay Andra ang puhunan na yon. Babalik rin naman kaagad ang pera, dahil events and catering services raw ang balak nilang magkakaibigan.
Alice: Ipinakita pa nga ni Andra sa akin ang building na bibilhin raw nila, maganda ang location at malaki rin ang area. Kailangan lang nang renovation pero it's good.
Ben: Ikaw naman, Alice? Ano naman ang susunod mong gagawin ngayong ipinasa mo na naman ang grocery mo sa amin nang Mommy mo? Ilang ulit ka nang umaalis sa mga business na hinahawakan mo. Ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay?
Alice: Hindi ko pa alam sa ngayon, Dad. Kapag alam ko na, sasabihin ko rin sa inyo.
Anna: Tama na yan at malalate na tayo sa trabaho. Pabayaan na muna natin si Alice sa gusto niyang gawin, pagsabihan mo nga pala si Andra na hindi siya pwedeng magpagabi ngayon at may mga bisita tayo mamaya.
Alice: Sino naman ang bisita natin mamaya? Wala naman kayong sinasabi tungkol dito? Kaya ba pinaganda ninyo ang dining room para sa kanila?
Anna: Malalaman mo mamaya kung sino ang darating. Aalis na kami.
Sa kwarto ni Andra, kausap nito ang nakatatanda niyang kapatid na nasa ibang bansa.
Andra: Kuya, bakit naman hindi ka makaka-uwi ngayong pasko? Di ba sabi mo, uuwi ka ngayong taon? Tapos ngayon, bakit hindi ka matutuloy?
Oliver: I know I made a promise to you pero mahalaga kasi ang seminars na pupuntahan ko at kailangan akong pumunta. Wag ka nang magtampo kay Kuya, uuwi pa rin naman kami dyan nang Kuya Alex mo kapag hindi na kami busy.
Andra: Hindi ko na nga kayo masyadong nakakausap ni Kuya Alex, lage siyang nasa training niya ngayon para sa promotion niya sa U.S Navy. Ikaw naman lageng nasa seminars mo sa ibang bansa. Paano ako magkakaroon nang sister in law sa ginagawa ninyong dalawa?
Natatawa si Oliver sa sinabi nang kapatid.
Oliver: Gusto mo na ba talaga kaming mag-asawa nang Kuya Alex mo? May responsibilidad pa kami sayo kaya hindi na muna kami mag-aasawa.
Andra: Kuya, 28 years old na ako. Hindi na ako bata para lage ninyong inaalagaan, besides I'm old enough to be taken care of.
Oliver: You know that we made a promise to you on your last heart attack bago kami nagtrabaho, remember that time?
Natahimik si Andra na napatingin sa kapatid niya.
Andra: Hindi niyo naman kailangan gawin yon sa akin. Kaya ko pa naman kahit wala ang Heart transplant, it's almost three years since my heart attack. Sinusunod ko rin ang bilin nang mga Doktor at lage akong umiinum nang medication ko.
BINABASA MO ANG
If That's What It Takes
RomanceMalaki ang mundong ginagalawan natin at may pusong nakatadhana para sa isa't isa. May magmamahal nang tapat, may masasaktan sa pag-ibig, may magmamahal nang sobra, may malilinlang nang dahil sa pag-ibig at marami pa'ng iba na nangyayari sa ating buh...