Chapter 3

637 9 0
                                    

Dumating ang mga Gonzales sa bahay nang mga Laviste, napapatingin naman si Dave sa loob at napansin ni Dariel ang mga tingin nang pinsan.

Dariel: Gusto mo na siyang makita, ano? Mukhang tinamaan ka na talaga kay Andra.

Dave: Masama ba'ng magkagusto sa kanya?

Richard: Ano pa ang hinihintay niyo dyan? Pumasok na tayo at kanina pa nila tayo hinihintay. Pamamanhikan na rin itong pagbisita natin para mapag-usapan ang magiging kasal ninyo ngayon. Masyadong hectic pa naman ang schedule namin kaya pag-uusapan na rin natin ang tungkol doon.

Bella: Ayos lang ba sayo, Dave?

Dariel: Ayos na ayos, kanina pa nga niya gustong makita si Andra.

Itinulak ni Dave si Dariel na pinagtatawanan siya, lumabas si Ben sa bahay na sinalubong sila.

Ben: Welcome to our home, Governor Gonzales.

Richard: Tigilan mo nga ako, Ben. Wala tayo ngayon sa opisina para tawagin mo ako nang ganyan, inaasar mo na lang ako lage.

Nagtawanan ang dalawang lalaki na nagkumustahan, sumunod naman si Anna na masayang sinalubong si Bella.

Bella: You look dashing as always, Kumare.

Anna: Alam mo naman mahalagang araw ito para sa bunso namin kaya dapat maganda rin ako. Ito na ba si Dave? Ang laki nang ipinagbago niya, magkakaroon yata ako nang gwapong manugang nito. How are you, Dave? Do you still remember me?

Dave: Yes, Tita Anna. Kayo po ang pinakilala sa akin ni Mama last time na pumunta kami dito. Kumusta na po kayo?

Anna: I'm good. How about you? Mas gwapo ka pa ngayon kesa sa huling pagkikita natin.

Dave: Maayos naman po ang naging buhay ko, naging busy lang po ako sa trabaho kaya hindi na ako nakakapag-bakasyon dito.

Ben: Pumasok na tayo at nakahanda na ang dinner natin. Para naman magkakilala na si Dave at Andra sa unang pagkakataon.

Pumasok na sila sa bahay at kaagad napatingin si Dave kay Andra na naghihintay sa kanila kasama ang kapatid nito.

Anna: Andra, this is Gabriel Dave Gonzales. Dave, this is Amanda Andrea Laviste.

Nagkatinginan si Andra at Dave na parehong ngumiti sa isa't isa, napatingin naman ang kanilang pamilya sa kanila. Kinikilig si Dariel na hindi mapigilan ang sarili, sinapak naman siya nang kanyang Ama.

Richard: Pasensya na kayo sa anak ko, palabiro lang talaga ito.

Ben: Please, let's all have a seat habang mainit pa ang pagkain. Kumain na muna tayo bago natin pag-usapan ang mga dapat pag-usapan.

Bella: Dave, doon ka na tumabi kay Andra.

Kumakain ang lahat habang nagkukwentohan, tahimik naman si Andra at Dave na nakikinig sa kanilang pamilya.

Andra: Kailan ba sila matatapos sa kwentohan nila?

Dave: Nagmamadali ka ba? Wag mong sabihin may pupuntahan ka pa?

Andra: Wala, saan naman ako pupunta sa ganitong oras?

Dave: Nalaman ko kasi sa pinsan ko na madalas ka'ng mag-DJ at sumama sa banda tuwing gabi sa kabila nang kalagayan mo. Kaya naman pala inaatake ka tuwing umaga dahil nagpupuyat ka kapag gabi.

If That's What It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon